Prologue

6K 143 14
                                    

"Allen, ano ba talagang problema? Please kausapin mo naman ako oh." Mabilis niyang inilalagay ang kanyang mga damit sa maleta. Ako naman ay inaalis ang mga damit na inilalagay niya.

Iyak lang ako ng iyak sa pag asang maaawa siya saakin at hindi na umalis pa.

Hindi ko siya maintindihan. Tatlong buwang siyang malamig saakin. Tatlong buwan niya na akong binabalewala at halos ayaw na niya akong makatabi sa pagtulog kaya sa kwarto siya ni Micko natutulog. Hindi ko alam kung anonv nangyayari sa asawa ko.

"Allen? A-ano ba talagang problema? Why? P-please talk to me." Halos manghina ang boses ko habang nag sasalita. Sa tingin ko naman ay hindi ako nagkulang pero bakit ganito? Sa loob ng tatlong taon alam ko sa sarili kong naging mabuti akong may bahay pero bakit niya ginagawa saakin to ngayon?

"I fell out of love Alli. I don't love you anymore I'm sorry." Nagsisi akong sinagot niya ang tanong ko.

Nag uunahan ulit lumabas ang mga panibagong luhang nasa likod lang ng mga mata ko. Sobrang sakit!

"No Allen.. Anong gusto mong mangyari? Anong ayaw mo? Anong gusto mong baguhin? Please naman sabihin mo. May pagkukulang ba ako? May mali ba saakin? Please don't do this to me." Sinubukan ko siyang yakapin ngunit itinulak niya lang ako.

"Wala. You're perfect. I...I just don't love you anymore." Mahina niyang sabi ngunit sapat na para marinig ng aking tainga at sapat na para mabasag ang puso ko.

What happened to my King?

Mas masakit pala yung di kana niya mahal kahit na wala ka namang ginagawang mali o pagkukulang kesa sa di kana niya mahal kasi nagkulang o nagkamali ka.

Inilagay ko ang aking dalawang palad saaking mukha para matakpan ang aking pag iyak ngunit wala namang silbi dahil dinig na dinig naman ang aking pag hikbi.

"Alli... I want an annulment as soon as possible." Malamig niyang sabi at muling gumuho ang mundo ko.

My Ex Twin Is Now My Ex WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon