"Kuya, si Danica ang matagal mo nang secret admirer. Hindi mo ba siya nahahalata?"


"Anong mahahalata ko sa mayabang at masungit mong kaibigan bukod sa lagi niya akong iniirapan sa klase ko sa inyo. Wala isyang ginawa kundi makipag-argumento. Maganda nga, mahirap naman siyang timplahin. Para siyang weather, madaling magbago sa buong maghapon."


"Paano kung mahal ka niya?"


"And so, anong gagawin ko?"


"Itanan mo na lang isya kuya..."


"Get real, Hello, sister... Huwag ganoon. Masama 'yang iniisip mo."


"Please, Kuya..."


"Teka, bakit ba? Anong problema mo?"


Pero hindi umimik si Jazzy. Tinalikuran niya ako at saka umakyat sa kanyang kuwarto.



Pagpasok ko ng kuwarto, naisip kong tawagan si Danica. Hmmm, hindi ko alam. Feel ko lang siyang tawagan at gusto kong marinig ang boses niya bago ako matulog. Humiga ako sa sopa na nasa loob ng aking kuwarto habang nakasilip sa aming bintana. Nakatanaw ako sa malawak naming bakuran.


"Okay na ba ang pakiramdama mo?"


"Dumiretso ka ba ng uwi?"


"Nanggaling din ako doon eh. Sayang hindi tayo nagkita. "


"How about we watch movie this coming Saturday?"



Abala ako sa Prelims ng mga estudyante pero syiempre may lovelife kaya happy ang buhay. First time... Maagang natapos ang exams at kinantyawan ako ng mga estudyante ko. Dedma si Danica.


"Sir, may love life po ba kayo? " Tanong ni Melvin... "yong estidyanteng madalas awayin ni Jazzy.


"Ehem, next question please..." Nagtawanan ang lahat .


"Artista lang ang peg. Di ngaaa Sir. Sa pogi ninyong 'yan, dapat madaming humahabol sa inyo. Habulin ang mga Lorenzo di ba?" Sabay tingin kay Jazzy. " Maliban sa kanya..." Sabay tawa ng malakas.


"Umayos ka, Melvin... siguro crush mo ako ano!" Sabi ni Jazzy.


"Eh ano kung totoo? May angal ka..."


"In your face..."



Hindi ko siya sinasabayang kumain sa kantin kapag kami lang dalawa pero kapag kasama niya si jazzy, mas malakas ang loob ko.



"Jaz, sino nga 'yong secret admirer ko noong high school kayo?" Out of the blue gusto ko lang mang-inis. Napatingin si Danica kay Jazzy. Sabay turo sa dalaga.

POLICE STORYWhere stories live. Discover now