Chapter 8

20.8K 715 173
                                    

Chapter 8

MADILIM pa ang labas ng narinig ko ang ugong ng sasakyan sa labas ng apartment ko. Paglabas ko ay nakita ko si ang prinsiping nakatayo sa tapat ng maikli kung bakod.

Napatingin ako sa likuran niya ng makita ko ang isang lakaki na malapit lang sa pintuan ng sasakyan, tila napansin niya ata ito at nilingon ang lalaki at biglang sinenyasan. Tumango lang ang ginoo at mabilis na pumasok sa itim na sasakyan at ito'y pinaharurut.

"Ang aga mo naman, kamahalan." Birong pambati ko sa kanya habang lumalapit sa kanya. Malamig lang titig niya sa akin sing lamig ng simoy ng hangin sa mga oras na ito.

Tila ba'y nakikisang-ayon ang simoy ng hangin sa itsura niya ngayon. "Magandang umaga," bati ko ulit sa kanya. Ginulo niya ang akig buhok at dahan dahan ibinaba ang ulo para halikan ako sa pisnge.

"Hey Tori, morning." Wika niya at ginulo ulit angg buhok ko. Nakasimangot na tiningnan ko siya dahil sa ginawa niya. Aayusin ko na naman ang buhok ko.

"Bagong gupit, kamahalan." Tumango lang siya at naunang pumasok sa munting tahanan ko... na naging tambayan niya na.

Ngayon araw kasi ang pagpunta namin sa School Convention na dadausan ng mga paaralan ng BSC. Ayaw ko mang sumama pero wala na akong magagawa.

"Tori, noodles." Napalingon ako kay Onyx na nas sofa ko na pala at yakap-yakap na ang aking teddy bear. Tiningnan ko lang siya ng maigi at nagtitigan kami.

Siya ang unang umiwas ng tingin natatawang tumalikod ako sa kanya at naghanda ng almusal namin.

Namumuro po kasi ang ating prinsipe. Sa aking bahay siya nag-aalmusal. Nagulat ako ng maramdaman ko ang brasong inakap ang bewang ko.

Lumayo siya saglit at pumunta sa likod. "Jack Onyx, wag kang magulo nakikita mo bang nagluluto ako diba?" Hindi niya ako pinansin at naramadaman ko nalang hinahawakan niya ang buhok at tinatali ito.

"Kailan ka pa nagkaroon ng ipit, Onyx?" Gulat na tanong ko ngunit tumawa lang ito at binangga ng ulo niya ang sentido ko.

"Upo ka nga."

"We need to be in school before 7:00." Tumango ako sa sinabi niya at hinahanda na ang mga kakainin namin sa mesa.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa natapos kami. Hinanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko dahil sabi ng Prinicipal namin ay sa mga dorm daw kami titira dahil may kalayuan daw ang paaralang pagdadausan ng convention ngayon taon.

Narinig ko pa nung nakaraang araw kela Amy daw na dadalo daw ang council ng BSC. Kita ko din na kinakabahan ang itsura niya habang kinukwento sa akin ang pag dalo ng council, since ngayon ko lang namana sila narinig ay hindi ko nalang ito pinag tuonan ng pansin.

Sabi pa niya, masyado dawng strikto at mailap ang mga council. Wala daw silang kinikilala bukod sa mga sarili nila. Anak daw sila ng mga mayayamang pamilya mula sa kanluran at silangan. Mahirap daw silang banggain dahil wala daw itong sinasanto.

Sa mga narinig ko ay mahirap nga silang kalabanin, mainam na ilalayo ko ang sarili sa mga taong iyon.

"Tori, let's go." Pero hindi ko nga magawang idistansiya ang sarili ko sa dugong bughaw na to.

Napabuntong hininga nalang ako at napa-iling.

Sampung minuto ang ginugul namin sa paglalakad papuntang paaralan. Hanggang ngayon ay hingal na hingal ako pa ako dahil sa ang bilis niyang maglakad.

Pinagtitinginan kami ng mga tao ng pumasok kami.

Kamasa ko pala ang prinsipe nila. Yay!

Victoria's SecretWhere stories live. Discover now