chapter fourty four

27.6K 541 76
                                    


                     KRYSTEL

"mommy" niyakap ako ni Beatrice nakapikit na ang mata nya,katatapos ko lang silang basahan ng story nakatulog na din si brylle.Dahan dahan kong inalis ang kamay ni Beatrice,inayos ko ang pwesto nila saka kinumutan,hinagkan ko sila sa noo bago lumabas ng kwarto.
Papasok na sana ako ng kwarto ko ng may maaninag akong tao sa  sala nakapatay kase ang mga ilaw kaya diko makilala,pumunta ako sa gilid binuksan ko ang ilaw,tumambad si bryan na nakaupo sa sofa at umiinom ng alak lumapit ako sa kanya.






"Andito kana pala,akala namin di kana uuwi anong oras na din kase" tinungga nya ang laman ng baso na may alak.







"Bat mo nagawa yun sa kanya?!"galit nyang tanong.







"Ha?anong ginawa?" Pagtataka ko,pinukpok nya ng mahina ang mesa tumingin sya sakin.







"Pwede ba krystel wag kanang mag maang maangan!" Tumaas na ang boses nya.








"Pwede ba Bryan hinaan mo ang boses mo natutulog na ang mga bata"









"Pwes sagutin mo ko,bat mi nagawa yun kay sophia?" Ano bang ginawa ko sa babaeng yun?wala naman.








"Ano bang pinagsasabe mo wala akong ginawa sa babaeng yun!" Lumapit sya hinawakan nya ang braso ko.








"Kung may galit ka parin sakin! Sakin mo lang ibuhos wag mong idamay ang ibang tao!" Naiinis na ako wala naman akong ginagawang masama pero kung magalit sya daig ko pa ang kriminal na gustong paaminin.








"Bitiwan mo nga ako! Wala akong ginawa sa babaeng yun! Nag usap lang kami" nahilamos nya ang mukha.









"Nakipag usap sya sayo para makipag kaibigan dahil sa tingin nya hindi mo sya gusto! Pero among ginawa mo?! Sinaktan mo sya at kung ano anong masasamang salita pa ang sinabe mo!" Nakuyom ko ang kamay ko.









"Yun ba ang kinagagalit mo? Oo nag usap kami pero hindi ko sinaktan at lalong hindi sya nakikipag kaibigan! At kung sakali mang ganuon nga hindi ko matatanggap ang pakikipag kaibigan nya!"









"Krystel ano pa ba ang kulang!? Nasaktan mo na ako nawasak mo na! Wag mo namang idamay pa ang ibang Tao" nangilid ang luha ko.









"Krystel pinagbigyan naman kits sa gusto mo diba? Hindi ako nagreklamo kahit nasasaktan na ako ni hindi kita sinumbatan kahit nagkikita kayo ni Adrian" nakita kong tumulo ang luha nya pero agad din nyang pinahid.









"Mabait si Sophia at sya ang laging nandyan sa twing nasasaktan ako" Masakit. Masakit dahil sa mga nagawa ko sa kanya pero mas masakit na pinagtatanggol nya pa ang babaeng yun.





"Sorry. Sorry dahil nasaktan kita,sorry dahil nasaktan ko din ang iba dahil sa pansarili kong kaligayahan,sorry dahil sa lahat ng nagawa mo sa pamilyang ito hindi ko naapreciate, sorry dahil mas pinili kong sumama kay Adrian kesa sa inyo, sorry dahil sa daming ng mali at pagkukulang sa pamilyang ito.Sorry" hindi sya sumagot nanatili syang nakatingin sakin.








"Alam kong mahirap paniwalaan.Oo inaamin ko ayoko sa Sophia na yun kahit mabait pa sya! Alam mo kung bakit? Dahil gusto ka nyang agawin sakin samin! At hindi ako papayag dahil mahal kita" pinahid ko ang luha ko na sunod sunod sa pag agos umatras sya  kasabay ng pay iling.














"nasusuklaman mo ko diba?kinamumuhian mo ko! "







"Oo kinamuhian at kinasuklaman kita pero nawala ang lahat ng yun dahil sa pagmamahal mo sa pamilyang to,pinagsisihan ko na ang lahat Bryan,mahal kita mahal na mahal"







"Baka nagkakamali ka lang Hindi ako si adrian krystel"






"No Bryan!please maniwala ka mahal kita at hindi si adrian!"





"Mahirap paniwalaan krytsel lalo na ang isang katulad mo na sukdulan ang galit sakin" tumalikod sya at naglakad palayo,Napaupo ako parang madudurog ang pusobko sa sakit.Hindi ko sya masisisi kung hindi sya naniniwala sobra ko kase syang nasaktan napahagulgul ako,ito na yata ang karma ko sa lahat ng ginawa ko sa kanya.














After 5 days

"Mommy wake up!" Naramdaman ko ang pagyugyug ni Beatrice sa balikat ko.








"Baby inaantok pa si mommy"







"Kakain na daw po sabe ni lola" niyugyug nya ulit ang balikat ko dinilat ko ang mata saka umupo sa kama.Nandito kami ngayon kina mama,ilang araw na kase akong di makatulog kakaisip Kay Bryan simula nong umamin ako sa kanya  hindi na sya umuwi halos madurog ang puso ko sa ginawa nya pero hindi ko sya  masisisi dapat lang naman din akong magdusa at masaktan.











"Sige baby susunod si mommy" lumabas sya ng kwarto.Napatingin ako sa salamin namamaga na naman ang mata ko kakaiyak kagabe,naalala ko si Bryan nasan kaya sya ngayon? Sana umuwi  na sya namimiss ko na sya.















Maikli ulit na update galing sa inyong otor otoran hahaha.
Matagal po ang pagpapublish kesa sa pata type keya wag po sana atat sa ud hehehe.
Enjoy :))

ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYOحيث تعيش القصص. اكتشف الآن