BACK TO WHERE I WAS

146 5 0
                                    

LEE'S POV



Hindi ko inaksaya ang pagkakataong ibinigay sa aking ng kongregasyong aking sinamahan. Mga Salesyanong pari ang aking napiling salihan. Bumalik akong muli. Tinanggap nila ako sa ikalawang pagkakataon. Umaasa ako na magiging maayos na ang lahat.



Mas nararamdaman ko ang malapit na pakikipag-ugnayan ko sa Diyos habang nasa loob ako ng seminaryo. Mas payapa ako ngayon.



Magsisimula ang aming araw sa pagdarasal ng isang buong oras sa loob ng kapilya. Kulang ang isang –oras na iyon upang ipagdasal ang lahat ng mga gusto kong sabihin sa Diyos. Kumakain kami sa tamang oras. Mananalangin kami sa katanghaliang tapat, magdarasal ng bandang alas tres ng hapon, bandang ala sais ng hapon at muli naming gagawin iyon kinabukasan. Araw-araw, walang puknat ang aming mga dasal.



Ngunit sinusubukan talaga ako ng pagkakataon... Muling dumating ang isa pang matinding pagsubok sa aming mga magkakapatid ng mabalitaan kong nabuntis naman ni Sullivan si Justine kaya muli akong nagpaalam . At sa muli kong paglabas, tuluyang nagbago ang buhay ko. Mas matindi ang pagsubok ang dumating sa buhay ko...Hindi ko inisip na parusa ito. Basta't ang alam ko, may purpose ang lahat ng ito. Kung anuman ang mga ito, sa bandang huli ko na lang malalaman. Hindi ko naman maiintindihan ang kalooban ng Diyos sa lahat ng pagkakataon. Tao pa rin ako at may kahinaan.



Hindi sa lahat ng pagkakataon ay malakas para harapin ang hamon ng buhay.

POLICE STORYOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz