Chapter 19

3.1K 57 6
                                    

Zoey's POV

Last destination namin dito sa Singapore ay syempre yung Universal Studios. Nag aya kasi sila Janelly eh. Hindi naman ako pwedeng di sumama dahil ayoko maiwan dito mag isa. Saka gusto din pumunta ni Sean dun eh kaya go!

"Naalala ko pa nung bata ako lagi akong dinadala dito nila mama at papa" kwento sa akin ni Sean

"Wala kasi akong hilig dyan eh! Alam mo naman diba may fear of heights ako" sagot ko

"Ngayon tatry natin yun lahat! At yang fear of heights mo? Sisiguraduhin kong mawawala na yan!" pagmamayabang niya

"Luh! Let's see!" sabi ko na parang hinahamon ko siya.

Humiwalay muna sa amin sina Janelly at Marlo. Mag momoment lang yung dalawa na yun. Hahaha! Magkita nalang daw kami pag kakain na. So hinila na ako ni Sean at wala na akong nagawa kung di ang sumunod sa kanya.

"Oy teka!" awat ko sa kanya at huminto ako.

"Bakit?" tanong niya

"Sakay muna tayo dun" sabi ko sabay turo dun sa carousel. Hahahahaha! Wala lang trip ko lang sumakay dun!

 Hahahahaha! Wala lang trip ko lang sumakay dun!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ang tanda na natin para dyan love!" sabi niya

"Madaya ka pala eh! Kung saan saan mo ako isasakay na matataas dyan na ayoko tas eto lang hinihiling ko ayaw mo pa? Bahala ka sumakay mag isa mo" pananakot ko

"Oo na dami pang sinabi! Tara na nga!" sabi niya at pumila na kami dun. Mwahahahaha!

"Daig pa naglilihi eh" bulong niya

"May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kanya

"Wala po" walang ganang sagot niya.

Nakasakay na kami pero yung mukha ni Sean hindi maipinta! Hahahaha! Sobrang pula na rin nung tenga niya sa sobrang hiya. Pinagtitinginan kasi kami ng mga tao. Pake ba nila? Bata lang ba pwedeng sumakay sa ganito? Ammp.

"Mom look! They like a same age as you!" sabi nung isang bata at tinuro kami. Yumuko nalang si Sean pero natatawa talaga ako! Hahahaha

Pagkababa namin nakayuko pa rin si Sean at hindi ako kinakausap.

"Psst" tawag ko sa kanya pero tinignan niya lang ako.

"Aysuuuus! Wag kang ganyan love hindi bagay sayo! Haha!" pang aasar ko

"Love nakakahiya yun!" inis na sabi niya

"So ikinahihiya mo ko?" tanong ko sa kanya

"Hindi love! Aish tama na nga baka mag away pa tayo dito" sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko.

"Akala ko eh... Tara na!" masungit na sagot ko sa kanya.

My Playboy HusbandWhere stories live. Discover now