BACK TO NORMAL

144 7 0
                                    

LEE'S POV



Matapos ang kasal ni Justine habang nasa dalawang buwan na rin ang kanyang pagdadalantao, hindi muna sila bumukod ng tirahan. Pinilit ni Mommy na doon muna sila ni Sullivan sa mansion para mas mabantayan ni Mommy ang kalagayan ng pagbubuntis ni Justine.



Sabay-sabay kaming kumain ng umagang iyon. Masayang masaya ang kapatid kong buntis.



"Kuya, uuwi ka ba ng maaga mamaya? " Tanong ni Jazzy habang nakayakap na naman sa akin. Balik ako sa pag-aasikaso ng mga imbestigasyong naiwan ko simula ng magbakasyon ako. Honorably discharged na sana ako kaya lang, minabuti kong bumalik na lang kaysa naman wala akong gawin sa mansion.


"Baka may operasyon kami mamaya?"Kumalas siya ng pagkakayakap sa akin. Halatang nadismaya siya sa sagot ko." Alam mo namang unpredictable ang trabaho ko di ba?" Nakasimangot na si jazzy at hindi na ako inimikan. Nagmadali siyang kumain. Pagkatapos ng ilang subo, humigop ng kape saka umalis ng walang paalam sa akin.


"Ano na namang ginawa ko? Hay naku, ang mga babae... Napakasumpungin..." Napaismid si Mommy sa sinabi ko.


"Wala ka bang balak umuwi ng maaga mamaya?" Muling tanong ni Mommy.


"Bakit po?"


"Lee, September 8 ngayon. Wala ka bang naaalala..."


"Birthday ni Mama Mary? " Sagot ko.


"Kay Mama Mary lang..." Napakagat-labi ako. Alam ko na kumbakit nagmamaktol si Jazzy. Nakalimutan ko nga palang birthday din niya.



Hahabulin ko sana siya sa gate ngunit sinundo na siya ni Dan. Hindi pa ako kaagad nakalabas ng bakuran, natraffic na ako sa papasok na catering van. Mukhang may malaking salu-salo mamaya. Inaayos ang buong bakuran na naglalagos sa likod-bahay. Pool-party siguro ang theme.

POLICE STORYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora