Chapter 12

17K 667 46
                                    

Chapter 12

SABADO ng gabi at nasa labas na ako ng gate ng mapansin ko na naman ang pulang rosas na naka-kabit sa lock ng gate ng apartment ko. Kinuha ko ang tangkay ng rosas at lumabas para tingnan kong may tao pero wala akong naabutan.

Bumuntong hininga ako at nilock ang gate at nagsimulang ng maglakad. Mahigit dalawang linggo na ang nakalipas at patuloy parin akong nakakatanggap ng isang tangkay ng rosas. Buti nalanga at wala itong tinik. Nasa kamay ko lang ang rosas ng makarating ako sa convenient store.

Kumunot ang noo ko ng makitang maraming babae ang nasa pintoan ng convenient store. Kailangan ko pang sumingit para makapasok sa loob at napatawa ako ng mahina ng makita ang isang lalaki na walang emosyon na nasa cashier.

Ang dating walang katao-tao na pinagtatrabahuan ko dati ngayon at punong-puno ng mamimili. Lalong lalo na babae.

Tuluyan na akong pumasok at binati ang nasa cashier. "Good job, kamahalan." Nakangising wika ko sa kanya. Ang kaninang walang emosyon na mukha nito at lumambot ng batiin ko. Sus!

"Tor..."

"Kuya! Pwede po pa picture?"

"Kuya hindi ko alam na may bagong nakatira na pogi pala dito."

"Who are you to---" bago pa siya magalit ay inunahan ko na siyang mag salita at nginitian ang dalawang babae.

"Hindi po siya dito nakatira at joke time lang po ang pagiging cashier niya dito. Humingi kasi ako ng pabor." Inirapan ako ng dalawang babae at ngumiti naman kay Onyx. Napabuntong hininga ako.

"Okay na po kamahalan. Salamat!" Nakangiti kong wika bago inagaw ang barcode scanner sa kamay niya. Akalain niyong napapayag ko ang bughaw na griyegong ito para gawin kong substitute sa convenient store? Hindi ko alam. Masyadong mabait si Onyx pagdating sa akin.

"Yeah, I've got a lot of paperworks to do. You owe me my whole week meal ye?" Wika nito at kumuha ng chocobar sa counter. "Bayaran mo yan!" Ngumisi lang siya at umalis papuntang locker area.

"Ayy di talaga yan dito nagtatrabaho miss?" Nginitian ko lang ang ginang at tumango. "Opo may deal kami eh."

"Mukhang mayaman kayong dalawa miss may nabanggit pa siyang paperworks. Ang puputi niyo oh! Mas maputi ka nga lang." Tumawa ako habang ini-scan ang pinamimili niya.

"Yun po talaga kamahalan ako mukha lang. Pero seryoso mayaman nga ho yun pero sa aking nakikikain ng pagkain." Tumawa ang ginang sa akin.

"156 po."

Tinanggap ko na ang pera ng sumulpot si Onyx sa harapan ko na nakasimangot. "Where did that rose came from?" Malamig nitong sabi.

Kibit-balikat lang ako sa sinabi niya at nginitian ang ginang. "Gate?" Tanong niya ulit at nilapag ang tangkay ng rosas sa counter. "Oh."

"Geez." Nilingon ko siya at napanganga ako sa suot nito. Naka black tux kasi at parang pupunta talaga sa isang business meeting which is parang yun nga ang gagawin niya.

"Aba kamahalan gorang-gora ah." Kaya pala halos mapanganga ang mga nakapila sa counter. Kasi naman may itsura talaga itong si Onyx eh.

"You know.. I could buy you a bouquet." Iniripan ko siya at kinuha ang rosas. Inilagay ko ito sa ilalim ng counter at kumuha nadin ng cellophane.

Victoria's SecretWhere stories live. Discover now