Allen's diary

2.3K 74 7
                                    

Diary,

I know this is too gay pero wala na akong masabihan pang iba. Kaya heto ako at nagsusulat. Kanina lang nakipag hiwalay ako kay Alliya. Hindi ko kinayang makita ang kanyang pag iyak ngunit wala naman akong ibang pwedeng gawin kundi ito. Oo, nasaktan ko siya pero alam kong mas masasaktan siya pag nalaman niyang mawawala na ako. Mamatay na ako. Gusto kong manatili pa sa tabi ng mag ina ko pero hindi. Hindi na pwede. Kaya ito nalang ang napili kong gawin ang saktan siya. Alam kong mag hihilom din ang sugat na nagawa ko. Nasasaktan man siya ngayon ngunit dadating ang araw na unti unti na itong mawawala. Makakahanap siya ng bago niyang mamahalin at makakalimutan na niya ako. Diba okay yun? Okay nga ba? Mas mabuti ng ako ang masaktan ang hanggang sa huling hininga ko kesa sa babaeng mahal ko. Mahal na mahal ko siya kaya ko siya pinakawalan. Kahiy na masaktan pa ako ay ayos lang saakin basta maging maayos sila. Sana lang ay sumangayon lahat ng gusto ko.

Allen

My Ex Twin Is Now My Ex WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon