Chapter 3

5.9K 116 6
                                    

Sean's POV

"Oh ayos naman pala itong condo ni Zoey" sabi ni mama sa amin. Nginitian lang siya ni Zoey. "Bagay na bagay sa inyong dalawa. Magaling pumili sila mare ah" dagdag pa ni mama.

"Ma! Magtatagal po ba kayo dito?" tanong ko kay mama.

"Oo. Bakit may reklamo ka?" tanong ni papa sa akin.

"Wala po" walang ganang sagot ko.

"Iha... Kapag pinapahirapan at sinasaktan ka netong si Sean isumbong mo lang sa amin at ihihinto namin yung allowance nyan" sabi ni papa kay Zoey

"Pa! Walang ganyanan! Nagtitiis nga lang ako dito kay Zoey na to eh!" sabi ko kay papa at hinampas naman ako ni Zoey na katabi ko.

"Wag po kayong mag alala tito! Akong bahala sa anak niyo" sabi ni Zoey ng nakangiti. 

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na papa nalang ang itawag mo sa akin? Kasal na kayo ng anak ko kaya pamilya mo na rin kami" sabi ni papa sa kanya.

"Ah sige po pa... Papa, Mama..." nahihiyang sabi niya. Meron pala siya nun?

"Alam niyo darating din yung araw na matatanggap niyo ang isa't isa. Parang kami lang ng mahal ko" sabi ni papa at tumingin kay mama. Ganyan ba talaga kapag inlove? Korny. "Pinakasal din kami na hindi namin mahal ang isa't isa. Pero sa araw araw na magkasama kami, natutunan rin namin mahalin ang isa't isa. Siguro nga at hindi pa kayo tinatamaan ng pag ibig... Masaya magmahal" dagdag pa niya.

"Pa! Ang korny mo!" sabi ko kay papa.

"Anong korny dun Sean? Ang cute nga nila eh!" sabi ni Zoey sa akin.

"Ay nako Luke! Kakainin mo rin yan sinabi mo kapag nainlove ka na" sabi sa akin ni mama.

"Sean nalang ma! Ang pangit ng Luke!" sabi ko sa kanya.

"Arte mo dinaig mo pa ako" sabat nanaman ni Zoey.

"Anak hindi ka ba nagagandahan dyan sa asawa mo? Tignan mo nga..." tinignan ko naman si Zoey. Nakangiti siya kay mama. Tama nga si mama maganda si Zoey... "Matakot ka baka isang araw mawala pa yan sayo" pagpapatuloy ni mama.

"Nako hindi po imposible ma! Alam niyo po ba kung sino sinong babae an-----" tinakpan ko yung bibig niya para hindi na niya matuloy yung sasabihin niya. Ang daldal! 

Tumingin siya sa akin... Medyo matagal rin nung nagkatitigan kami. Habang tinititigan ko siya mas lalo siyang gumaganda... Ang ganda nung mga mata niya at ang haba ng pilikmata niya... Para bang naging slow motion ang lahat... 

Natauhan ako ng kagatin niya yung kamay ko. Ang sakit nun ah? Yun lang ang problema sa kanya ang maldita niya. Palaban!

"Uyyyy bagay kayo! Kinikilig ako sa inyo. Mabuti pa mahal umalis na tayo baka may gagawin pa sila eh" sabi ni mama kay papa

"Bibigyan niyo na ba kami ng apo?" tanong ni papa sa amin

"Pa!" - "Pa!" sabay na sigaw namin ni Zoey

"Okay hindi na! Nagbibiro lang ako eh. Tara na mahal!" sabi ni papa at tumayo na. "Aalis na kami wala ba kayong balak na ihatid kami? Mamaya niyo na gawin yung ano" sabi ni papa habang tumatawa. 

Hinatid na namin sila bago pa magsalita si papa ng kung ano ano.

"Hindi ka aalis?" tanong sa akin ni Zoey

"Hindi bakit?" sagot ko sa kanya

"Okay! May gala kami ni Janelly ngayon eh" sabi niya at umalis na.

"EDI GUMALA KA! HUWAG KA NG BUMALIK!" sigaw ko sa kanya

"Baka mamiss mo ko!" sigaw niya naman pabalik

"Tss" umiling ako at napangiti nalang din. Teka ngumiti ako? Bago to ah? 

Umalis na si Zoey at naiwan naman ako mag isa dito sa condo. Mas okay na rin to. Magagawa ko lahat ng gutso kong gawin. Walang pipigil sa akin. Bumaba muna ako at bumili ng wine. This is my hobby ang uminom. 

Tumatawag si papa sa phone kaya sinagot ko agad ito.

{Hello Sean?} 

"Po?" 

{Sa monday may work ka na! Dito sa kumpanya ko. Walang reklamo. May asawa ka na} 

"Pero p-"

{You can do it. Bye. Im busy} 

Bakit kailangan ko pang magtrabaho? Eh andyan naman sila para suportahan kami. Nakakainis naman paano ko maeenjoy yung buhay ko. Mas ginanahan tuloy akong uminom ngayon. 

Zoey's POV

"Besie!!!" sigaw sa akin ni Janelly

"Hi" walang ganang bati ko sa kanya

"Bakit ba nag aya ka gumala? May mall naman sa condo niyo lumayo pa tayo" sabi niya sa akin

"Ayoko dun!!" sigaw ko sa kanya

"At bakit?" tanong niya sa akin

"Gusto kong lumayo kay Sean please" sabi ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit nahuhulog ka na ba sa kagwapuhan niya?" tanong niya sa akin

"Oo...Gwapo siya pero hinding hindi ako mahuhulog sa kanya!" sabi ko kay Janelly

"Okay let's see" sabi niya at iniwan ako dun. Sinundan ko naman agad siya.

"Ano ba pakiramdam ng inlove?" tanong ko kay Janelly

"Hmm... Wala ko sa mood sagutin yang tanong mo. Kumain muna tayo!" sagot niya sa akin. Luka talaga to! 

"Ano pumunta yung parents niya sa condo niyo?" tanong sa akin ni Janelly. Kumakain kami ngayon ng dinner. Bahala si Sean magluto ng dinner niya o bumili nalang siya marami naman siyang pera.

"Oo nga kulit. Ang bait nga nila eh di tulad nung anak nila. Walang kwenta!" sabi ko kay Janelly

"Hay nako besie! Syempre nag aadjust pa yung tao! Parang ikaw! Nasanay kasi kayo sa buhay na kinalakihan niyo. Iba na ngayon Besie! Hindi biro ang mag asawa. Kailangan dun seryoso!" Janelly

"Eh kayo kailan kayo magpapakasal ni Marlo?" tanong ko sa kanya "Naunahan pa kitang ikasal. Ako pa tong walang lovelife ah?" dagdag ko sa kanya.

"Dont me! Ang dami mo ngang naging boyfriend! Hay nako!! Hinihintay ko na nga lang yung tanong niya sa akin na 'Babe, Will you marry me?' kaya lang ang tagal niya eh! Busy kasi siya sa work." sagot niya sa akin kaya tumango nalang ako.

"Bilisan mo na dyan at iuuwi na kita. Baka magalit pa sa akin asawa mo" Janelly

"Besie!!! Baka naman nag aalala sa akin yun? Wala ngang pake sa akin yun eh! Pareho lang kaming walang pake sa isa't isa" sabi ko sa kanya "Ayoko pang umuwi" dagdag ko pa.

"Tara manood nalang tayo ng Cine! Maganda showing eh!" aya niya sa akin

"Suree! Let's go!" hinila ko  na siya agad.

Pagkatapos namin manood nagulat ako na 11 pm na pala. Hmm ang haba pala nung movie. Sulit na sulit yung bayad namin. Hahaha!

"Nako 11 na! Baka hinihintay ka ng asawa mo! Haha!" ang kulit din neto eh!

"Hindi nga kasi!" sabi ko sa kanya

"Okay!" sabi niya at umacting pa na parang sinizip niya yung bibig niya at hindi na siya magsasalita. Hahaha! 

Hindi naman na bago sa amin ni Janelly ang umuwi ng gabi. Kasi may driver naman kami. Parang magkapatid na rin kasi kami neto. Kapitbahay lang naman sila pero ngayon na sa condo na ako nakatira nalayo na ako sa kanya. Kaya namimiss ko agad siya. Pero si Sean... nag alala kaya siya sa akin? Eh sabi nga niya huwag na ako bumalik! Ayun ba ang may pake? Siya nga umaga na umuuwi may babae pang kasama. Hiyang hiya naman ako diba? Try ko nga din umuwi na may lalaking kasama? Pero syempre biro lang! Duhhh!

------------------------------------------

Vote!

Comment!

Enjoy Reading!

My Playboy HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon