Chapter10: Questions

Start from the beginning
                                    

Di ko alam pero bigla akong kinabahan, parang kasing may mali.

Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin. Homeroom lang ngayon dahil monday.

Nag remind lang si Ma'am about sa mga rules at mga projects namin para sa room.

Tinignan ko si Serenity, halatang di sya nakikinig, parang may iniisip sya.

"Kamusta po si Jenny? "

Biglang tanong ng isa sa mga kaklase ko na si Monic.

Napatahimik si Ma'am, bakit kaya? Nakita kong huminga muna sya ng malalim bago magsalita.

"She's dead, nung sabado pa."

Halos lahat kami ay nagulat dahil sa sinabi ni Ma'am, kawawa naman sya, sino kaya ang may gawa sa kanila nun ni Jane?

"Bakit po? "

Bigla kong naitanong, na curious ako eh.

"Nag suicide. "

Maikling sagot ni Ma'am.

Napuno ng katahimikan sa room, lahat ay gulat dahil sa mga nangyari, nabasag lamang iyon ng biglang nag bell, break na.

"Okay guys, bye. Tandaan nyo ang bilin ko ah."

Paalala ni Ma'am.

"Yes Ma'am."

Sabay sabay naming tugon.

Madami sa mga kaklase ko ang lumabas para kumain, nabusog kasi ako kanina  kaya di pa ako nagugutom.

Tinignan ko ulit si Serenity, parang tuloy akong nagiimbestiga sa kanya, bahala na, kailangan kong malaman kung ano koneksyon nya sa espiritu na naka buntot sa kanya.

Napansin ko na panay tingin rin yung mga kaklase ko sa kanya, siguro pinaguusapan sya. Pinakinggan kong mabuti ang mga pinaguusapan nila.

" Ang weird ng mga nangyayari noh? "-g1 (girl1)

"oo nga eh, parang di na safe sa school natin." g2

"Alam nyo, pwedeng si Serenity ang may gawa noh? "g3

"Oo nga eh, malaki galit nya sa mga yun dahil sa ginawa nila sa ate nya. "g2

"Wala syang karapatan gawin yun noh! "g1

"Yeah right! Malandi ang ate nya kaya bakit sya magagalit sa kanila? deserve naman ng ate nya yun eh."g3

Napatingin ako kay Serenity, Alam kong naririnig nya ang mga pinaguusapan nila.

Halatang nagpipigil lang sya sa galit, yung mga kamay nya ay nakayukom. Ano mang oras ay pwede syang magwala dahil sa sobrang galit nya, ramdam na ramdam ko yun sa aura nya.

"Malandi talaga! akalain mo teacher nilandi pati si papa Jake! Buti na lang at alam ni papa Jake ang tunay nyang kulay. Eh di iyon, naloko sya ni papa Jak--" g1

Biglang tumayo si Serenity, tumingin sya dun sa mga kaklase naming naguusap kanina. Tinignan nya ang mga ito ng sobrang talim, halata namang natakot yung tatlo sa mga tingin na yun.

"Kung maguusap kayo, wag na kayong magparinig. pwede sa labas na lang kayo mag usap? Alam nyo, ayos lang sa akin na ako na lang ang husgahan nyo, pero pati ang taong mahalaga sa akin dinadamay nyo. May tanong ako, paano nyo napatunayan na malandi sya? Hindi nya inakit yung gagong teacher na yun dahil pinilit sya nitong halikan, kita naman sa video di ba? Hindi din nya inakit si Jake dahil sya ang kusang lumapit at niligawan si Ate. Kung malandi sya dapat nakarami na syang boyfriend pero hindi eh si Jake ang una nya. Sabihin nyo nga, deserve ba nyang mamatay?! Sa tono ng boses nyo parang oo! "

Lahat kaming nasa room ay napatahimik, medyo naguguluhan ako dahil hindi ko alam ang issue na yun dahil transferee ako, pero ramdam ko sa bawat salita nya yung kalungkutan nya.

