chapter nineteen

25.5K 428 29
                                    

KRYSTEL


Nagising ako na may mabigat na nakapatong sa tyan ko, dinilat ko ang mata ko si brylle nakapatong ang ulo nya sa tyan ko habang nasa hita naman ni Bryan ang paa nya,si Beatrice naman nakapatong din sa ama nya napangiti ako ang lilikot pala nila matulog, alas singko na mahimbing parin ang pagkakatulog nila. Hinaplos ko ang ko ang buhok ni brylle, gusto ko ng bumangon pero ayokong magising sya ngayon lang to nangyare ang mapalapit sya sakin ng husto.




"Taya! "Sigaw ni Beatrice kalalabas ko lang ng kwarto ng makita ko silang naghahabulan, nang makita nila ako agad silang tumigil at pumasok ng kusina, napailing nalang ako natatakot siguro sila na masigawan ko ulit.
Pagkapasok ko nakaupo na sila.





"Maupo kana"si Bryan, umupo ako nilagyan nya ng pagkain ang plato ng dalawa.





"Sya nga pala salamat sa pag alaga kagabe " umiwas ako ng tingin kumuha ako ng pagkain.







Tapos na kaming kumain ng tumunog ang cellphone ko tiningnan ko ang nagtext si Adrian.





[Dito na ako] napatayo ako bat ang aga nya?






"Excuse"paalam ko bago lumabas ako ng bahay may usapan kase kaming ipapasyal ulit ang mga bata. Pagkabukas ko ng gate gwapo nyang mukha bumungad.



"Pasok ka, ang aga mo naman"



"Excited" natawa ako pumasok kami sa loob sya namang paglabas ni bryan mula sa kusina.




"Anong ginagawa mo dito? " tanong nya kay Adrian.



"Pinapunta ko sya dito, ipapasyal namin ang mga bata" singit ko masama ang tingin nya kay Adria parang ayaw nyang andito ang isa.


"Tito!" Agad na lumapit si Beatrice kay Adrian kinarga naman ng huli.



"Hi baby how are you?"




"Fine! " nakangiting sagot nya.



"Halika muna baby maligo kana" kinuha ko sya, nanatili namang nakatayo si Bryan sa harap namin katabi nya si brylle.


"Upo kana muna aasikasuhin ko lang ang kambal"



"Sure"



"Halika na brylle"sumunod sya samantalang lumabas naman ng bahay si Bryan napailing nalang ako saka sinamahan ang dalawa sa kwarto.







Comments or reactions???
Type u lang..
Enjoy sa pagbasa.. :)

ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYOWhere stories live. Discover now