Chapter 1

13.9K 179 5
                                    

Zoey's POV

Aish! Hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na ako! Ito ang unang araw na Mrs. Salasar na ako at iritang irita pa rin ako kapag nakikita ko yung pagmumukha niya!

Bumangon na ako sa higaan ko at dumiretso na ako sa banyo para maligo at ayusin yung sarili ko. Nakakahiya naman sa kasama ko dito! Sayang beauty ko! Tch. Sa dinami rami ba naman ng tao sa mundo ikaw pa yung napiling ipa arranged marriage ng magulang mo. Kung sinuswerte nga naman ako.

"Good morning" bati ko sa asawa ko. Whuuut? Asawa? Yuk!

"San ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"Kakain sa labas" walang ganang sagot ko sa kanya.

"Ok, ingat" sagot niya. Tignan niyo nga yan lalaking yan! Dapat ba na ipinakasal ako dyan?! Wala man lang pake sa akin eh!

Umalis na ako bago pa kami mag away. Unang araw palang namin bilang mag asawa ayokong mag away kami. Yuniiii totoo ba? Ayoko lang kausapin yun. Bahala siya kung anong gusto niya. Basta ako gagawin ko kung anong gusto ko.

Ako nga pala si Zoey Geronimo. 26 years old. Isa akong designer ng mga damit. Bata palang ako hilig ko ng magdrawing at magdesign ng magagandang damit. Kaya kahit papaano kumikita ako. Lalo na kung may asawa akong umaasa lang sa pera ng parents niya. Nag iisang anak kasi kaya lahat ng gusto niya makukuha niya kung papayag siyang magpakasal sa akin. Kaya ang totoo pareho kaming napilitan dito. Pake ko ba don?

Tinext ko yung nag iisang best friend ko at pinapunta siya dito sa may condo namin. Buti nalang may mall sa baba itong nakuhang condo ng parents ko kaya kahit papaano makakaiwas ako dun sa lalaking yun. Pumunta nalang ako sa starbucks at omorder ng pwede kong kainin.

"Besie!" tawag sa akin nung best friend ko. Maaasahan ko talaga yan! Nagbeso beso kami at umupo na. "How's your first day being Mrs. Salasar?" pambungad niya sa akin.

"Not good" walang ganang sagot ko sa kanya.

"Tumino ka nga besie!" sabi niya sa akin sabay hampas sa braso ko "Ang gwapo nga ng asawa mo eh" dagdag pa niya sabay kindat.

"Edi dat kayo nalang nagpakasal" sabi ko at hinampas nanaman niya ako.

"Loyal ako sa boyfriend ko no. Kahit ganun itsura nun mahal na mahal ko yun" sabi niya sa akin habang kinikilig kilig pa.

Siya si Janelly Salvador ang nag iisang best friend ko sa buong buhay ko. Boyfriend niya si Marlo Mortel simula nung college pa kami. Buti pa sila no? Marami rin naman akong naging boyfriend non pero di ko sila sineryoso. Anong magagawa ko? Hindi pa ko tinatamaan ni kupido. Saka hindi din naman nila ako sineseryoso edi quits lang!

"Walang forever" panira moment ko sa kanya.

"Ikaw kasal ka na ang bitter mo pa rin" sabi niya sa akin at tumayo "Tara" hinila na niya ako palabas ng starbucks.

"Saan?" tanong ko sa kanya

"Sa condo niyo! Daliii!" sabi niya sa akin habang hinihila niya pa rin ako "Hindi mo ba alam childhood friend ni Marlo yung asawa mo? Ang galing no?" sabi niya sa akin saka huminto.

"Anong magaling dun? Tss" sabi ko at pumasok na sa elevator

"Wag mong simulan Zoey mahalin mo nalang yung asawa mo para happy ha?" sabi niya at saka ako inirapan. Hays paano ko mamahalin yun?

"Good morning" bati niya sa lalaking yun. Nginitian naman siya nito bilang pagsagot. Parang matino eh -,-

"Ah Zoey aalis nga pala ko mamaya" paalam ng asawa ko. Uyy feel na feel ko yung asawa kuno.

"Edi umalis ka" sagot ko at umupo na sa sofa at binuksan yung tv.

"Nako pagpasensyahan mo na yan best friend ko ah? Meron kasi ngayon yan eh" narinig kong bulong ni Janelly kay Sean kaya sinigawan ko siya.

"Ah ganun ba?" tanong ni Sean habang nakangiti at nakatingin sa akin. "Ano nga palang name mo?" tanong niya sa best friend ko. Nako kung alam ko lang gusto lang nyang landiin yung best friend ko.

"Oy Mr. Playboy wag yan! Baka gusto mong makatikim kay Marlo!" sigaw ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin. Tumabi naman sa akin si Janelly.

"Selos ka ata eh" pang aasar niya sa akin. Pinukol ko siya ng unan.

"ASA KA! UMALIS KA NA! NAIIRITA AKO SA PAGMUMUKHA MO!" sigaw ko sa kanya.

"Ano ba yan wala pang nangyayari sa atin naglilihi ka na?" pang aasar pa niya at saka tumawa ng malakas

"MANYAK!!! BASTOS!!!" tumayo na ako at lumapit sa kanya pero umalis na siya. Matino ba yun? Mas baliw pa sa baliw yun eh! Nangyari?! Walang mangyayari sa amin!!!

"Chill besie puso mo" sabi ni Janelly habang tumatawa

"Unang araw palang yan besie ah! Papalayasin ko na talaga yan!" sabi ko sa kanya.

"Aysus! Kawawa naman! Haha!" sabi pa niya habang tumatawa. Hinampas ko nga sa braso.

"Umuwi ka na nga lang din" sabi ko sa best friend ko.

"Teka baka totoo ngang naglilihi ka? HAHAHA! Kayo ha!" hinampas ko uli siya sa braso niya at sinamaan ng tingin.

"HINDI AKO NAGLILIHI OKAY?! SAKA DUN SA LALAKING YON? WALANG MANGYAYARI SA AMIN!" sabi ko sa kanya at tumawa nanaman siya.

"Janelly!" saway ko sa kanya.

"Okay hindi na. Hahaha!" sabi niya na parang nagpipigil ng tawa.

Ano bang gagawin ko sa mga to?! Arghhhh! Sakit sa bangs ng mga yan!

-------

Vote!
Comment!
Enjoy Reading!

My Playboy HusbandWhere stories live. Discover now