chapter thirteen

27.5K 541 30
                                    

KRYSTEL


"Brylle! Beatrice! " tawag ko sa kanila. Napansin kong wala sila sa sala, mukhang dipa sila lumalabas.Maaga akong bumangon at nagluto ng almusal gusto kong makabawi sa nagawa ko sa kanila papunta na ako sa kwarto nila ng marinig ko ang boses nila sa kwarto ni Bryan.

"Kuya help me! Hahahaha! " huminto ako sa pinto ng kwarto ni Bryan mukhang nagkakasayahan sila sa loob.

"Huli kayo! " boses ni Bryan.Napuno ng tawanan ang loob nanatili akong nakatayo sa labas madalas ko silang naririnig pero hindi ganitong maaga pa lang sobrang saya na ng mga bata tila may kumurot sa kaibuturan ng puso ko kailan ko ba ako nakipaglaro sa kambal? Kailan ko ba sila napatawa na katulad ng naririnig ko ngayon? Huminga ako ng malalim wala sa sariling bigla akong nakaramdam ng konsensya binitawan ko ang seradura nang bumukas ang pinto nagulat pa sila ng makita ako karga ni Bryan si Beatrice habang nasa likod naman nito Brylle. Nagring ang cellphone ko agad kong sinagot ng makita sa screen ang pangalan ni Adrian tumalikod ako sa kanila lumakad ako pabalik sa kusina habang kausap ang binata.


"Yes, hello"

[Pwede kaba mamaya?]

"Oo naman "


[Kita tayo]

"sure no problem saan?" nasulyapan ko ang mag aama na papasok sa kusina, hinanda ko ang mga plato.

[Basta sunduin nalang kita]

"Ok see you later" binaba ko ang cellphone tahimik lang ang kambal habang nakaupo.

"Kumain na kayo at aalis ako" nilagyan ko ng pagkain ang plato ng dalawa.

"San ka pupunta? " tanong ni Bryan.

"Business "

"Linggo ngayon krystel may lakad tayo ng mga bata" tumingin ako sa kanya may lakad nga pala kami ng mga bata pero nakapag oo na ako.

"Sorry pero nakapag oo nako. Eat this baby aalis si Mommy saka nalang tayo lalabas ok?" Hindi umimik ang dalawa tumingin lalabas na sana ako ng kusina ng hawakan nya ang kamay ko.

"Mas uunahin mo pa ba ang lalaking yun kesa sa mga anak mo? " galit nitong tanong iwinaksi ko ang kamay nya hanggat maaari ayokong madikit sa kanya.


"pwede ko naman silang samahan sa susunod.Saka wag ka ngang makialam sa mga desisyon ko! " tumingin ako sa kambal na pinapanoud kami.Tinalikuran ko sila at pumasok ng kwarto ko. Bakit ba ayaw nya akong tigilan? hindi ba sya nagsasawa sa mga ginagawa ko sa kanyang pambabalewala? Kahit anong gawin nya hindi magbabago ang tingin ko sa kanya. Hindi ako makakapayag na pasukin nya pati ang sarili kong desisyon wala akong nagawa noon kaya gagawin ko ang lahat ipadama ko lang sa kanya kung paano magdusa.






BRYAN

"Were here" sambit ko habang pinaparada ang sasakyan sa labas ng gate. Sinipat ko ang dalawa sa passenger seat parehong tulog ang dalawa. Tinanggal ko ang seatbelt bumaba ako ng sasakyan at binuksan ang pinto sa likod.

"Brylle wake up" mahinang niyugyug ko ang balikat nya, kararating lang namin galing kina mama inuna kong kinarga si Beatrice agad itong nagising kinusot nito ang mga mata


"Come on sorry sa paggising anak" hinawakan ko ang kamay nya pagkasara ng pinto ng kotse. Napansin ko na bukas ang ilaw sa loob ng bahay, dumating na siguro si Krystel. Pinauna ko si Brylle na pumasok dederetso na sana kami ng lumabas sya sa kusina.


"Umuwi pa kayo? " tumingin ako sa kanya may hawak itong baso na may lamang alak, di ko sya sinagot pumasok na kami sa kwarto. Nang masiguro kong tulog na sila muli akong lumabas pinuntahan ko si Krystel nakayuko na sya sa mesa walang imik na niligpit ko ang mga bote tila nakaramdam ito sa ginagawa ko tumingin sya sakin.


"Anong ginagawa mo? "

"Hating gabe na krystel magpahinga kana" inagaw nya ang bote na hawak ko.


"Ayoko! Gusto ko pang uminom!"sigaw nya, hinawakan ko ang balikat nya.

"Lasing kana tama na" tumingin sya sakin inalis nya ang kamay ko galit na tinulak nya ang balikat ko.

"Walang hiya ka! Wag na wag mo akong hahawakan! " sigaw nya sabay hampas sakin huminga ako ng malalim.

"Wag kang sumigaw natutulog na ang mga bata"

"Bakit ha!? Bakit!!? Nasusuklam ako sayo! " patuloy sya sa paghampas naramdaman ko ang kalmot nya sa mukha ko hindi ako umilag hinayaan ko sya dahil baka ito ang paraan para mabawasan ang galit nya sakin naiintindihan ko sya kaya sya nagkakaganito hinayaan ko sya hanggang sa kusa itong tumigil.


"Sinira mo ang buhay at pangarap ko!" Nagsimula na syang umiyak nakaramdam ako ng konsensya akmang yayakapin ko sya ng umilag sya.


"Dont touch me!I hate you! " nasaktan ako masakit na kinamumuhian ka ng taong mahal mo at sa kanya pa mismo nanggaling. Madalas ko itong naririnig sa kanya pero hindi parin ako nasasanay hindi ko kayang sanayin ang sarili ko sa binibitawan nyang masasakit na salita na ako ang may kagagawan.

''Im so sorry'' tumawa ito ng pagak.


''Sorry? Damn you hindi kayang gamutin ng sorry mo ang lahat ng sakit na ginawa mo!'' umupo ito sa mesa tinungga ang huling laman ng bote.


''Kung di dahil sayo hindi ako ganito ngayon'' hinaing ito alam kong kasalanan ko ang lahat kaya tatanggapin ko ang lahat ng sakit na ginagawa nya.Masakit dahil ako pa mismo ang dahilan kung bakit nagkakaganito sya ngayon.

"I hate you" sambit nya unti unting pumikit ang mata nya nakayukyok na ito sa mesa, ilang sandali lang tulog na ito binuhat ko sya at dinala sa sarili nyang kwarto.


"I'm so sorry krystel"sambit ko hinagkan ko ang noo nya bago lumabas ng kwarto nya. Paulit ulit na sorry pero hindi ako titigil kasalanan ko ang nangyare kaya pagdudusahan ko itong mag isa.



__
Nahilot ko ang sintido ko ng maramdaman ang kirot marahan akong umupo sa kama pumikit ako pinakiramdaman ko ang sarili medyo nahihilo pa ako. Napatingin ako sa pinto ng bumukas nakahawak pa sa doorknob si Brylle.


''Yes baby?'' tumingin ito sa likod tila ayaw pumasok lumapit ako sa kanya niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto umupo ako para magpantay ang mukha namin.

"May kailangan ba ang baby boy ko?'' lumayo sya sakin nagtaka ako.

''Eat kana po'' pagkatapos nitong sabihin mabilis itong umalis napabung hininga ako hindi ko sya masisi kung bakit ganun sya kasalanan ko din naman kase napapabayaan ko sila.
Pagkatapos kong maligo medyo nawala ang hilo ko, lumabas ako naabutan ko sila sa sala na nanonoud hindi nila ako napansin nagtatawanan ang mga ito kahit pangbata ang pinapanoud nakikitawa din si Bryan napansin ko ang mga sugat nito sa pisngi na siguradong kagagawan ko kagabi at hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko kiniling ko ang ulo ko na posibleng sya ang bumuhat sakin kagabe. Tumuloy ako sa kusina nadatnan ko ang pagkaing nakahain na tiningnan ko sila na busy pa rin sa panonoud saka muling binalik sa pagkain napansin ko ang isang papel na nakaipit.


For you mommy :]

Napangiti ako sa simpleng mensahe na sulat kamay ng kambal tiningnan ko ang itlog na nilagyan ng mata at labing nakangiti gamit ang ketchup nag effort sila para sakin kahit napakasimple biglang gumaan ang pakiramdam ko umupo ako at nagsimulang kumain pagkatapos nito ay magpapasalamat ako sa dalawa.











Thanks sa mga nagbabasa :)
Any comments? Or reaction? :)





ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYOWhere stories live. Discover now