Chapter 16

3.5K 65 8
                                    

@ Singapore

Zoey's POV

Nakarating na rin kami sa wakas. Hindi naman ganun katagal yung byahe kasi malapit lang naman tong Singapore sa atin. Hindi rin ganun kalamig dito parang nasa pilipinas pa rin ako. Sana naman sa Japan medyo malamig diba? Sa korea talaga malamig eh yun nga inext ko. Yung hindi kasama si Sean chos. Hahaha!

"Besieee lets go na sa hotel! Im so tired na eh" sabi ni Janelly at hinila na ako.

"Teka asan si Marlo at Sean?" tanong ko sa kanya.

"Miss mo agad? Grabe ka ah katampo ka na besie :(" pagtatampo niya sa akin.

"Ano ka ba! Syempre mas mahal kita dun! Wag ka na magselos" sabi ko at kinurot ko yung pisngi niya.

"Anong sabi mo?" tanong ng isang lalaki. Sino pa ba? Edi si Sean.

"Mas mahal ko tong si besie kesa sayo" pang aasar ko.

"Ah! Mas mahal ko naman tong si dude kesa sayo" ganti nanaman nya. Ayaw talaga patalo eh.

"Gay" sabi ni Janelly.

"Gwapong gay naman ng mga to" sabi ni Marlo sabay kindat kay Janelly.

"Hay nako! Besie tara na nga!" pag aya ko sa kanya at iniwan namin yung dalawa dun.

"Dude sino mas maldita? Si Zoey o si Janelly?" narinig namin tanong ni Sean kay Marlo. Talaga bang pinaparinig nila sa amin yun?

"Syempre asawa mo" sagot naman ni Marlo. Nakakainis na!

"Oy besie yung face oh! Wag mo nalang pansinin yung mga yun! Cute ka kasi pag naiinis kaya iniinis ka nung asawa mo! Haha" bulong sa akin ni Janelly.

"Good! Sobra nga pagkamaldita nun eh. Daig pa naglilihi" sabi pa ni Sean.

"Nako besie pigilan mo ko. Bilisan na nga natin lakad aish!" inis na sabi ko.

"Baka naman naglilihi na talaga? Siguro may nangyari na sa inyo no?" nangyari? Luh! Wala pang nangyayari sa amin! Mamaya palang! Joke haha!

"Hindi ko nga alam eh. Baka nung sobrang lasing ako pinagsamantalahan na ko nyan eh" hindi ko na napigilan sarili ko kaya nilapitan ko si Sean at hinampas ko siya sa braso niya. Solid.

"Oy kung pag uusapan niyo ko siguraduhin nyong di ko naririnig ha?" sigaw ko sa kanilang dalawa.

My Playboy HusbandUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum