Chapter 8

4.7K 79 4
                                    

Zoey's POV

"Good morning!" bati ko sa kanya

"Good morning love" bati niya sa akin sabay kindat

Hindi ko nakalimutan yung sinabi ko sa kanya kahapon. Akala niya makukuha niya ako sa paganyan ganyan niya? Huh no!

Kinindatan ko rin siya at nginitian. Makikisakay lang ako sa gusto niyang mangyari. Tutal asawa ko naman na siya. Wala naman sigurong masama dun.

"Wala kang pasok?" tanong niya sa akin

"Wala. Monday-Tuesday-Friday ang pasok ko. Minsan pwede rin hindi ako pumasok basta maipadala ko sa kanila yung design ko" sabi ko sa kanya

"So araw pala natin ngayon" sabi niya sa akin

"Abaa himala hindi ka na ata gumigimik at nangchichix?" tanong ko sa kanya

"Syempre andyan ka na eh" sabi niya "Joke! Busy sa work" dagdag pa niya. Akala ata niya kikiligin ako dun?

"Kawawa ka naman pala. Tara labas tayo? Hanap kita date hanap mo ko date. Double date, ano go?" aya ko sa kanya. Medyo boring rin kasi dito.

"Go! Sinong hinamon mo?" sabi niya at tumayo na

"Tara ngayon na oh!" sabi ko at tumayo na rin

Habang nasa sasakyan kami kung ano ano lang yung napag usapan namin. Medyo nagiging close na rin kami at nakikilala na namin ang isa't isa. Hindi naman pala siya ganun kasama. Haha! Naikwento niya sa akin na nung bata daw siya nagkaroon siya ng crush kaya lang daw nabusted siya kaya simula nun hindi na siya nagseryoso sa babae. Wahahaha ang loko lang. Pero cute!

"Andito na tayo" sabi niya sa akin. Hindi niya muna ako pinababa dahil pagbubuksan niya daw ako ng pinto. Oww gentleman. Dagdag pogi points.

"Ganyan ka ba sa mga babae mo?" pang aasar ko sa kanya

"Hindi ah! Never akong naging ganyan sa kanila! Sayo lang" seryoso niyang sabi at lumakad na. Bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko hindi ko alam kung bakit.

"Ows" pang aasar ko pa. Hindi kasi ako naniniwala.

"Seryoso ako Zoey tanong mo pa kay Marlo! Tss" sungit naman niya!

"Oo na po" sabi ko habang sinusundan ko siya. Ang dami naman tao sa mall na to. Tsk.

Nagulat ako huminto si Sean at lumapit sa akin.

"Ang bagal mo naman maglakad!" hinila niya yung kamay ko.

"Tas ganyan pa suot mo?!" inis na sabi niya sa akin

"Bakit ano masama sa suot ko? Hindi naman gaano maikli yung short ko" sabi ko sa kanya

"Kahit na. Hindi kita maihahanap ng date ng ganyan ang suot mo. Tayo nalang ang magdate" nagulat ako sa sinabi niya. Hindi Zoey... Wag ka magpadala sa sinasabi nyan. Makisakay ka lang.

"At bakit tayo nalang?" tanong ko sa kanya

"Dahil mag asawa na tayo" walang ganang sagot niya

"Pero hindi kita gusto" sabi ko sa kanya

"Dont worry hindi din kita gusto" sabi niya sa akin sabay kindat

"Bahala ka nga" sabi ko sa kanya.

Kumain lang kami at namili ng mga kailangan namin. Pagkatas nun wala na kaming maikutan. Sawa na rin kasi kami sa mall eh.

"Ayoko na dito! Sumama ka nalang sa akin" sabi niya at hinila ako. May magagawa pa ba ako? Nilibre niya naman ako ngayon eh kaya hindi ko siya susungitan. Hahaha!

My Playboy HusbandWhere stories live. Discover now