"Kayo na lang sana ang nasa posisyon ko para malaman nyo kung gaano kasakit! Mga walang hiya kayo! "

Pag kasabi nya nun ay sabay ng pagputok ng mga ilaw sa room namin. Lahat ng mga ilaw ay nabasag!

"AAAHHHHHHH!!! "

Sigaw ng mga kaklase ko dahil sa gulat. Ano bang nangyayari?

Napatingin ulit ako kay Serenity dahil naramdaman ko na naman yung aura na iyon.

Hindi ako halos makahinga dahil sa takot, galit na galit ito at nanlilisik ang mga mata, sigurado akong sya ang may gawa nun sa mga ilaw.

Umiwas ako ng tingin sa kanya, n-natatakot ako na sundan na naman nya ako hanggang sa bahay namin.

Lumabas ito sa room, nakita kong parang nakita din ito ni Serenity, bakas sa mukha nya ang pagkagulat pero agad nya itong sinundan.

Wait.........

Sinundan?!

Hindi na ako nag dalawang isip at sinundan din sya. Baka may gawin syang di maganda kay Serenity!

Serenity's POV

Nasaan na sya? Bigla na lang syang nawala?

"Se-re-ni-ty "

Napatingin ako sa bakanteng room ang tambayan namin, nakita kong dirediretso syang pumasok sa loob. Hindi ko hahayaan na mawala ka na lang bigla uli Ate, madami akong tanong sa iyo na kailangan mong masagot.

"Serenity! "

Biglang may humawak sa kanang kamay ko kaya napatigil
ako, tinignan ko kung sino yun at tumambad sa akin ang hingal na hingal na si Suzy.

"S-S-San-S-Sandali."
Sabi niya.

"Suzy kailangan ko ng umalis."

Pagkasabi ko noon sa kanya ay naramdaman kong hinigpitan nya ang hawak nya sa akin.

"A-Alam kong hinahabol mo sya, pwedeng m-may mangyari sa iyo."
Sabi ni Suzy na seryosong nakatingin sa akin.

"A-Ano? "

"Nakikita ko sya."

Nabigla ako sa sinabi nya, ibig sabihin nun nakikita nya si Ate?

"A-ang ibig sabi---"

"Oo, Serenity kailangan mong makinig sa akin, pwede kang mapahamak."

Pagputol nya sa akin.

"Pasensya ka na Suzy pero hindi mo ko mapipigilan na sundan sya, marami akong tanong sa kanya."

Napabuntong hininga sya. Kahit naguguluhan ako ay gusto ko pa rin masagot ang mga tanong ko sa kanya dahil alam ko sa oras na masagot nya ang mga tanong ko na iyon ay magiging maliwanag na sa akin lahat.

"Okay sige, pero sasama ako."

Tumango ako bilang pagsangayon, agad kaming tumakbo papunta sa room na iyon, napahinto kami dahil sa isang masangsang na amoy pag katapat namin sa bakanteng room. Napaka baho.

"A-ano yun? "

Tanong ni Suzy habang nakatakip ang kamay nya sa ilong nya.

"T-Tignan natin."

Dahan dahan naming binuksan ang pinto, nag taka ako kung bakit di ito napansin ng staff ng school o sino mang student sa school.

.
.
.
.
.
.
.

"AAAAHHHHHH!!!! "

Sigaw ni Suzy, samantalang ako ay wala akong masabi, tila umurong ang dila ko.

May babaeng naka sabit sa kisame, sunog ang mukha nito, puro dugo ang suot nitong uniporme.

Pagtingin ko sa sahig ay madaming daliri ng tao ang nakalat, mula ito sa taong nakasabit sa kisame.

Napansin ko din na may nakasulat sa pader gamit ang dugo.

ANG PLASTIC SINUSUNOG :)

B-Bakit dinala ako dito ni Ate? Nadagdagan na naman ang tanong ko sa kanya.

Sya ba ang may gawa nito?

Itutuloy........

Ate(Completed)Where stories live. Discover now