Chapter 3

44.2K 731 3
                                    


"Lahat may hangganan "

"Pwede ba Kaye tigilan mo na kababasa nyan! " iritang irita ang mukha ni Olivia.

"Fine" tiniklop naman ni kaye ang librong binabasa, andito kami ngayon sa paborito naming tambayan sa harap ng garden. Pinagpatuloy ko ang pagsa summary ko sa isang report dapat natapos ko na to pero wala akong ibang maisip kundi yung nangyare sakin, pinilig ko ang ulo ko dapat ko ng kalimutan yun.
May mga project pa akong dapat ipasa dahil sa kaka absent ko nahuhuli na ako sa klase.

"Hi guys! " napalingon kami kay Erah na may bitbit na pagkain. Galing ito sa cafeteria napagpasyan naming dito nalang kumain dahil sa dami ng gagawin namin.

"Wow ha! Kala namin di kana babalik" inabot sakin ni Erah ang spaghetti.

"Mabait ako kaya naisipan kong bumalik " natawa nalang kami. Niligpit na Muna namin ang mga ginawa namin.

" hmmm ang sarap nito! " binuksan ni Kaye ang baunan nya naamoy ko ang pagkain nya parang babaliktad ang sikmura ko sa amoy,pinahid ko lang ilong ko baka ibang amoy lang yun pero muli kong naamoy napatayo na ako at tumakbo sa isang puno nasuka ako.

"Krystel! " Nagpatuloy lang ako sa pagsusuka wala pa akong kinakain pero bakit ganito? Umupo ako nahihilo na din ako pinikit ko ang mata ko naramdaman ko ang paghagod nila sa likod ko.

"Anong nangyare sayo?" Si Kaye. Inalalayan nila akong tumayo.

"Yung pagkain mo mabaho! " pinahid ko ang labi ko.

" ha? Ano kaba kakabili lang non no! "

"Kaye takpan mo na yun" utos ni Olivia sumunod naman sya inalalayan nila akong maglakad at makaupo, tiningnan ko sila nakatitig lang sila sakin.

"B-bakit? "

"Hindi kaya buntis ka?"

Para akong binuhasan ng malamig na tubig sa sinabe ni Erah.

"Baka may nakain ka lang krystel" hindi ako sumagot,nanlalamig ang kamay ko at kinakabahan.

"Hindi ako pwedeng mabuntis" sambit ko sa kanila,nagkatinginan sila kinurap kurap ko ang mata ko para hindi malaglag ang luhang nagbabantang malaglag.

"Hi-hindi naman siguro" sambit ni Kaye.Sana nga hindi dahil kapag nangyare hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sirang na sira na ako.

"Mabuti pang magpahinga kana lang muna, Kaye itago mo na yan" utos ni Olivia, kinakabahan ako at sa nakikita ko sa mukha nila ganun din sila,gusto kong kumbinsihin ang sarili pero mas nangingibaw ang kaba na posible ang iniisip ko.

Naramdaman ko ang yakap ni Olivia,hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko.

"Ano man ang mangyare nandito kami for you" sambit nito. Lumapit na din sila Kaye at Erah niyakap nila akong tatlo. Mabuti nalang may mga kaibigan akong katulad nila kung wala mababaliw na siguro ako.

_
Pumasok ako sa banyo nilabas ko ang Pregnancy test na binili ko kanina ,pagkatapos ng nangyare kanina hindi ako mapakali na hindi malaman kung buntis ba talaga ako o hindi.Pero paano kung buntis nga ako? Mariin akong napailing hindi pwedeng mangyare yun.
Huminga ako ng malalim nanginginig na binuksan ko ang Pregnancy test.

Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko napaupo ako sa sahig ng banyo. Napatitig ako sa dalawang guhit na kulay pula.

Positive.

Anong gagawin ko? Siguradong magagalit ang pamilya ko, pano na ang pag aaral ko? Paano na ako?

