Preparation

2.5K 48 0
                                    

Marlo's

"Marlo kasama mo ba si Sean?" tanong sa akin ni Zoey at nakita ko naman na sinenyasan ako ni Sean na sabihin kong wala siya.

Tinakpan ko yung phone ko at tinanong ko kung anong nangyayari. Sabi niya basta daw.

"Hello Zoey? Sorry di ko kasama si Sean" sagot ko.

"Wag mo kong pinaglololoko Marlo ha?! Baka gusto mong di matuloy kasal niyo ni Janelly?" pananakot niya sa akin.

"Sorry ka Zoey walang nang makakapigil sa kasal namin. Bakit mo ba hinahanap si Sean? Baka nasa work" paliwanag ko.

"Bahala nga kayo!!" sigaw niya at binabaan ako ng telepono.

"Oy Sean ano nanaman yan pinaplano mo ha?" tanong ko kasi sure akong mag aaway nanaman yan dalawang yan.

"Hayaan mo siya!" sabi niya at ngumisi. May pinaplano tong lalaking to eh. Kilala ko na to.

"Babe sorry im late" sabi ni Janelly. Andito kasi kami ngayon sa isang restaurant para ayusin yung mga kailangan sa kasal namin ni Janelly.

"Okay lang yun babe. Upo ka na alam kong pagod ka" sabi ko at pinainom ko siya ng tubig halatang naglakad ng malayo to eh.

"Oh Sean anong ginagawa mo dito? Tutulungan mo ba kami ni Marlo? Teka diba naghahanda na rin kayo para sa binyag ng kambal nyo?" sunod sunod na tanong ni Janelly.

"Janelly wait lang ha? Isa lang ako. Isa isa lang tanong hahahahaha!" pang aasar niya. Weird netong lalaking to ah?

"Ay nako babe sumbong mo nga yan kay Zoey..." naputol yung sasabihin ko ng takpan ni Sean yung bibig ko.

"Teka anong kaganapan ang hindi ko alam?" tanong ni Janelly.

"Wala yun wag kang makinig dyan sa boyfie mo" sabi ni Sean.

Nilakihan ko ng mata si Sean at nginitian niya lang ako at saka nilabas yung phone niya.

Nagulat naman ako ng mag vibrate yung phone ko at isang message galing kay Sean..

Bro, i have a surprise for Zoey. I want to marry her again. So this time.. Double wedding :))

My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon