Chapter 20

13.9K 529 62
                                    

Chapter 20

Iba't-ibang senaryo ang pumapasok sa isip ko sa mga oras na 'to. Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko ngayon at kung meron mang makakakita sa akin ay aakalain nilang takas ako sa mental.

Kinakain kasi ako ng tensyon dahil pagpatak ng alas siyete ng gabi ay susunduin ako ni Onyx dahil may dinner kami ng mama niya.

18:58...

18:59....

"Hey, Tori." Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko at nilingon si Onyx. Lumapit ako sa kanya at inihampas ko ang ulo ko sa dibdib nito. Narinig ko ang pagtawa nito at ang pagpalibot ng braso niya sa bewang ko.

"Tense na tense ah."

"Hala nagtagalog ka."

"Wengya naman."

Mas lalong lumakas ang tawa ko dahil sa "wengya niya." Pambihira.

"There.. You're already laughing. Much better than your frowning forehead." Sumimangot ako. "You look really good in black, Tori."

"I am.." Mayabang kong sagot at kumalas sa pagkakayap sa kanya. "Sus."

"So let's go?" Aya niya sa akin at inabot ang isang kamay ko. Wala sa sariling tumango ako at nagsimula na kaming maglakad. Bakit ba ako tensiyonado? Hay..

Sumakay kami sa isang itim na kotse at nakakatuwa lang dahil si Onyx ang magmamaneho. "Really? You'll be the one to manuever this car?"

"What? I'm a good driver?"

"Okay, sabi mo ah."

Nagsimula na niyang patakbuhin ang sasakyan at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. "You want some chocolate? Open that compartment infront of you."

Binuksan ko naman ang compartment na sinasabi niya at nanlaki ang mata ko ng makitang may isang bouquet ng pulang oras ang nasa loob. "Ano to?" Mahinang bulong ko ay kinuha ang bulaklak sa labas ng compartment.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ng buo itsura ng bouquet. Isang Flordeline na napapalibutan ng mga rosas.

"Well.. I just want to give you a little present."

Blanko ko padin ang tingin ko sa mga bulaklak. "Tori?"

"Ahhh!" Lumingon ako sa kanya at nginitian siya. "Thank you, Onyx."

"Welcome, beautiful."

-

"Wow! bahay niyo ba to? Ang laki naman." manghang-manghang turan habang sinusuri ko ang kabuuan ng bahay nila. 

"Yes, welcome to our little abode." little abode daw. Mukha ba tong little sa laki nito? Nilagpasan namin ang isang magarang fountain na may disenyo ng isang babae na naka full armor. 

"It's Athena right?" wika ko narinig ko naman ang marahang pagsagot nito sa akin at nagpatuloy kami sa paglalakad. 

Nakarating kami sa isang malaking pinto at nasa bungad nito ang isang matandang lalaki. Nakangiti itong sumalubong sa amin at yumuko ng bahagya.

"Efprósdekti kýrio spíti kai nearí kopéla. Aftís Megaleiótitas periménei stin trapezaría ." (Welcome home master and young lady. The Queen is waiting at the dining room.)

Ano daw?

"Efcharistó." (Thank you) ngumiti nalang ako sa lalaki at sumunod kay Onyx.

Bukod sa Maze-Palace ay ito ang pangalawa sa mga magagandang-bahay na napuntahan ko. Sinisigaw ng bawat muwebles kung gaano karangya ang pamilya na naninirihan dito. 

Nagulat ako sa dami ng nakahilerang mga maid sa bungad ng dining room. Yumuko sila ng makita nila kami. Dahil na a-awkwardan ako ay ginaya ko nalang din sila. 

Nakakahiya naman!

Pumasok kami sa loob at nakita ko ang isang babaeng nasa mid-fifties na nakangiti sa direksyon namin. 

"Mitera." bulong ni Onyx kaya napahawak ako sa damit niya. 

"Yiós." tumayo ang ginang at sinalubong ng isang yakap si Onyx. Tiningnan niya ako at bahagyang nanlaki ang mata niya ngunit isiniwalang bahala ko nalang ito at yumuko ng bahagya sa kanya.

"Eínai aftó tis?" (Is this her?)

"Yes. This is Victoria McCurley, my closest friend."

"Good evening ma'am." Ngiti ko, nagulat ako ng hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan bawat isa. Nagtatakang tiningnan ko lang si Onyx na nakakunot na nakatingin sa nanay niya.

"It's nice to meet you, oraiótatos." (darling) turan nito. "My pleasure."

Inaya na kami ni Onyx na umupo.

"I am Milicent Andreas Stavros, the Queen of the household of Stavros." Medyo mahaba-haba ang pangalan ng mommy ni Onyx.

"Ah.. ako po si Victoria McCurley." ginantihan ko ang ngite niya, binaling niya ang tingin sa anak at nagsalita.

"Where did you find this little one, darling. She is so lovely, isn't she?" Tumingin naman sa akin si Onyx at tumango.

"I'm glad I help her, that's the time I met an amazing little gal."

"Seryoso ka ba? Sa harap pa ng nanay mo ah." Bulong ko sa kanya na ikinatawa niya.

Naputol ang pag-uusap naming tatlo ng biglang pumasok ang isang lalaki. May tulak-tulak itong cart na sa tignin ko ay pagkain.

"I know you will like this foods."

"Yeah right."

Natapos ang hapunan at napag disesyonan namin na umuwi na. Nagpasalamat ako sa mama ni Onyx dahil sa mga masasarap na pagkain na siya pa mismo ang nagluto.

Nasa harap na kami ng de kahoy ko na tarangkahan ng biglang hinawakan ni Onyx ang pala-pulsuhan ko.

"Who are you?"

--

May hangover pa from hell week ng prelims. Sorry kung maikli.. babawi nalang ang Fiffy. And yesss, I'm officially back in the track. Expect updates to come (not everyday tho).

Victoria's SecretWhere stories live. Discover now