4.♂♀

610 14 7
                                    

Chapter 4

♂__ELLA’S POV__♀

Ipinakilala na rin ni Francesca beki ‘yung iba niya pang relatives  sa akin. Grabe ‘yung lahi ng pamilya niya, iisa lang ang tindig. Lahat sila, mababae man o lalake, pang model at pang beauty queen! Hindi na talaga ako magtataka kung bakit na koronahan ‘tong Miss Gay 2013. Pero napansin kong wala siyang kamag-anak na beki, siguro siya pa ang pinaka unang beki sa lahi nila?

Syempre, paulit ulit lang ‘yung sinasabi namin. Inuulit lang namin ‘yung napagpraktisan namin. Napa English nga ako kanina nang ma meet ko ‘yung mga pinsan niya galing Amerika. Grabe, ang yaman taalaga ng lahi ng baklang ‘to e. Masasabi kong ang gandang lahi. Nasa kanya na ang lahat, pati ang korona. Hahaha.

“Everyone, it’s your turn now to occupy the dance floor as we have the most exciting part of this party, the dancing.” bigla namang nagsalita ang emcee at agad na dumilim ang paligid. Umilaw na ‘yung disco lights!

Aba, sosyal talaga. Akala ko pang matanda lang ang party na ‘to? Hahaha! Pwede naman palang mag party party at pang young age.

“The investors for the Legaspi Corporation may now proceed to special room since we will be having our emergency meeting.” sabi naman nung isang lalake.

Nakita ko na nagsitayuan ang mga “investors” na tinutukoy at nagsimula nang pumunta sa second floor. Ngayon naman, kaming mga “medyo nakababata” ang andito sa venue. At gaya nang hinihintay ng lahat, nagsimula na ngang tumunog ang disco music.

*Dugs dugs dugs dugs!*

“Francesca! Daliiii! Sayaw tayo oh!” hinahatak hatak ko na siya mula sa upuan niya. Kanina ko pa siya napapansin na busy sa cellphone niya. Ni wala siyang pakialam kung may sayawan o ano. Pero ako, gusto kong makipag disco dito.

“Ella! Yung bibig mo!” aniya pa at hinatak naman niya ako pabalik sa inuupuan ko.

Tinitigan ko siya at tinanong. “Bakit? Ano bang sinabi ko bakla?”

“Andyan ‘yung mga pinsan ko sa gilid o, baka marinig ka nila. Francis nga muna itawag mo sa’kin. Francis, okay?!”

“Ah-oh sge ba. Fra-Francis?”  nagbulongan lang kami dito ng nagbulongan. Sige! ‘Yon pala gusto niya e. Francis pala. Okay!

Napansin kong tumango lang siya. Wa epek lang sa kanya ‘yung background music. Ah! Kanina pa ako dito kating kati na sumayaw na! E bakit ba wala siyang reaksyon dito? Bakla pa naman ‘to, dapat alam niyang makipag sayawan. Maturuan nga ‘to.

“Francis! Halika na Francis! Sayaw tayo!” pag iimbita ko sa kanya sabay hawak ng kamay niya. Tinignan niya ako. “Ayoko.” aniya pa. Ang sungit naman e! Ang arte pa. Tsss. Napailing na lang ako.

Hinatak ko pa siya ng mas malakas. “FRAAAAAAANCIIIIIIIIIIS! Ang arte mo!” sigaw ko. “O! Eto o!” tsaka sumayaw sayaw na ako sa harapan niya.

Hawak hawak ko pa rin ang kamay niya habang nagsasayaw ako dito sa harapan niya at malapit lang talaga sa mesa namin. “Woooo! Wooo! Ang sayaaaaa!” sigaw ko. Para na akong baliw dito. Gusto ko na talagang sumayaw tapos ayaw niya. Di ko naman kayang pumunta sa gitna kasi wala akong ka kilala. Kaya dito na lang ako sasayaw. Hahaha.

“Hey Francis John, your girlfriend wants to dance. Why don’t you dance with her?” napansin kong nagsalita ‘yung isa niyang pinsan na kanina pa pala ata nakatingin sa akin. Leche. Nakakahiya lang! Para na akong baliw dito. Tapos, pinagtitignan pala ako ng mga cousins niya.

Napansin ko ngang may ibang babae na nakaupo pa sa kalapit na mesa. Nginitian ko na lang sila. ‘Yung lusaw na ngiti. Nakakahiya ‘yung pagsayaw ko sa harap ni Francis. Pucha!

Aɴɢ Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ Kᴏɴɢ ℬᗩᗪiᘉḠ?! ♂♀ [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum