Chapter 32

2.3K 54 4
                                    

Janelly's

"Oy besie! Hindi na nga okay si Sean sinabayan mo pa. Katampo ka besie" sabi ko kay Zoey at tumulo na rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Ikaw ah! Pinapaiyak mo ko. Gumising ka na dyan! Paggising mo ililibre mo talaga ko" dagdag ko pa.

Ako muna ang naiwan bantay kay Zoey dahil nag ayos muna ng gamit ang parents niya. Si Marlo naman nakabantay kay Sean. Bakit kailangan sabay pa sa kanila mangyari ito? Please magiging ninang pa ako ng anak nyo. Gumising na kayo.

"Zoey ang kulit mo talaga! Wag mo na kong pagtripan gumising ka na dyan. Yung baby mo nagugutom na" para akong baliw na kumakausap sa taong tulog. Tulog lang si Zoey gigising pa siya..

Nakita ko naman na gumalaw yung kamay niya kaya tumawag agad ako ng doctor. Pagbalik ko nakita kong nakadilat na si Zoey at kumakain na ng pagkain dala ko kanina.

"Besie ang tagal mo san ka pumunta?" tanong niya sa akin. Agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya.

"Gising ka na.. Wag mo ng ulitin to besie ha?! Ingatan mo na sarili mo hindi ko kayang mawala ka. Alam mo na *pout*" sabi ko sa kanya.

"Oo na po. Wag kang mag alala sa akin okay na ako" sabi niya pero kita pa rin sa mga mata niya na nalulungkot siya.

"Wag kang mag alala besie magiging okay din ang lahat. Gigising din si Sean" sabi ko sa kanya at agad naman tumulo ang mga luha niya.

"Besie samahan mo ko kay Sean. Gusto ko siyang makita please besie" sabi niya habang patuloy pa rin umiiyak.

"Ay! Sasamahan kita pag nangako ka sa akin na hindi ka iiyak. Masama sayo yan lalong lalo na sa magiging inaanak ko" sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Pinunasan niya na rin yung mga luha sa mata niya at pilit na ngumiti.

"Okay tara na" sabi ko at inalalayan ko na siya.

Sean's room...

"Babe.... Tara muna sa labas" bulong ko kay Marlo at iniwan muna namin si Zoey sa loob.

"Okay na ba talaga si Zoey?" tanong ni Marlo sa akin.

"Oo wag lang natin hayaan na magpagod at mastress siya" sagot ko.

"Babe naaawa ako sa kanila" dagdag ko pa.

Niyakap naman ako ni Marlo at sinabing "Si Sean pa ba?! Kilala ko yun. Lalaban yun"

"Babe gigising ang best friend mo. Gigising ang asawa ng best friend ko. Aattend pa sila sa kasal natin diba?" tanong ko at tumango naman si Marlo. Alam kong hindi siya okay. Naiintindihan ko siya dahil simula bata palang magkaibigan na sila ni Sean at masakit mawalan ng isang matalik na kaibigan.

Zoey's

"Love ang daya mo naman. Ako hindi kita iniwan sana ikaw din hindi mo kami iwan. Lumaban ka love" sabi ko sa kanya.

Kitang kita ko yung mukha ni Sean. Parang lantang bulaklak walang buhay. Please Sean bumangon ka na dyan.

"Love para sa amin ni baby please. Hihintayin ka namin ha?" tanong ko pa. Tumango ka naman please.

Hinawakan ko yung kamay niya..

"Hindi ako iiyak love kasi diba yun yung gusto mo? Magiging matapang ako para sa atin... Hindi ako iiyak..... Last na to... Ang sakit talaga eh" sabi ko at pinunasan ko agad yung luhang tumulo sa mga mata ko.

Kung gising lang si Sean baka pinagtawanan na ako nun. Sabi ko kasi hindi ako iiyak tas nauna pang tumulo luha ko sa sinabi kong hindi ako iiyak.

"Sean ilang months nalang lalabas na si baby. Gusto ko andun ka" sabi ko pa.

"Sean aalagaan ko ang sarili ko basta ipangako mo lang na gigising ka na dyan. Maghihintay kami ni baby. Hihintayin ni baby si daddy ha?" sabi ko at tumayo na.

"Mamaya nalang uli love babalikan kita dyan. Wag masyadong matagal sa pagtulog lagot ka saken" sabi ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"I love you lobby! Miss na agad kita" sabi ko at hinalikan ko siya sa noo nya.

"Oh besie umiyak ka oh" sabi saken ni Janelly.

"Di ah" pagsisinungaling ko.

"Tara nga dito. Iiyak mo lang yan. Pero last na ah?! Promise?!" tanong niya at tumango naman ako.

"Besie" sabi ko at nilabas ko na lahat. Umiyak na ako ng umiyak. Ang sakit kaya sa dibdib magpigil ng iyak..

Niyakap naman ako ni Janelly at hinimas niya yung likod ko. "Labas mo na lahat ng sakit besie. Andito lang ako" sabi niya. Nagpapasalamat talaga ako dahil nakilala ko siya. Kahit kailan hindi niya ako iniwan sa mga oras na may problema ako.

"Thank you besie" sabi ko at nilabas ko na talaga lahat ng sakit sa dibdib ko..... Una lang to diba? Masasanay din ako...

Gumising ka na dyan lobby! Lagot ka talaga saken. Huhu miss na kita... :-( <\3

--------

Short update!!! Okay konting konti nalang talaga yung natitirang chapter! Yiee makakatapos na ako ng story saya saya!

Thank you readers! Love kayo ni author!

Vote!
Comment!
Enjoy Reading!

My Playboy HusbandWhere stories live. Discover now