Chapter 5

19.7K 846 134
                                    

Chapter 5

Nanlalamig ang mga kamay ko ng nagsimula ng magsipasukan ang mga kaklase ko sa bus na sasakyan namin papuntang Sta. Catalena.

Hindi dahil sa natatakot ako, pero sa kadahilanang babalik na naman ako sa lugar na iyon. At ayaw ko na ulit mangyari iyon.

Apat na seksyon ang pupunta sa Sta. Catalena. Bawat seksyon ay may kanya-kanyang documentaryong gagawin para sa annual na Historical Day ng Mintaña. Sa kasamaang palad ay ang seksyon namin ang mag do-documentary sa misteryosong Maze-Palaze ng Sta. Catalena.

"Why do we have to go in that creepy place ba, sir?" Napalingon kaming lahat kay Amanda ng sinalubong niya ng tanong ang guro namin kahit hindi pa ito nailalagay ang kanyang mga gamit sa mesa.

Bahagyang tumaas ang kilay ni sir bago sinagot ang tanong ni Amanda. "Sta. Catalena is not a creepy place, Miss Crey. Our school's objective in having the annual seniors field trip in Sta. Catalena is to invite parents out there to encourage themselves to send their children in our school."

"Pathetic."

"Also, Sta. Catalena is one of the places that will going to be feature in our Historical Day by the end of this month."

"Tori!" Napatingin ako kay Amy na nakangiti sa akin.

"Oh?"

"Tulala ka na naman, sino ba iyang iniisip mo?" Umiling ako at hindi na siya sinagot.

"Omg, sasakay sa bus natin si Prince Jack!"

Kumunot ang noo ko dahil nagsimulang umingay ang bus na sinasakyan ko. Andito na pala si Jack.

"Wow, first time ko syang makasabay sa pampublikong sasakyan."

"I'm so lucky na nakasabay ko sya."

Bakit ba nila ginagawang big deal iyan. Tao rin naman si Onyx kung mala react sila. "Hay nako, Tori. Syempre kasi may pag ka royalty iyang partner mo atsaka ngayon lang sya sumabay samin kapag may field trip kami kasi hinahatid at sinusundo sya."

Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Amy. Ano pinagsasabi nito?

Tumawa siya bago magsalita. "Kasi naman eh, kitang-kita palang sa pag kunot ng noo mo alam na alam ko na ang pagka disgusto mo sa pagbubulong-bulongan nila."

"Oh siya alis na me. Balik nako sa partner kong nakakaasar, tsaka nakakahiya kay Prince Jack na nakatayo ngayon." Tumango ako sa kanya at tumayo na siya.

Tiningnan ko si Onyx na nakatayo hindi ko nalang siya pinansin at ibinalik ang tingin sa bintana,mmalapit kasi ako sa may bintana. My favorite part. "Good morning." Narinig kong sabi niya pero hindi ko na ito nilingon baka kasi may kausap siyang iba.

Unti-unti ding tumatahimik ang mga kaklase kong nasa bus dahil nagsisimula ng itong umandar. "I said, morning." This time nilingon ko na si Onyx. Mariing naka titig ito sa akin kaya napalunok ako. Ako ba ang kausap nito?

"G-Good morning." Alin-langan tugon ko. Tumaas ang gilid ng labi niya at isinandal ang ulo sa may likuran. Inayos ko ang upo dahil biglang akong naasiwa sa sarili ko.

Isang linggo narin ang nakalipas buhat nung naka-usap ko si Onyx sa Convinience store na pinagtatrabahuan ko after nun pilit kong iniiwasan si Onyx pero sadyang makulit ang tadhana at laging kaming mag ka partner. Isa narin ngayon.

"Good morning guys!" Bati ng punong-guro samin.

"Good morning!"

"Are you excited?"

Victoria's SecretWhere stories live. Discover now