chapter five

36K 637 2
                                    


Katatapos lang klase namin naiwan kaming apat.Tahimik lang kami habang nakaupo magkakaharap kami sa loob ng room,alas sais na kaya wala ng estudyante maliban sa mga nasa labas.

"Alam na ni Bryan" basag ni Olivia sa katahimikan napatingin kami sa kanya.

"Bakit mo pinaalam?"

"Dahil sya ang ama" umahon ang galit ko sa nalaman.

"Wala rin namang kwenta kahit malaman nya pa! Dahil hindi din naman ito magtatagal" sabay sabay silang napatingin sakin nag iba ang expression ng mga mukha nila.

"Masisira ang buhay ko kapag pinagpatuloy ko to madami pa akong gustong gawin sa buhay ko, gusto ko pang matupad ang mga pangarap ko ka-kaya ipapalaglag ko to! " Dumapo ang kamay ni Olivia sa pisngi ko napahawak ako sa sakit.

"Naririnig mo ba ang sinasabe mo krystel! " sigaw nya matigas ang mukhang hinarap ko sya.

"Masisira ang buhay ko kapag nagpatuloy to Olivia! " sasampalin nya pa sana ako ng pigilan sya ni Kaye.

"Wag ka ngang ganyan krystel bata yan! " si erah na nagpigil din na sugurin ako, umiling ako.

"Hindi nyo kase ako maintindihan! "

"Talagang hindi! ipagpapalit mo ang buhay ng anak mo dahil lang dyan sa pangarap mo! " umiyak na sya hindi ako nakasagot.

"Hindi hadlang ang batang yan para hindi maabot ang mga pangarap mo! " si Kaye pinahid ko ang luha ko na bigla nalang tumulo.

" hindi ko akalain na kaya mo yang sabihin Krystel! kaya mong patayin ang sarili mong anak! " tuloy tuloy sa pag agos ang luha ko.

"Akala nyo ba madali din sakin to? Hindi nyo ba alam kung gaano kahirap at kasakit ang pinagdadaanan ko ngayon? Ni kahit pamilya ko tinataboy ako!"

"Pero hindi sulusyon na ipalaglag mo ang batang yan! Mag isip ka nga!"

"Napaka walang kwenta mo Krystel kapag tinuloy mo yang binabalak mo!" Si Olivia.

"Kaibigan ka namin Krystel pero hindi mo makukuha ang suporta namin sa kalokohang yan"

Iniwan nila ako napaupo ako,nasabunot ko ang sariling buhok napatingin ako sa tyan ko.
Naguguluhan na ako.

Kaya ko bang patayin ang sarili kong anak? Napahagulgul na ako alam kong mali pero wala na akong maisip na ibang paraan.

_
"Krystel" hinarap ko ang tumawag sakin. Nakaramdam ako ng galit ng makita sya.

"Pwede ba tayong mag usap?" tumawa ako ng pagak.

"Pagkatapos ng ginawa mo may gana kapang makipag usap sakin ha? Ang kapal din ng mukha mo" gigil kong sambit.

"Krystel mag usap tayo ng maayos" pakiusap nito.

"Wag na wag kang lalapit sakin!" Sigaw ko ng akma itong lalapit sakin,napapatingin samin ang ilang estudyante na dumadaan.

"Parang awa mo na Krystel" kita sa mukha ni Bryan ang awa pero hindi ako nagpatinag hindi ko sya sinagot tinalikuran ko sya lalakad na sana ako palayo ng muli itong magsalita.

"Pananagutan kita" natigilan ako.

"Sinabe sakin ni Olivia ang lahat nagmamakaawa ako sayo wag mong idamay ang bata wala syang kasalanan"

Muli ko syang hinarap kita ko sa mukha nya ang matinding nagmamakaawa pero hindi ako magpapadala sa awa nya.

"Wala kanang magagawa at sa tingin mo ba papayag akong panagutan mo to? Hindi ko nga masikmurang makita ka tanggapin pa Kaya sa buhay ko?"

Tila binagsakan ito ng lupa sa nakita kong itsura nito.

"Kung ayaw mong panagutan kita please lang wag mong idamay ang bata"

"Ayokong magkaroon ng konekta sayo kaya pasensyahan nalang tayo" tinalikuran ko sya dali dali akong naglakad narinig ko pa ang pagtawag nya pero hindi ko na sya pinansin. Gusto kong makalayo sa kanya malayong malayo.



_
Naupo ako sa bakanteng mesa nilapag ko ang pagkaing binili ko. Napatingin ako sa ilang mga estudyante na kumakain, mabilis na umiwas ng tingin ang mga ito.
Pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain pero ramdam ko parin ang tingin nila sakin.

Hindi ko nalang sila pinansin,kung nandito lang sana Olivia siguradong tatarayan na non ang mga ito.
Bigla akong natigilan ng maalala sya ilang linggo na kaming hindi nag uusap tanging si Kaye at Erah lang ang kumakausap sakin magkita man kami hindi nya ako pinapansin.
Masakit sakin parang hindi kami magkaibigan alam kong galit sya sa mga sinabe ko at nahihiya akong kausapin sya.

"Hi!" Nagulat ako ng may mag salita.

"Sorry nagulat pa ata kita" mukha ni Adrian ang nasa harap ko.May dala pa itong pagkain.

"Can I join?" Tumango ako,naupo ito sa harap ko.

"Are you ok?"

"Oo naman"

"Parang hindi eh" tiningnan ko sya.

"Paano
Thanks sa mga nagbabasa :)

ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYOWhere stories live. Discover now