Chapter 10

17.5K 657 120
                                    

Chapter 10

LAST DAY na ng convention at medyo na culture shock ako sa higpit ng labanan ng mga universities na tipong gagawa sila ng mga dirty tricks para lang manalo. Pero hindi naman nagpadaig ang Mintaña at binaliwala nalang. Kumpyansa naman kasi akong kami ang mangunguna dahil na din sa mga kasama ko.

May announcement din kanina na kung sino ang mag Ra-Rank 1 sa evaluation ay may sorpresa daw sila para sa paaralan. Halos lahat ata ng dinaan ko kanina ay palagi iyan ang pinag u-usapan. Kahit naman ako ay medyo curious sa sorpresa nila.

Halos bulong-bulongan din na baka kami - ang Mintaña ang mangunguna ulit pero ang iba naman ay nagsasabi na baka Quiantanoine na ang mangunguna ngayong taon.

Medyo hindi din maganda ang aura pag nasa paligid ang Council lalo na't apat na myembro nito ay taga Quiantanoine.

"Sa tingin mo, ano kaya yung surprise?" Inayos ko ang upo ko at kumuha ng tubig. "Hindi ko alam." Maikling sagot ko. Ngumuso lang si Amy at nagpatuloy sa pag kain.

Tumayo at tiningnan si Amy. "Tara na." Walang lingon siyang tumango sa akin. Humarap na ako sa kabilang direksyon ng mamataan ko sa harapan namin si Aliyah Monteclaro, Council's First Attendant.

Tiningnan niya ako gamit ang nanlilisik niyang mata. "Hindi ako makapaniwala na ikaw ang tumalo sa akin." Nag kibit balikat lang ako sa sinabi niya na mukhang ikinais niya. "At talagang hanggang ngayon hindi ka parin nagsasalita? Pepe ka ba?!" Medyo napalakas niyang wika kaya humakot siya ng ilang tingin.

Umiling ako. Ayaw ko talaga sa mga ganito. "A-ah Ms. Aliyah.. Nagsasalita po siya." Wika ni Amy na nakakapit na ngayon sa laylayan ng shirt ko.

Tumaas ang kilay ng kaharap ko bago lumingon sa katabi ko. "And who are you bitch?" Maangas nitong tanong na nagpapantig sa tenga. Yumuko lang si Amy. Napabuntong hininga ako at hihilahin na sama si Amy, ayaw ko kasi na mapaaway.

"What? Are you scared? You scaredy little pup." Tila nang-uuyam niyang wika ngunit hindi ko pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at binaliwala ang mga titig sa amin.

-

"H'wag mo nang pansinin iyon. Hindi naman iyon mahalaga." Wika ko na ikinatango niya.

"May tyansa na tayo ang mangunguna dahil sa ginawa ni Ms. Aliyah." Napatango ako. Madami ang nakakita sa nangyari kanina hindi malayong makakadating ito kaagad sa Union Council. Isang Misbehavior Act laban sa kapwa estudyante at lalo na nasa rank 2 sila sa evaluation.

"What happened?" Sabay kaming napalingon kay Amy ng marinig namin ang boses ni Onyx. Lumapit ito sa pwesto ko at hinalikan ako sa noo. Napatulala naman si Amy na ikinanuot ng noo ko. Bakit?

Bumaling naman si Onyx kay Amy at binati ang huli. "Hi, Amy." Natawa ako ng bigla itong nagulat at yumuko. "H-hello po Prince."

"Don't call me, Prince. Jack is fine."

"P-po?"

"I hate repeating myself." Malamig nitong untag.

"O-opo!" Siniko ko si Onyx. Napaka talaga nito.

"What are you guys talking about earlier before I went in?" Tanong ni Onyx. "Ah si Ms. Aliyah po. Hindi ko nga alam kung bakit niya biglang ginanun si Tori eh." Wika ni Amy.

"What?"

"Kasi papaalis na sana kami nun nang bigla kaming harangin ng first attendant ng Council at nagsasalita na ng kung anu-ano laban kay Tori. Pikon eh." Inis na wika ni Amy. Tinapik ko nalang siya sa balikat mabuti nalang at kumalma agad.

Victoria's SecretWhere stories live. Discover now