Chapter 50: In Pain

8K 204 14
                                    

"Dad nooooooo!!!!!!" malakas na sigaw ni Beatrice ng makitang kakalabitin na ng ama ang gatilyo ng baril habang lumuluhang nakatingin sa anak.

Sinamantala naman iyon ni JT at agad na ipinutok ang hawak na baril kay Lord Brandt.

Bumagsak ang katawan nito sa sahig habang napaluhod naman si Laurice na nakatakip ang dalawang kamay sa tenga habang walang tigil ang pagbuhos ng luha.

Agad na tinakbo ni Aldrich ang nakaluhod na si Laurice at niyakap ito ng mahigpit.

"Hush now baby...I'm here...I'm here...You're safe..." ani Ty na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kabog sa dibdib dala ng matinding takot para sa minamahal.

"Ty..." luhang tinitigan ni Laurice ang nobyo at mahigpit na yumakap dito.

Samantalang si Beatrice naman ay tila natulala sa pagkakatayo at tila hindi tinatanggap ng isip at mga mata niya na ang kanyang ama ay naroon sa sahig na tila wala ng buhay.

"Beatrice..." mahinang usal naman ni Andrei ng makita na natulala si Beatrice ngunit tila wala na itong naririnig.

"Dad..." ang tanging nasambit ni Beatrice bago tuluyang bumuhos ang luha sa mga mata saka tinakbo ang ama na nakahandusay sa sahig.

"Daddy!!!!! No!!! No!!! No!!! Dad...you can't do this to me...you can't leave me...daddy please... Please please please dad...open your eyes dad!!!! Open your eyes!!" sigaw ni Beatrice habang iyak ng iyak.

"Prin-Princess..." ani Brandt na pilit imunulat ang mga mata para makita ang nag iisang anak.

"Dad...hold on I'll bring you to the hospital. Hold on..." ani Beatrice na tila nabuhayan ng magmulat ng mata ang ama ngunit humigpit lang ang pagkakahawak ni Brandt sa anak na tila pinipigilan ito.

"Daddy..." tila natatakot na sagot ni Beatrice sa ama.

"I...I love you Beatrice... " tumutulo ang luhang ani Brandt na hirap na hirap ng huminga.

"Daddy...hold on please... " ani Beatrice ngunit isang ngiti na lang ang sumilay sa labi ng ama bago tuluyang pumikit ang mga mata nito at nawalan ng buhay.

"Dad!!!!!!! Daddy....daddy..." sigaw ni Beatrice ng tuluyan ng mawalan ng buhay ang ama sa mismong harapan niya.

Si JT naman ay nakatitig kay Beatrice at kitang kita niya ang paghihirap nito.

"Beatrice... " mahinang ani Jt at tangkang lalapitan ang dalaga ngunit pinigilan siya ni Andrei at saka umiling ang hari.

"Give her space JT..." mahinang saad ng hari saka kinuha ang baril mula sa nanginginig na kamay ni JT.

Nilapitan naman nina Aldrich at Laurice si Beatrice. Agad na niyakap ni Laurice ang dalaga at tila doon na bumuhos ang emosyon ni Beatrice sa pagkawala ng ama.

Walang salitang namigatan sa dalawang babae ngunit ramdam ng lahat ang labis na sakit na nadarama ni Beatrice.

Si Laurice naman ay awang awa rito kahit pa mismong ama nito ang nagtangka sa kanyang buhay.

Magkapanabay na sanang lalabas sina Laurice at Beatrice ng magtama ang mata nila ni JT. Ang lalaking pumatay sa kanyang ama.

Titig na titig si JT kay Beatrice ng mga sandaling iyon ngunit labis na sakit ang maaninag sa mga mata ng dalaga at agad na napalitan ng galit at paninisi ng magtama ang mata nila ng binata kahit wala ni isang salita ang namutawi sa mga labi nito.

Pagkatapos noon at tila isang hangin ang binata na nilampasan ni Beatrice.

"Sorry Beatrice...but I'd still do it again if my sisters life is at stake..." ani JT bago nito nilampasan ang dalaga at ang kapatid niya para umalis sa lugar na iyon.

Downfall Of The BadassWhere stories live. Discover now