"Aaaaaaaaaaahhhh!!!" Sigaw ko. Bakit!? Bakit nangyare to sakin? Hindi ganito ang pinangarap ko! Ang mabuntis habang nag aaral, kasalanan to ni Bryan kasalanan nya! Sya lahat ang may kasalanan kung bakit nangyayare to sakin!.

_
"Krystel" nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Napatingin ako kay Erah nagtatanong ang mata nya pati na ang dalawa,yumuko ako binalingan ko ang libro wala sa sarili binuksan ko ito.

"Kanina kapa wala sa sarili" hindi ako sumagot.
Hanggang ngayon Kase hindi pa rin ako makapaniwala sa naging resulta,parang gumuho na ang mundo to,sirang sira na ang pagkatao at pangarap ko.
Pinigilan ko ang umiyak,kahit na ngumawa pa ako wala na akong magagawa hindi na mababago ang nangyare.

"Krystel" tumingin ako sa kanila,nasabunot ko ang sariling buhok,sumasakit na rin ang lalamunan ko sa pagpigil ng iyak, pero bago ko pa masabi sa kanila nag uunahan ng tumulo ang luha ko,agad nila akong nilapitan.

"It's positive" natigilan silang lahat,pinahid ko ang luha ko.

"Anong gagawin mo ngayon?"

"Hindi ko alam" hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

"What about Bryan?" Napatingin kami kay Olivia. Nakaramdam ako ng galit sa pagbanggit ng pangalan ng walang hiyang lalaking yun.

"Mas concern kapa ba don kesa sa kaibigan natin?" Si Erah.

"Concern ako sa kanilang dalawa,he need to know this" tumingin sakin si Olivia.

"Kasalanan nya to" sambit ko.

"Krystel malalagpasan mo rin to,i know Bryan pananagutan ka nya"

"No! Dont say again his name! Nasusuklam ako sa kanya!" Sigaw ko kay Olivia,nabigla naman ito.

"At sa tingin mo ba papatul ako sa kanya? Sa ginawa nyang ito sa sakin hinding hindi ko sya mapapatawad!"

"I'm so sorry,dahil sakin nangyare to sayo"

"Yes kasalanan mo! Kung hindi mo ko pinilit hindi naman ito mangyayare sakin eh!" Sumbat ko sa kanya.

"Krystel!" Saway ni Kaye.

"Hindi naman ito ang gusto ko ehh! Sirang sira na ako!" Hindi ako mapanumbat na tao pero hindi ko na napigilan.

"Stop na guys,wala ng mangyayare kung magsisihan pa tayo" si Erah.Nanatili pa ring nakatitig sakin si Olivia tila hindi makapaniwala na nasabi ko yun sa kanya.

"Sa tingin mo ba ginusto ko ang nangyare sayo?" Napatingin ako kay Olivia.

"Olivia" kinuha nito ang gamit saka umalis,pinigilan ito ni Erah pero hindi ito nakinig.

"Susundan ko lang sya" umalis din si Erah sumunod ito kay Olivia,naiwan kami ni Kaye lumapit sya sakin,bumuntung hininga ito bago nagsalita.

"Walang may gusto sa nangyare sayo krystel,kahit si Olivia galit din kay Bryan" hindi ako sumagot.

"Sana hindi mo nalang sya pinagsalitaan ng ganun"

"At sino ha? Sarili ko? Na sana hindi nalang ako uminom at hindi nagpadala sa pangungulit nyo!"

"Krystel ang akin lang wag kanang manisi ng ibang tao dahil nangyare na at wala kanang magagawa kundi tanggapin nalang" tiningnan ko sya ng masama.

"Palibhasa wala ka sa katayuan ko at sa tingin mo matatanggap ko ito?" Hindi ito sumagot,kinuha ko ang bag ko,iniwan ko sya.
Madali lang sa kanila na Sabihin yun,ni hindi nila kung gaano kahirap ng sitwasyon ko ngayon.

ONE NIGHT WITH MR.MONTEROYOWhere stories live. Discover now