Chapter 30

2.4K 48 3
                                    

Zoey's

Nagising ako at naramdaman kong nakatali ang mga kamay ko. Nahihirapan akong gumalaw. Ang dilim... Nasa isang madilim ako na kwarto nakakatakot... Sean naniniwala ako na hahanapin mo kami ni baby... Sean natatakot na ako. Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung mga luha ko at hindi ko na to napigilan. Nangangatog na ako sa takot...

Nagulat ako ng may nagbukas ng pinto. Isang lalaki.. Isang matandang lalaking hindi ko kilala.

"Gising na pala ang prinsesa" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Misha!" sigaw niya. Hindi na ako magtataka noh. Sino pa ba ang gagawa nito? Walang iba kung di si Misha lang!

"Yes dad?" sabi niya nung lumapit na siya sa dad niya. At tumingin sa akin "Oh gising ka na pala" sabi niya sa akin na may malokong ngiti.

"Hindi tulog pa ko kita mo naman diba?" pang aasar ko sa kanya. Lalapitan na dapat niya ako ng harangin siya ng dad kuno nya.

"Mabuti pa tawagan mo na si Sean. Ayoko ng ganitong ganap! Naiinip na ako" utos ng dad niya sa kanya at umalis na.

Nilapitan naman ako ni Misha at hinila yung buhok ko. Pasalamat ka nakatali tong mga kamay ko.

"Kamusta ka baby?" tanong niya habang hinahawakan niya yung tyan ko.

"Layuan mo kami!" sigaw ko sa kanya.

"At bakit?" mataray na sagot niya.

"Dahil ayoko sayo!" sabi ko at dinuraan ko siya.

Sinampal niya ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi ako makalaban. Sean nasan ka na ba?

"Oh iiyak ka ngayon? Weak" mataray na sabi niya.

"Weak? Sinong weak?! Ikaw yun Misha! Try mo kaya tanggalin tong tali sa kamay ko ng magkaalamanan tayo ngayon kung sino ang weak" sabi ko sa kanya.

"Gusto mo talaga?" tanong niya.

"Weak ka! Weak!!" sigaw ko sa kanya at tinalian niya ng panyo yung bibig ko.

"Alam mo ang ingay mo! Kakairita ka!!" sigaw niya sa akin. "Gutom ka na ba? Pasalamat ka mabait ako, ikukuha kita ng makakain" dagdag pa niya.

Mabait?! Sinong mabait?! Si Misha? Weh kailan pa?! Naiirita na rin ako sayong babae ka!!

Sean's

"Ano? Nasaan si Zoey?!" tanong ko. Tinawagan ako ni Alex at sinabi niya lahat saken ang nangyari.

My Playboy HusbandWhere stories live. Discover now