8.♂♀

496 15 4
                                    

Chapter 8

 

♂___ELLA’S POV___♀

Nasa harapan na kami ng mesa, kumakain na ako habang tinitignan siya na nakaupo lang sa harapan ko. Kakatapos lang din niyang maligo. Grabe, ang tagal niyang lumabas ng banyo, ganito talaga pag bakla e, mas marami pang ritwal na ginagawa kesa sa mga babae. At nagbihis na nga rin ako ulit ng damit kasi ang sabi niya nga, ayaw niyang mas may sumexy pa sa kanya. Alam ko naman talagang nagagandahan at naiinsecure ‘to sa katawan ko. Hahaha.

“Francesca, uuwi ka na ba pagkatapos mong mag almusal?” tanong ko habang tinitignan siyang pinapatuyo ang buhok niya gamit ang twalya. May dala naman siyang damit kaya ‘yon na ang isinuot niya. Nagtataka lang ako kung bakit naisipan niyang magdala ng ganitong damit na parang sobrang astig ng porma pero siyempre, pinabayaan ko na lang.

“Uhmm, ahh. Yes? Maybe, girl. Why you ask ba?” arte niyang sagot.

“Wala lang. O nga pala, bukas may pupuntahan daw kami ni Sharlene.” sinubo ko na ang isang kutsarang pagkain habang  tinitignan lang siyang inaayos ang pinggan sa harapan niya. “Sharlene?” nagtataka niyang tanong.

“Oo, ‘yung contestant sa beauty pageant.”

“Where would you make gala gala ba?”

“Di ko alam e, sa party daw ng classmate niya. Sasamahan ko na lang, kawawa naman. Ikaw? Baka gusto mong sumama?” nilagyan ko na ng kanin ang pinggan niya. Ganito naman talaga kami, parating ako ang nag aasikaso sa kanya sa ‘twing kumakain kami. O diba? Ang swerte niya sa akin.

“Thanks girl.” ngumiti siya. “O? Ano? Sasama ka, hindi?” dagdag ko pa sabay lagay ng ulam sa pinggan niya. Tinitignan niya lang ako.

“Ah, hindi na Ella. No no no na aketch dyan. May pupuntahan din kasi ako.” maarte niyang sagot.

“Si Jairus? Hahahaha.” pambobola ko sa kanya. Pero ramdam ko talagang lalake ang pupuntahan niya. Hahaha.

“’Wag ka nga dyan girl!”

“Ikaw Francesca ha, umamin ka nga! Boyfriend mo ‘yang Jairus na ‘yan noh?” 

“Hindi kaya!”

Nagsimula na rin siyang kumain. Ang arte niya talagang kumain e. Natatawa nga akong tinitignan siya. Masaya ako kasi magkasama na naman kami ngayong araw na ‘to. Parati na lang kaming magkasama ni Francesca. Daig pa nga namin ang mag boyfriend-girlfriend. Pero uulitin ko nga ang prinsipyo ko sa buhay, ayokong makipag relasyon sa mga lalake.

“E nakakailang boyfriend ka na ba?” minumuya muya ko na ang pagkain ko.

“Wala pa noh.” aniya pa.

“Baka naman… babae ang gusto mo beki?” nginitian ko siya ng nakakalokong ngiti. Hahaha. Gusto ko lang din talaga siyang biruin kasi alam kong mabilis siyang mainis. Hahaha!

Aɴɢ Bᴏʏғʀɪᴇɴᴅ Kᴏɴɢ ℬᗩᗪiᘉḠ?! ♂♀ [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora