11.♂♀ [Ending]

557 19 29
                                    

Note: Please kahit ngayon lang, magcomment sana lahat ng makakabasa ng chapter na 'to. Please? Please poooo :) Merry Christmas in advance! Enjoy the last chapter :D

Chapter 11

♂___SOMEONE’S POV___♀

Naglakad na si Ella sa gitna ng stage, sa kanya rin nakatungo ang spotlight. Kakadating lang din nina Jairus at Nash sa venue kaya agad silang sinamahan ni Sharlene papunta kay Ella. Nakasuot lang ng puting cocktail dress si Ella. Simple lang ang ayos niya pero maganda parin siya. Pero mas sigurado siyang mas maganda ang bestfriend niyang si Francesca, na nasa backstage lang naghihintay dahil siya mismo ang nag ayos nito.

Umakyat si Jairus at Nash sa gitna. Wala din namang masyadong tao at sila lang ang inimbita ni Ella kaya tahimik ang paligid.

Inabot ni Ella ang microphone na binigay ni Sharlene at nagsalita na rin ito nang makaharap na niya si Jairus sa gitna, “Jairus, hi.” pangiti ngiti niyang sabi.

“Ah---hi? Hehehe.” sagot ni Jairus na tila hindi niya alam ang mga nangyayari. Patingin tingin pa sila ni Nash sa paligid nila at parang nagtataka. Nakasuot silang dalawa ng black leather jacket at shades--- astig na astig ang porma nilang dalawa. Magkaibang magkaiba sa porma ni Francis na nakagown at nakakorona pa.

“Alam kong barkada mo si Francis. At alam ko din na may pinagsamahan na kayo pero gusto ko lang talagang magpakatotoo siya sa sarili niya kaya tinulongan ko siyang gawin ‘to.” sabi ni Ella sabay tingin sa backstage na tila may hinihintay o tinitignan siya dito.

“Ah—ga-ganon ba?” aniya Jairus at napakamot na sa ulo. Nagkatinginan lang sila ni Nash na tila may pinag uusapan ang kanilang mga mata.

Nagsalita ulit si Ella, “’Wag kang magulat ha. Pero si Francis ay si Francesca at siya ang nakoronahang Miss Gay 2013. At may ipagtatapat siya sa’yo. Sana lang tanggapin mo pa rin siya.”

“Francesca! Beki! Lumabas ka na dyan dali!!!” ‘yon na nga ang senyales ni Ella pero nagtataka siya’t hindi parin lumalabas si Francesca.

“Teka lang Jairus ha, mukhang nahihirapan ata ‘yon e.” naglakad si Ella papunta sa backstage. “Mims! Palabasin mo na nga siya!” pasigaw niyang sabi kay Mimay na nagbabantay lang sa pintuan ng dressing room. At sa wakas, nakita niya na rin si Francesca na papalabas.

“Beki! Kaya mo ‘yan!” sabi ni Ella kay Francesca na kabadong kabado na.

Hinawakan ni Francesca ang kamay ni Ella at nagsalita ito, “Ella, ‘wag kang umalis ha? Please?”

“Oo naman! Bestfriend mo ‘ko e! Ge na! Gora na!”

“At ‘wag kang magalit ha?” aniya Francesca sabay ngiti sa bestfriend niya.

“Oo naman siyempre noh.”

‘Yon na nga ang huling mga salitang sinabi ni Ella bago na tuloyang lumabas si Francis ng stage at nagpakita kina Jairus at Nash na kanina lang nakatayo sa gitna. Ngumiti sina Nash at Jairus nang makita si Francis. Para bang, hindi nila inakala na ganyan ang makikita nilang hitsura nito. Tinignan ni Francis si Ella na nasa ibaba lang nakaupo at ngumiti ito sa kanya. Ganon din si Ella sabay sigaw ng “Go beki! Keri ‘yan teh!”

“Uhmm.. Jairus, pre. Nash, ‘tol. Hi. Hehehe.” pagpeke ng ngiti ni Francesca sa dalawa nitong barkada.

Nakatayo lang si Jairus at Nash sa gitna at tinitignan lang si Francis. “Salamat kasi kahit na ganito ang ayos ko, tinulongan niyo parin ako. Alam kong galit kayo sa mga bakla pero ‘tong kaharap niyo ngayon, hindi kayo galit diba?” aniya Francis.

“Siyempre, ‘tol tayo e!” inakbayan agad ni Nash si Francis pagkatapos niyang sabihin ‘yon. “O nga, barkada tayo!” at ganon din si Jairus. Nasa gitna na si Francis nakatayo sa kanila. Pinagitnaan siya ng dalawang mga astig ang pormang lalake.

Aɴɢ Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ Kᴏɴɢ ℬᗩᗪiᘉḠ?! ♂♀ [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon