Chapter 29

3K 67 10
                                    

"Gising na siya! Gising na si Allen!" Malakas na sambit ni Chrissmon. Agad agad akong lumapit sa may kama niya at pinakatitigan siya.

"Allen." Sambit ko sa kanyang pangalan. Papikit pakit pa siya siguro ay dahil isinasanay niya pa ang kanyang mga mata sa liwanag. 2days din ata siyang tulog pagkatapos ng kanyang operasyon.

Ng tuluyana na niyang maibuka ang kanyang mata ay inilibot niya ang kanyang mga pananingin saamin. Kami lang nila Chrissmon at Nic ang andito kasama ng anak nila. Si Micko kasi ay nasa kanyang school. Sila mommy naman ay paniguradong naghahanda ng makakain namin dito sa ospital.

"Allen." Muli kong pagtawag sakanya.

Nakatingin lang siya saamin at hindi nagsasalita.

"Pare! Kilala mo ba ako? Ako si Chrissmon. Nagkaamensia ka ba? Tang ina!" Kinakabahang sabi ni Chrissmon kay Allen.

Bigla tuloy akong kinabahan. Nagkaamensia ba siya ng dahil sa operasyon?

"Allen. Anong nararamdaman mo? Chrissmon tawagin mo si Doc. Aaron." Sabi ko kay Chrissmon habang nakatingin padin kay Allen.

"Allen. Magsalita ka. Anong nararamdaman mo? Totoo ba? Na hindi mo kami maalala? Hindi mo ako maalala? Nagkaamnesia ka ba?" Magkakasunod kong tanong.

Bigla siyang ngumiti saakin. "Don't worry. Kahit na makalimutan ko kung sino ka mahal parin kita." Sabi niya dahilan ng pagkiliti ng aking tiyan.

Mahina akong yumakap sakanya. It feels so good.

"Osiya. Magmoment muna nga kayo." Sabat ni Nic at bumalik sa crib kung nasaan natutulog si Alvinna.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Doc. Aaron. Ang boyfriend ni Queen.

"How are you Allen?" Tanong niya at chineck ang kung anu-ano sakanya.

"I'm fine. You survive." Sabi ni Allen na siyang nagpakunot ng noo ko.

"You also survive." Ganting sabi ng doctor.

Lahat ng malalapit saamin ay andito ngayon. Kahit sila ay hindi maipinta ang kasiyahan sa kanilang mukha.

"Finally, you're a cancer free mr. Escolas." Muling sabi ng nag opera sakanya.

Ang sarap pakinggan. Ang sarap sarap sa pakiramdam na sa wakas ay magaling na siyang tuluyan.

Naghanda kami ng munting salu-salo dito sa ospital. Lahat halos ng mga pasyente at mga nurse at doctor ay inimbitahan namin. Sa wakas at makakauwi na kami.

Ilang araw pa ang nagdaan ay pinyagan na kaming makauwi. Unti unti nading bumabalik ang sigla ni Allen. Unti unti ng bumabalik sa dati ang kanyang pangangatawan at nakakapag lakad na siya ng maayos.

"Alli, okay na ako. Malakas na ako. Wag ka ng mag alala. Wag mo na akong alalayain. Ngayon ay ako na ang mag aalalay sainyo ni Micko." Sabi niya ng tumayo at inilalayan ko siya. Natatakot padin kasi ako hanggang ngayon.

"Ilang linggo ka palang nakakalabas ng ospital. Baka mapano ka Allen." Pag aalalang sabi ko sakanya.

"Reyna ko, kahit pa mag push up ako ng nakasakay ka sa likuran ko ay kayang kaya ko. Oh mas maganda kung habang nag pupush up ako ay nasa ilalim kita. Mas gusto ko yun. Ano sa palagay mo?" Sabi niya pagkatapos ay kumindat siya sabay ngiti ng nakakaloko.

Heto nanaman po tayo.

"Allen! Baka mabinat ka! Ano bang pinagsasabi mo! Bahala ka! Baka bumalik ka ng ospital kung ganyan ka ng ganyan." Inirapan ko siya. Kunwari ay ayaw ko ng sinasabi niya ngunit ang totoo ay parang gusto ko din ata yun. Yung mag push up siya...Hay! Ano ba itong naiisip ko.

My Ex Twin Is Now My Ex WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon