chapter thirty nine

23K 437 55
                                    


                      KRYSTEL


"Mommy look!" Tawag ni beatrice, tinuro nya ang t.v na may pinapalabas na cartoons nasa sala kaming tatlo sinamahan ko silang manoud.Nalingunan ko si mama vina ang mama ni bryan simula nang mag away kami andito na sya.






"Kanino ho yan ma?" Tukoy ko sa maletang bitbit nya.






"Wag kang maingay baka marinig ng dalawa" napakunot ang noo ko,tumayo ako at lumapit sa kanya.






"Kay bryan to" kumabog ang dibdib ko.





"Ho?"




"Naku wala ba syang nasasabe sayo?.Aalis sya" nagulat ako sa sinabe ni mama aalis sya? Dahil ba yun sa pag aaway namin? O talagang totohanin nya ang pakikipaghiwalay? Tumingin ako sa kambal na busy sa panonoud.





"Kambal halina muna kayo sa kusina magbe bake tayo"





"Talaga lola?" Tumango si mama,agad  naman silang sumunod natanaw ko si bryan na papalapit.





"Sorry kung diko agad sinabe,ngayon araw ang alis ko papuntang singapore" nanginig ang tuhod ko.






"Da-dahil ba ito sa nangyare nong isang gabe?"






"Hindi pero mas ok na to aalis ako" pinigilan ko ang maiyak,may kinuha sya sa mesa inabot nya sakin ang brown envelope kung san nakalagay ang lahat ng papel na inasikaso ni adrian.




"Napirmahan  ko na malaya kana krystel" parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang sakit gusto ko syang pigilan peeo hindi ko magawa nanginginig ang kamay ko habang hawak ang envelope.






"Aalis na ako, alagaan mo sana ang kambal" saka sya naglakad ,tumalikod ako hindi ko kaya pinikit ko ang mata ko  hindi ko na napigilan ang lumuha ang sakit!.





"Daddyyyyy!!! " rinig Kong sigaw ni Beatrice dumilat ako pinunasan ko ang luha ko  nakatingin sakin si mama umiiling iling.









                      BRYAN



"Daddy San ka pupunta?" Tanong ni brylle. 






"Sama kami daddy" dugtong ni beatrice, umupo ako para magkapantay ang mga mukha namin.






"No baby, may gagawin lang si daddy  dito nalang kayo"





"No!ayoko sama kami sayo!" Yumakap sa leeg ko si Beatrice.






"Sorry baby  hindi pwede" umiyak na sila mahigpit ang pagkakayakap nila sakin.






"Daddy please sama kami" daing ni brylle, ayoko malayo sa kanila pero kailangan. Nilingon ko si mama  tinanguhan ko sya senyas na kunin nya ang mga bata.






"Kambal listen.,may gagawin lang kase si daddy wag na kayo umiyak" pinahid ko ang luha nila habang nakatayo sila sa harap ko.






"Bakit ayaw mo kaming isama?" Si brylle.





"Malayo kase yun brylle malayong malayo" yumakap ulit si Beatrice.






"Sama ako daddy"






"Ma" tawag ko para kunin nya si Beatrice  agad syang lumapit at kinarga si Beatrice iyak ng iyak tumingin ako kay brylle.






"Sorry baby ha..,alagaan mo ang kakambal mo lalo na si mommy ha?" Sunod sunod ang pag agos ng luha nya niyakap ko sya.






"Promise babalik ako babalik ang daddy"






"Promise?"hinalikan ko sya sa noo.







"Promise" tumayo ako tiningnan ko si krystel na nakatayo sa di kalayuan nakatingin lang sya samin.






"Daddy"





"Beatrice baby I'm sorry pero promise babalik ang daddy" umiling sya  tumalikod na ako.






"Daddyyyy noooooo!" Sigaw nya minadali ko ang paglabas ng bahay masakit sobrang sakit ang iwan sila pero kailangan kong magsakripisyo.













Enjoy :))

ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYOWhere stories live. Discover now