Chapter 18: Heave of Heaven

9.8K 245 21
                                    

Madaling araw pa lang ay sinundo na ni Ty si Laurice para sa pagpunta sa Batangas. Sa CRN na sila nagkita kita ng mga kasamahan ng dalaga. May sasakyang van ang mga ito pero si Ty ay nagdala ng sarili niyang sasakyan.

"Nice ride Ty. BMW yesterday, Expedition today. Not bad. Are you really sure you're jobless? Maybe I just wanna be jobless too." ani naman ni Gretch na natutuwa talaga kay Ty.

"I guess I really don't have to answer that right?" ani naman ni Ty.

"No...Unless you want to." ani naman ni Gretch

"Some other time maybe." ani naman ni Ty.

Si Laurice ay nasa sasakyan ni Ty habang ang iba naman ay nasa van at sa kotse ni Gretch.

Nang makarating sila sa Batangas ay agad na nakita ni Laurice ang isang malaking sign sa malaking gate na naka arko sa ibabaw nito.

"Heave of Heaven..." mahinang usal naman ni Laurice ng mabasa niya ang nakasulat.

Bumisina naman si Ty at biglang bumukas ang malaking gate.

Halos manlaki ang mga mata ni Laurice ng makita ang napakagandang mansion sa loob nito.

"This place is heavenly..." ani naman ni Laurice na manghang mangha sa nakikita ng mga mata.

Ganon din ang reakson ng mga kasama nila ng makababa ito ng sasakyan.

"How come I've never heard of this place...it's breathtaking...maybe we can have this featured in the morning show." ani naman ni Gretch

"No. You will not have this place featured. In any way." ani naman ni Ty sa isang malamig na tinig.

"Sayang naman ang lugar-" ani pa ni Gretch

"I said no. Say it again and you can find another place to stay in." ani naman ni Ty na seryoso na ang tinig kaya agad natahimik ang mga ito sabay talikod nito.

"I didn't mean to offend him.Laurice... " ani naman ni Gretch

"I understand... It's just that the place... It's one of a kind..." ani naman ni Laurice

"Ma'am Laurice... " ani naman ng isang babaeng lumapit.

"Ye-yes?" tanong naman ni Laurice

"Sasamahan ko na po kayo sa magiging mga silid ninyo." ani ng babae.

"Ah...sige po salamat." ani naman ni Laurice

Si Laurice ang huling inihatod ng matanda sa kanyang silid.

"Nay pede po bang magtanong?" ani naman ni Laurice

"Ano po yon ma'am?" ani naman ng matanda

"Wag niyo na po akong tawaging Ma'am hindi po ako sanay... Pero gusto ko lang pong itanong kung sino ang may-ari ng lugar na ito?" ani naman ni Laurice habang tinutulungan ang matanda sa oag aayos ng kama.

"Ang totoo hija hindi ko pa siya nakikita simula ng maitayo ang malaking bahay na to. Inutusan lang ako ni Sir Devon at Ma'am Maristelle na bantayan ang bahay. Pero isa lang ang alam ko hindi sila ang may ari ng bahay." ani naman ng matanda.

"Ganon po ba...kailan pa po itong bahay nay?" ani pa ni Laurice

"Mga apat na taon ng mahigit hija pero alam mo bang may kwento ang bahay na ito." ani naman ng matanda na nakangiti kay Laurice

"Talaga po? Sige nay ikwento niyo po sakin." ani naman ni Laurice.

"Sabi sabi nila na pinagawa daw to ng isang tatay para sa mga anak niyang kambal. Sabi pa nila mahal na mahal daw noong tatay yung mga bata. Pero namatay daw ang tatay ng kambal para mabuhay ang mga bata." ani naman ng matanda

Downfall Of The BadassWhere stories live. Discover now