MY FAVE BRO

159 10 0
                                    

JAZZY'S POV



Hindi nagpaalam sa akin si Kuya . Nagulat ako ng marinig ang usapan nina Kuya Jude at Ate Justine. Pumasok daw ng seminaryo si Kuya Lee. Buti at hindi kami nagpang-abot kung hindi baka hindi rin siya nakaaalis ngayon. Kahit puntahan ko siya sa kuwarto niya para lang makasigurado. Malinis ang kanyang kama na parang hindi ginamit buong magdamag. Hmmm, napasimangot ako. That is very unusual. Hindi kailanman iyon nangyayari.



Hindi ako naniwala kaya pumasok ako ng kuwarto niya.


"Kuya..." Pinuntahan ko siya sa banyo... Hahaha, minsan kasi sinisilip ko siya doon. Pero hindi naka-lock ang pinto.


"Kuya...Kuya..." Napasimangot ako. Wala akong nagawa kundi lumabas ng kanyang kuwarto. Nakita ako ni Mommy at bigla siyang umiyak.


"Mommy... bakit po kayo umiiyak? Nasaan si Kuya?" Lalo siyang humagulgol ng iyak. Bumalik siya sa kuwarto. Sinundan ko siya. Nandoon din si Daddy at nagbabasa ng morning paper kahit gabi na.


"O, Lemuela...Anong nangyari? Jazzy, anong nangyari? Bakit umiiyak ang mommy mo?" Kumibit balikat ako .


"Itinanong ko lang naman po kung nasaan si Kuya Lee...Tapos bigla na lang po siyang umiyak."


"Lemuela..."


"Dad, nasaan po si Kuya? May operation po ba sila ngayon?"


"Wala..." Bumalik sa pagbabasa ng balita si Daddy. "Bakit?"


"Kasi parang hindi ko po siya nakita ngayon..."


"Hindi ba nagpaalam ang kuya mo?"


"Bakit? Saan po siya pupunta?"


"Ang kuya mo, pumasok ng seminaryo. Ayaw na daw niyang magpulis..."


"WHAT?" Tumulong bigla ang luha ko at niyakap ako ni Daddy. "Hindi na po siya uuwi?"


"Mmm, hindi... He has to stay there... "


"Bakit hindi po siya nagpaalam sa akin?" Iyak ako ng iyak. Nagmaktol ako na parang bata. Galit na galit ako kay Kuya. Hindi siya nagpaalam sa akin. Hindi ako nagdalawang iisip na puntahan siya sa seminaryo. Pupuntahan ko talaga siya.


"Jazzy..."


"Angdaya niya...Ni hindi siya nagpaalam sa akin."


"Intindihin mo naman ang kuya mo."


"Hindi po ba ako puwedeng pumunta sa kanya? Hindi ko po ba siya puwedeng dalawin?"


"Jazzy, huwag mong puntahan ang kuya mo doon ha!"


"Daddy..."



Padabog akong lumabas ng kuwarto. Halos ibalibag ko ang pinto sa sobrang sama ng loob ko. Hindi ako naghapunan bilang protesta. Nagkulong lang ako sa kuwarto.



"Humanda ka sa akin. Aaaaaahhhhhh!"



Hindi na nakapagpigil sina Mommy at Daddy. Binuksan nila ang pinto gamit ang master key. Nataranta sila sa sigaw ko. Nagulat sila sa sobrang kalat ng kuwarto ko. Kasi nga nagwala talaga ako. Ipinagbabato ko ang mga libro sa loob ng kuwarto.



"Jazzy, anong kalokohan ito?"


"Mommy, Daddy..."


"Hey, hindi ka na bata ha! Tigilan mo ang pagmamaktol mo. Magligpit ka dito."


"Mommy, Daddy, puntahan naman natin si Kuya."



Nagkatinginan sina Mommy at Daddy. Nagmakaawa ako. Gusto ko talagang makita si Kuya. Pero hindi nila ako pinagbigyan. Lihim kong tinawagan si Dan.



"Dan.. please naman o..."


"Fetch me tomorrow. Help me find a certain seminary."


"Please naman..." Humikbi ako sa kabilang linya. Halos talikuran na ako ng mundo. Wala na akong ibang kakampi kundi si Dan. Sa wakas ay nadala ko siya sa iyak ko hehehe.



Kinabukasan, nagpasundo ako kay Dan sa bahay ng napakaaga. Kay Lola Thelma na lang ako nagpaalam. Namumugto pa ang mata ko sa pag-iyak.



"Uy, Jazzy... hindi ka ba muna mag-aalmusal? " Inaasikaso niya ang hapag ng umagang iyon.


"Lola nandiyan na po si Dan. Nakakahiya naman po kung paghihintayin ko siya. Pakisabi na lang po kina mommy at daddy... maaga ako ngayon sa academy."


"O siya, mag-iingat ka ha!" Humalik pa ako kay Lola at nagmadaling sumakay sa kotse.



Niyaya ko si Dan na samahan ako sa seminaryo kong saan ko puwedeng makita si Kuya. Hindi umiimik ang kaibigan ko. Sumunod lang siya sa akin. Ibinigay ko ang address ng seminaryo at kaagad naman namin itong natunton.



Sa tatlo kong kuya, si Kuya Lee ang mas close ko. Siya ang nag-alaga sa akin noong baby pa ako hanggang sa lumaki ako. Home buddy kasi si Kuya kaya talagang bilang ang paglabas niya sa mansion. Minsan nga, uunahin pa ako kaysa sa barkada niya. Mas madalas siyang puntahan ng barkada dito at hindi siya nahihiyang datnan na nakikipaglaro sa akin.



Siya na rin ang nagturo sa aking lumangoy kaya swimming partner kami. Talagang hindi ko siya maintindihan kumbakit kailangan niyang umalis ng hindi nagpapaalam. At higit sa lahat, anong pumasok sa kukote niya para magpari?

POLICE STORYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang