Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader

Magsimula sa umpisa
                                    

"That's good to hear." sagot ko sa napakahaba nyang kwento tungkol sa kung ano ang nangyari sa kanya ngayong araw na 'to. "I'm happy for all of you guys. Sobra siguro kayong nag-enjoy ngayong araw na 'to. Lalo na sila Nathan? Ang dami na naman sigurong nabingwit ng mokong na yun sa party na ginawa nyo."

 "Yeah." Sagot nya na parang matatawa na rin. "We really did enjoy it." 

 "Mabuti naman." 

Minsan ko na lang makita si Jace na lumalabas at nakikipagparty kasama ang mga kabarkada nya. Katulad ko kasi ay busy na rin sya. Bukod sa school at sa band practices, may trabaho rin sya sa opisina na kailangang asikasuhin isama pa natin ang Black Savage Gang na pinamumunuan nya. Super hectic talaga ng schedule.

Wala pang ilang sandali ay bigla na namang tumahimik ang kabilang linya. Kasabay ng malakas na simoy ng hangin na narinig ko ay ang hindi maitagong lungkot sa boses nya. 

"But I wish you were there." 

Hinawakan ko ang gclef pendant sa dibdib ko. Bog, kalabog. Napakalakas ng kabog ng puso ko. Sya nga si Jace. Ang polar ko. Sya lang ang nakakagawa sa akin nito. 

Tumayo ako sa higaan at binuksan ang ilaw ng kwarto ko. I mindlessly walked until I reached a wall beside my window to hold myself up. Pakiramdam ko kasi ay babagsak ako dahil sa kilig. Gusto kong uminom ng tubig pero ayaw ko ng bumaba. Ang alam ko may water bottle ako sa may bandang study table. Sa katunayan ito ang rason kung bakit ako tumayo pero hindi ko ito mahanap. Nasaan na kaya yun? 

"Gabi na. Hindi ka pa ba matutulog?" Sinabi ko na lamang ang unang lumabas sa mga labi ko. Hindi ko kasi alam kung paano sagutin ang sinabi nya kanina.

"May hinihintay pa ako." Sagot nya

"Ano?" 

"Yung bulaklak pala hindi mo nakuha. Pasensya na talaga nadamay ka pa sa init ng ulo ko kanina." So hindi nya sinagot yung tanong ko. Labo rin nito minsan. 

"'Sus. Palagi namang mainit ulo mo eh. Kailan ba hindi? At saka akala ko hindi sa akin 'yang bulaklak na yan? " Panunukso ko sa kanya. Bahagya akong natawa ng konti.

"Binibiro lang kita kanina naniwala ka naman."

Biro daw? Itong si Jace eh talagang ayos din kung magbiro. Ang pagsusungit sa isang tao ang definition nya ng biro. Hanep din ah.

 

"Kung gusto mo ulitin natin para mas maging maayos." sabi nya

"Ang alin?" 

"Ang pagbibigay ko ng bulaklak."

May sumilay na ngiti sa mukha ko. "Sige dalhan mo ako ng maraming tulips sa school bukas ah. Kapag ginawa mo yun bati na talaga tayo."

"Eh bakit pa natin ipagpapabukas kung pwede naman na nating gawin ngayon?" 

 

 Sinipat ko ang orasan sa dingding ko. Alas dose pasado na ng madaling araw. Seryoso sya? 

"Wag na bukas na lang. Umaga na kaya kailangan na rin nating matulog. Matulog ka na rin alam ko pagod ka na." Madalas nagtetelebabad kami ni Jace tuwing gabi. Ganito yung mga oras na napapangiti na lang ako bigla dahil sa katigasan ng ulo nya. Kung hindi ko kasi sasabihin matulog na kami walang matutulog. Madalas kasi ay sobrang napapasarap ang kwentuhan at hindi na namin namamalayan ang oras. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon