The Wedding Day

2.7K 48 0
                                    

Third Person's

Ngayon na ang araw na pinakahihintay ni Janelly at syempre ng kanyang babe na si Marlo. Sa tinagal tagal nila finally eto na ikakasal na sila. Hindi maitago ni Janelly ang saya sa kanyang mukha. Umaga palang ay naghanda na siya ng sarili ganun din si Marlo... Pero teka paano si Sean? Matagal na siyang ready kaya ayun nag aalaga siya ng kambal ngayon kailangan daw kasi ni Zoey ng beauty rest kahit wala itong kaalam alam na ikakasal uli siya.

"Zyrille! Zach! Daddy is already tired! Sleep na dali!" pakiusap ni Sean sa kambal pero tinawanan lang siya nung dalawa.

"Aba nagpapacute pa?" sabi pa niya sa kambal at saka ito hinalikan ng hinalikan.

Lumabas muna si Sean sa kwarto dahil baka magising ang kanyang prinsesa. Kaya tinawagan niya yung mama niya at yung mom ni Zoey para ayusan na yung kambal.

"Hello? Janelly besie!! Im so excited for you!! Paganda ka dyan ha?" sabi ni Zoey sa kanyang best friend na si Janelly.

"Papaganda pa di na kailangan! Mas excited ka pa ata sa akin ha? Wag kang mag alala maeenjoy mo talaga to!" sabi ni Janelly at pinatay na yung telepono. Natutuwa rin siya dahil sa surprise ni Sean sa bestfriend niya.

"Maam tara na po ayusan na po kita" sabi nung bakla kay Janelly kaya gora na!

"Omg beks! Totoo ba to? Hindi ba to panaginip? Ikakasal na ako??" sunod sunod na tanong ni Janelly dun sa bakla.

"Yes nemen gurl! True na true to oy! Tignan mo ang gwapo mo day!" sagot sa kanya nung bakla.

"Grabe naiiyak na ko beks" pagbibiro ni Janelly.

"Try mong umiyak at ng maging chaka ka dyan" sagot nung bakla.

Ilang oras din silang nag ayos kay Janelly at eto na isusuot na niya yung wedding gown niya.

Talagang nangibabaw ang kagandahan ni Janelly sa suot niyang white gown niya.

"Bongga! Dyosa ng alaga ko" sabi nung bakla sa kanya.

"Dahil dyan.... SELFIE!" sabi ni Janelly sabay labas ng phone niya.

"Oh tama na yan! Tara na at baka mahuli ka pa!" sabi nung bakla at lumabas na sila para pumunta na dun sa simbahan.

Zoey's

"Teka bakit ganito suot ko? Hindi naman ako yung ikakasal?" tanong ko dun sa bakla na pilit pinapasuot sa akin yung wedding gown na yun.

My Playboy HusbandWhere stories live. Discover now