chapter fourty one

24K 434 29
                                    



                   KRYSTEL


"Done!" Sambit ko pagkatapos kong magluto para sa agahan namin,lumabas ako ng kusina natanaw ko ang kambal na nakadungaw sa bintana mukhang may inaabangan sila na dadating  at alam kong si Bryan yun.lumapit ako sa kanila isang hakbang nalang ng huminto ako nagsalita si beatrice hawak ang paborito nyang manika pareho silang nakatalikod.




"Kuya kailan uuwi si daddy?"



"Ewan"



"Sana umuwi na si daddy" si beatrice na naiiyak na bigla akong nakonsensya tama si via  ang dalawa ang nahihirapan.



"Dont cry beatrice"  pinahid ni brylle ang mukha ng kapatid  gamit ang damit nya.




"Baby" napalingon silang dalawa tuluyan na akong lumapit at niyakap sila.




"I'm sorry kasalanan ni mommy" naiyak na ako dapat ako lang,ako lang ang masaktan at hindi sila.











Nanginig na pinindot ko ang call button,napapikit ako ng magring sa kabilang linya.







"Daddy" napadilat ako ng magsalita si beatrice na nasa tabi ko, nilakasan ko ang volume kinabahan ako ng makita sya kahit sa screen ko lang nakikita ang mukha nya.







"Halika ka baby" binuhat ko si beatrice kinandong ko sya paharap sa laptop hiniling kasi nya na makausap ang daddy nya kahit sa video call lang.





"Daddy" tawag nya na nanghihina.






"What happen baby?" Tumingin sakin si Bryan  di mapakali.







"A-ano kase nilalagnat sya" pinunasan ko ang noo ng anak ko.






"Painumin mo sya agad ng gamot at pahingahin.., ano ba ang nangyare  at nilagnat sya?"






"I miss you daddy" ngumiti si Bryan pero kita sa mata nya ang lungkot.





"I miss you too baby"





"Miss na din kita"gusto ko rin sanang sabihin pero nagpigil ako.





"Where's your kuya?"




"Sandali lang tatawagin ko sya" inayos ko si beatrice.




"Tatawagan ko lang si kuya ha?" Tumango sya sumulyap ako sa laptop bag lumabas ng kwarto.







"Saglit lang brylle" pigil ko pinunasan ko ang pawis nya, agad syang umupo sa tabi ni beatrice.





"Daddy!" Tawag  nya.




"Kailan ka uuwi?" Tanong nya umupo ako sa tabi ni brylle kitang kita ko si Bryan.Hindi naman nya ako nakikita kaya pinagmasdan ko ang mukha nya may tumutubong bigote sa panga nya malalim ang mata nya mukhang pagod na pagod.





"Daddy please uwi kana" pakiusap ni beatrice.






"Soon baby" nakaramdam ako ng saya ibig sabihin uuwi sya, napangiti ako pero agad ding nawala ng makita ko ang babaeng nasa likod nya nakayakap.






"Hi kambal! Kamusta na?"






"Hello po tita OK lang po" kahit hindi nila ako nakikita tumalikod ako, magkasama sila ni Sophia? Sila na ba? Sa isiping yun parang  mawawasak ang dibdib ko sa sakit.Wala na akong maintindihan sa pinag uusapan nila,naramdaman ko ang pagdampi ng maliit na kamay sa pisngi ko.






"Wag kana umiyak mommy"pinunasan ni brylle ang luha ko  na diko namalayan na napaiyak na ako.







"Thanks baby!" Niyakap ko sya,ang bata pa nya pero parang alam na nya kung bakit ako umiyak, tiningnan ko ang laptop nakapatay na ibig sabihin tapos na ang page uusap nila.







"Come here beatrice" inabot ko ang kamay nya. Pagkalapit nya mahigpit ko silang niyakap, masakit man na wala na kami ni bryan nagpapasalamat ako at may kambal  pa sa buhay ko.














Pasensyahan nyo na ang maiikli kong update.. :)
Enjoy :))

ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYOWhere stories live. Discover now