Chapter 18

15.8K 612 85
                                    

Chapter 18

Malamig ang ekspresyon nito habang naglalakad sa malawak na pasilyo. Suot ang isang mamahaling pulang bestida at tinahak nito ang daan papuntang Pièce Principale(Main Room). Ang kwarto kung saan limitado lang ang nakaka-pasok.

Tumapat siya sa isang malaking pintuan at agad iyong bumukas. Dire-diretso siyang naglakad at tinungo ang dalawang babae na naka tayo sa gilid ng bintana.

"Que pensez-vous que vous faites?! (What do you think are you doing?!) Hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari! Masyado na kayong pabaya. Kung hindi ko pa nasundan ay baka ano na ang nangyari. La terre doit se faire dorloter! Merde!" (The earth must be pampered! Shit!)

"Ikaw ang mas malapit. Tu es impossible (You are impossible!) 'Wag mo kaming pagbuntungan ng galit. Vous manque aussi à prendre soin de la terre!" (You also fail to take care of the earth!) Galit na usal ng babaeng katapat nito.

Lumambot ang ekspresyon ng babaeng pumasok at humingi ng pasensiya. "Sorry. I.. I.. était inquiet..." Mahinang bulong nito. (was worried)

Bumuntong hininga ang dalawang babae at humingi din ng paumanhin. "You are not he only one who's worried. Kami din pero hindi naman natin hawak ang araw-araw na nangyayari sa atin lalo na sa kanyan." Tumango ang huli at umupo sa sofang nakaharap sa isang portrait.

Litrato ng current head. "I saw the Flordeline." Suminghap ang dalawang babae at agad na umupo katapat nito.

"The Flordeline is Happy. Don't worry. She's safe."

-

VICTORIA

Diretso akong naka-upo habang nakikinig sa guro namin. Ramdam ko ang mga titig niya ngunit hindi ko iyon pinansin.

Kelan ba mamatapos ang subject na ito ng maka-alis na ko. Tiningnan ko ang pwesto ni Iyäh at Amy. Si Iyäh na natutulog at si Amy na tutok na tukok sa pakikinig. Ako lang ata ang parang hindi kumportable sa upuan ko.

Ang sarap ng tulog ni Iyäh. Gayahin ko kaya.

Halos pumalakpak ang tenga ko ng marinig na tumunog ang school bell. Hudyat para sa isang oras na break bago ang susunod na klase.

Mabilis pa sa alas-kwatrong kinuha ko ang bag ko at lumapit sa pwesto ni Amy. Tumayo din siya agad at tinahak namin ang pwesto ni Iyäh, papalapit na sana kami sa pwesto niya ng hinarang kami ni Amanda.

Lalagpasan ko sana siya ng hinila niya ako at mahigpit na hinawakan. Malaki talaga ang galit ng isang ito sa akin. Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang isang boses na sobrang nakapa lamig. Bibitawan na sana ako ni Amanda ng hinila ako ni Amy at lumabas na ng classroom.

Pumunta kami sa garden at umupo. "Yay, Tor tingnan mo ang braso mo." Nanlumo ako ng namumula ito at may nagiging kulay violet.

"Hindi ko talaga makita ang sahilan kung bakit ka laging sinasaktan ni Amanda. Grabe paki-explain nga tapos mag i-isang linggo mo nading hindi pinapansin si Jack." Uminom si Amy at padabog na umupo. Hinawakan niya ang braso ako inenspeksyon.

"Yes, Ms. Victoria. You and his highness are having a silent treatment for a week. Mind telling us?" Umupo sa tabi ko si Iyäh.

"H-huh? Wala naman ah. E-eh a-anoo.. Basta. Hayaan niyo na lang." Dahil wala naman akong maisagot at tumahimik nalang ako.

Inanutan ako ni Amy ng tubig at uminom ako. Hindi ko din alam ang nangyayari pero malaki ang tampo ko sa griyegong prinsipeng iyon. Kahit prinsipe siya hindi ko papalagpasin ang bigla lang niyang pagkawala na parang bula. Kaibigan niya ako diba? Kahit sabihin man lang niya. Eh kaso wala. Para tuloy akong tanga.

Victoria's SecretWhere stories live. Discover now