chapter eight

31.8K 539 18
                                    

"Hi!'' napalingon ako sa taong tumabi sakin.

"Adrian!" nilapag nito ang isang paper bag.

"mukhang busy ka ahh''

''Nagbabasa lang ako ng libro, napadaan ka ata?''

"Pinuntahan talaga kita'' nilabas nito ang laman ng paper bag. Kumunot ang noo ko ng puro pagkain ang laman nilatag nya ito sa harap ko.

''Para sayo lahat yan" nakanngiting wika nito.

''Seryoso ka?'' marahan ko syang tinitigan,nailang naman ako sa pagtitig nya sakin.

''Yes'' para tuloy itong sumagot sa isang manliligaw, iniwas ko ang tingin sa kanya napangiti nalang ako. Kinuha ko ang isang balot ng tinapay binuksan ko ito at hinati kumnot ang noo nito ng iabot ang kalahati sa kanya.

''Hati tayo sa lahat ng binili mong ito''

''its ok Krystel para lang yan sayo'' hindi nito kinuha ang iniabot ko sumimangot ako bigla parang nakaramdam ako ng rejection binitawan ko ang tinapay hindi ko sya pinansin.

''Hey!'' hindi ko sya pinansin binuklat ko ang libro at nagkunwaring nagbabasa. Pakiramdam ko tuloy para akong may sakit na di pwedeng lapitan.

''Sorry na, sige na hati na tayo '' kinuha nito ang tinapay na binitawan ko kanina inabot nya sakin ang isa pero diko sya pinansin.

''Please na po kakainin natin ting dalawa dont be sad'' tiningnan ko sya ngumiti sya sakin.

''Talaga?'' tumango ito.

''sige ha?'' bawat pagkain na nakabalot hati kaming dalawa ultimo yung maliit na chocolate pinaghatian pa naming dalawa. Masaya naming kinain ang pagkaing dala nya kahit mukha na kaming mga bata dahil sa ice cream na binili nya na hindi namin namalayang natunaw na.
Hindi namin pinapansin ang mga taong nakatingin sa amin, basta kasama ko sya masaya ako at nalilimutan ko ang bigat na nararamdam ko dahil sa nangyare.




--
'' Salamat ingat ka ha?'' sambit ko pagkababa ng kotse nya.Lumapit sya sakin hinawakan nya ang dalawa kong kamay hindi ako makagalaw sa ginawa nya dinampian nya ako ng halik sa pisngi, kahit mabilis lang naramdaman ko ang init ng labi nya na dumampi. 

"Thank you'' sumakay na sya mg sasakyan at nakaalis na pero hindi pa rin ako makagalaw. Bakit ngayon pa? bakit ngayong may asawa na ako saka pa kami nagkalapit.
Nang mahimas himasan napabuntung hininga na lang ako bago pumasok sa bahay.

Marahan kong binuksan ang pinto bukas pa ang ilaw napatngin ako sa taong nakaupo sa sofa, hindi ko sya pinansin tutuloy na sana ako sa sariling kwarto ng magsalita ito.

''Bakit ngayon ka lang?'' nainis ako sa tanong nya.

''Pake mo ba?" tumayo ito at lumapit sakin seryoso ang mukha nito.

''May pakialam ako dahil buntis ka, hindi ganitong oras ang uwi ng buntis'' nag init ang ulo ko sa sinabe nya, tinulak ko sya sa balikat.

"Wala kang karapatan na pagsabihan ako! at wala kang paki  kung anong oras ako uuwi magpasalamat ka at umuuwi pa ako dito kahit diring diri ako sayo'' matalim na titig ang iniwan ko sa kanya bago nagtungo sa sarili kong kwarto.
Inihagis ko ang bag sa kung saan inis na inis ako sa kanya makapagsalita sya akala mo kung sino na, hinding hindi ako papayag na hawakan nya ako sa leeg kasalanan nya lahat at hindi hindi ko sya mapapatawad.





