Chapter 6

4.5K 95 19
                                    

Zoey's POV

Pagkauwi ko wala pa si Sean. Aba nagpapakasipag sa trabaho ah? Haha!

Nagpahinga muna ako sa kwarto ko. Nakakain naman na ako kaya matutulog nalang ako.

Aish! Pero hindi ako makatulog! Kaya lumabas muna ako at nanood muna ako ng tv baka sakaling antukin ako. Tinignan ko yung oras, 11:30 na. Bakit wala pa si Sean? Teka bakit ko ba hinihintay yun? Bahala siya.

Nagulat nalang ako ng bumukas ng malakas yung pinto. Siya na nga siguro. Pinuntahan ko siya, hindi na ako nagulat dahil sanay na ako sa mga pinaggagagawa niya. Playboy talaga! Ibang babae nanaman yung naghatid sa kanya sa sariling condo ko! Nakakainis na ah?!

"At sino ka?!" mataray na tanong sa akin nung babae. Wow naman!

"Ako lang naman yung may ari ng condo na to" pagtataray na sagot ko rin sa kanya

"Nagkamali ba kami? San ba to nakatira?" tanong niya sa akin.

"Hindi... Tama ka lang! Pakipasok nalang yung ASAWA ko. Thanks" sabi ko sa kanya at iniwan ko na silang dalawa dun. Nakakainit ng ulo.

"Asawa?! Hoy babaeng assuming! Ako ang girlfriend neto! Pakibawas bawasan yang pagka assuming mo ha?" sabi niya sa akin na mas lalong kinainis ko.

"Hoy babae mas maganda rin siguro kung pakibawas bawasan mo yang bangs mo! Pwe! Eto oh tignan mo pa yung wedding ring namin" sabi ko sa kanya at itinaas ko yung kamay ko.

"Hindi! Hindi totoo yan! Hindi ako makakapayag!" sigaw niya sa akin. Nilapitan ko na sila ng matapos na tong palabas. Inantok na rin naman na ako.

Kinuha ko sa kanya si Sean kahit medyo mabigat. Kinurot ko nga sa tagiliran. Umiinom inom tas hindi pala kaya ang sarili!

Tinulak ko na palabas yung babae na yun! Akala mo kung sino kung makapagsalita!

"Bye! Good night!" pang aasar ko pa.

Nung nasara ko na yung pinto kinurot ko uli si Sean sa tagiliran niya.

"Ano hindi ka mag hihilamos dun? Iinom inom ka hindi mo naman pala kaya! Gusto mong masumbong ha?" pagtataray ko sa kanya.

"Zoey?! Haha! Ikaw yun! Shi Zoey na mataray!" sabi niya. Mukhang wala na siya sa matinong pag iisip kaya hinatid ko na siya sa kwarto niya.

"Ang shweet naman ng ashawa ko! Hihihi! Gawa na tayo baby?" nagulat ako sa sinabi niya kaya tinulak ko na siya at napahiga naman siya sa kama niya. Manyak talaga grrr!

"Gumawa ka mag isa mo! Manyak!" sabi ko sa kanya at saka ko siya binato ng unan.

"Ashawa naman kita ah? Tara na love..." sabi niya habang nakatitig sa akin.

"Love mong mukha mo! Dun ka mag aya sa mga babae mo!" sabi ko at iniwan ko na siya dun.

"Shelos ka?! Shelos shi Zoey!" sigaw pa niya. Hindi ko nalang siya pinansin. Ganyan ba talaga siya kapag nalalasing ang kulit?

"Zoey!!!" sigaw niya sa akin "Ano yung shinashabi mo na hinalikan kita?! Kailan? Baka ikaw humalik sha akin?!" narinig ko pang sigaw niya. Napatakip nalang ako sa bibig ko. Kailan ko sinabi yun? Ang tanda ko lang sa panaginip ko sinabi yun. Panaginip lang yun. Argh!

"MATULOG KA NA SEAN!!!" sigaw ko sa kanya at hindi na siya sumagot. Baka nga nakatulog na.

Nakakaloka! Dapat pala talaga natulog na ako kanina pa! Para hindi ko na nakita pagmumukha ng Sean na yon! Argh!

Sean's POV

Nagising ako dahil may tumatawag sa phone ko. Si Misha lang pala ano nanaman ba kailangan nito?

Sinagot ko yung tawag niya at puro sigaw lang yung natanggap ko. Tinanong niya kung totoo daw ba na may asawa na ako. Syempre sinabi ko na yung totoo para hindi na siya maghabol.

[Paano tayo?]

"Walang tayo Misha"

[Ang sama mo! Humanda ka Sean! Wala ni isang tao ang nagtangkang saktan ang isang Misha Santiago. Hindi mo ako kilala]

"Go! Do what you want! You're such a waste"

Hindi ko na hinintay yung sagot niya ar ibinaba ko na yung call. Umagang umaga pinapainit ulo ko. Sinong tinakot niya?

Lumabas na ako sa kwarto ko. Hindi nalang muna ako papasok dahil sobrang sakit ng ulo ko. Nakita ko naman si Zoey na nakahiga sa may sofa. Hindi ba siya papasok?

"Zoey... Hindi ka papasok?" hindi niya ako sinagot. Mukhang nakatulog siya dun. Nilapitan ko siya at nakita ko na ang putla ng labi niya. Bigla naman akong kinabahan dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Ginising ko siya at nakita ko yung matatamlay niyang mata.

"Zoey are you okay?!" tanong ko sa kanya.

"Dont worry about me. Aww" sabi niya sa akin at namimilipit na siya sa sakit. Parang gets ko na. Monthly period. Anong gagawin ko? Mainit na tubig? Yun lang kasi yung ginagawa ni mama kapag nakakaranas siya ng ganyan. Hot compress.

Kumuha ako ng mainit na tubig. Tinanggap naman niya agad yun. Ipinatong niya yun sa may puson niya pero maputla pa rin siya.

"Gusto mo dalin na kita sa hospital?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Okay lang ako. Sean.. Pwede favor? Pabili naman ako ng napkin pleaseeee *pout*" malata na sabi niya.

Napkin?! Ako bibili ng napkin?! Hindi siguro! Ano ba yan Zoey! Bakit hindi ka bumili?! Anong gagawin ko? Bahala na nga lang. Tss.

---------

Go Sean! Haha!

Vote!
Comment!
Enjoy Reading!

My Playboy HusbandWhere stories live. Discover now