__
"Dapat pala nagdala ako ng maraming pagkain ang takaw mo na" natatawang sabe ni Andrian, ngumuso ako andito kami ngayon sa park tapos na kase ang klase namin, naisipan nya akong ipasyal madalas na kaming lumabas lalo na pagkatapos ng klase namin, kahit medyo halata na ang tyan ko hindi pa rin ito nahihiya na samahan ako para tuloy ito pa ang tatay ng anak.

Kung hindi ba ako nabuntis mapapansin nya kaya ako? Ito yung pinakahihintay ko na pagkakataon ang mapalapit sa kanya pero sa maling pagkakataon pa dumating.

''Masarap kase pag libre'' sagot ko bumilis ang tibok ng puso ko ng lumapad ang ngiti nya.

''Gusto mo libre kita palagi?'' binuksan ko ang isang burger bago sya sinagot.

''sino bang aayaw sa libre?'' pareho kaming natawa. Napatitig ako sa kanya napakabait nya sakin ni hindi nya man lang ako hinusgahan katulad ng iba, sa halip lagi nya pa akong sinasamahan kahit sa check up ko minsan. Lalo tuloy akong humanga sa kanya kung sana lang hindi ganito ang sitwasyon ko lubos sana ang kasayahan ko.

"Ohh bakit?" Umiling ako habang nakatingin sa kanya, inagaw ko ang bote ng softdrinks at tinungga nagulat sya sa ginawa ko malapit ko na sanang maubos ng may biglang umagaw.

"Bawal sayo ang uminom ng soft drinks krystel " si Bryan bigla nalang itong sumulpot naiinis na tumayo  ako lahat ba ng gagawin at kakainin ko bawal.

''Ano bang problema mo? at bakit ka nandito?'' asik ko sa kanya, lumapit sakin si Adrian.

'' Krystel sinabihan kana man ng doktor diba? bawal ang softdrinks sayo''

''wala kang pakialam!" sigaw ko sa kanya. Tumingin ito kay Adrian kinwelyuhan nya ang huli.

"Ikaw alam mo namang buntis ang asawa ko diba!? Bawal sa kanya yun!" Kita sa mata nya ang galit hinawakan ko ang braso nya inilayo ko sya kay Adrian.

"Nabigla ako sa ginawa nya kaya diko napigilan" si Adrian. Humarang ako sa gitna tinulak ko sya sa dibdib.

"Pwede ba Bryan wag kang gumawa ng eksena dito! "

"Kung ayaw mong gumawa ako ng eksena, pwes!umuwi na tayo! " hinawakan nya ang kamay ko.

" ayoko! " hinila ko ang kamay ko na nabitawan naman nya.

"Kung gusto mong umuwi! Umuwi kana! "

"At sa kanya ka sasama! " tinulak nya sa balikat si Adrian.

"Pare ayoko ng gulo"

''pwes lumayo ka sa kanya!'' sa isang iglap nakaupo na si Adrian sa damo. Nabigla ako sa ginawa ni Bryan hindi na nakapagtimpi si Adrian sinugod nya rin ang lalaki napatingin ako sa paligid madami na ang nakatingin sa kanila.

"Tumigil na kayong dalawa!'' sigaw ko lalapitan ko na sana sila ng biglang humapdi ang tyan ko napangiwi ako. 

"Aaray! " napatingin ako sa hita ko na may dugo kinabahan ako.

"Hi-hindi! " tumingin ako sa kanila.

" Adrian!'' sigaw ko tumigil sila agad silang lumapit sakin, naiyak na ako sa sakit.

"Aaaray ang tyan ko! "

"K-krystel! " agad akong binuhat ni Bryan sobrang sakit ng tyan ko.

"Krystel kapit ka lang ha? " hindi ko na narinig pa ang sinabe ni Bryan ng biglang magdilim ang paningin ko.









Thanks sa mga nagbabasa :)

ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYOWhere stories live. Discover now