Chapter 14

2.4K 106 14
                                    

"Kanina kapa wala sa sarili. Ayos ka lang ba? Nagkakasayahan sila doon oh." Tanong saakin ni Andrei. Kanina pa kasi ako wala sa aking sarili. Iniisip ko nanaman ang gagong yun!

Hindi ako nasasaktan para sa sarili ko eh. Nasasaktan ako para sa anak ko. Walang kwenta talaga ang Allen na yun. Tanggap ko na eh na hindi na niya ako mahal pero pati ba naman anak ko? Anak niya din si Micko bakit parang yung dinadala lang ni Queen ang inaasikaso niya? Bakit parang wala nalang sakanya si Micko?

Wala akong ibang maramdaman kundi pagkamuhi sa lalaking yun. Kung ayaw niya sa anak ko ay sisiguraduhin kong aayawan din siya ng anak ko. Magmula ngayon ay wala na siyang anak saakin. Saakin nalang si Micko magmula ngayon.

"Huy Maratha. Okay ka lang ba?" Nagising ako sa wisyo ng pag iisip ko ng marandaman kong niyugyog na niya ako saaking balikat.

"Huh? A-ano?" Tanong ko.

"Masamang ispiritu umalis ka sa katawan ni Maratha." Sabi niya habang gumuguhit sa ere ng krus.

"Andrei naman eh. Masama lang ang pakiramdam ko." Saway ko sakanya.

Bigla ay nag bago ang kanyang reaksyon at lumapit saakin.

"Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?" Tanong niya saakin.

"Oo sana. Balik ka nalang dito." Pinilit kong ngumiti sakanya.

Nagpaalam kami sa mga kaibigan ko. Ayaw pa nga dapat nila akong umalis ngunit wala ako sa mood. Babawi nalang siguro ako sa bestfriend ko sa susunod.

Habang nasa byahe kami papunta sa bahay ay patingin tingin saakin si Andrei na tila nag aalala.

"Hindi ka okay. Ano bang bumabagabag sa iyo?" Tanong niya.

"Si Allen." Napangiwi ako ng masabi ko ang kanyang pangalan. "Nakita ko sila ni Queen. All this time? Andito lang pala silang dalawa." Mapait na sabi ko.

"Bakit? Apektado kapa ba?" Seryoso niyang sabi.

"No Andrei. Inaalala ko lang si Micko. Yun lang yun." Sagot ko naman sakanya.

"We? Totoo?" Tanong niya pang muli.

"Oo naman. Nagseselos ka ata eh." Pagloko ko sakanya.

"Kung sinabi kong oo may magagawa kaba?" Baling niya saakin.

Huminga ako malalim bago sumagot. "Andrei. I'm with you. We're dating. Hindi ako makikipagdate sayo kung may nararamdaman pa ako sakanya. Diba sabi mo nga mahirap magmahal ng taong broken hearted? Heto na ako oh. Buo na ang puso ko. Soon ikaw ng mag aalaga nito."

"Sagutin mo na kasi ako. Sagutin mo na ako para alam ko kung saan ako lulugar sa buhay mo. Ako na pala ang mag aalaga eh. Bakit hindi pa ngayon?" Tanong niya.

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Para siyang bata.

"Ang akala ko ba ay ginagawa mong special ang lahat? Noong sinabi mong 'I like you' Nasa Boracay tayo may pa fireworks kapang nalalaman. Noong sinabi mong 'I love you' Nag handa ka ng isang romantic dinner. Gusto mo bang sagutin kita dito? Sa kotse mo? Habang nasa traffic tayo?"

"Kung gusto mo bukas na bukas pumunta na tayo sa kung saan mo gustong sagutin ako. Okay lang saakin. Tyaka narealize ko din naman na wala yan sa lugar eh. Kasi magmula noong nakita kita every moment is special."

"Andrei I like you. At papunta na ako sa I love you. Gusto ko yung perfect timing. Malapit na. Don't worry okay?" Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Hinuli niya ang kamay kong nasa pisngi niya at hinalikan ang likod ng palad ko.

I just hope na sana pag handang handa na ako ay hindi na ako masaktan. Sana ay hindi niya ako saktan. Sana ay ingatan niya ang puso ko dahil hindi ko na ata kakayanin ang isa heart break.

"Hihintayin ko yung time na yun ha? Sabi ko nga I can wait forever basta mainlove ka lang saakin. Sana nga ay mabaliw kana saakin eh para hindi na ako mahirapan."

Ito ang isa sa mga nagustuhan ko kay Andrei. Kaya niyang mag hintay para saakin. Lihim nalang napangiti sakanya.

Ng nasa harap na kami ng bahay ni mommy Agatha nagpaalam na ako sakanya. Gusto pa nga niyang hintayin kami ni Micko para ihatid ngunit dito kami matutulog ngayong gabi.

"Take care. Okay?" Sabi ko sakanya ng nakababa na ako sa kanyang kotse.

"Oo naman mag iingat ako mamahalin mo pa ako eh." Sabi niya sabay kindat saakin. Muli akong natawa sakanya.

"Landi mo talaga lover boy." Sabi ko sakanya. "Sige na pasok na ako. Ingat ka."

"I love you Maratha." Seryoso siyan nakatingin sa aking mga mata.

Ngumiti ako sakanya. "Soon, I will be able to say I love you too."

Nakangiti akong pumasok sa bahay. Malaki ang ngiti kong pumasok sa bahay pero biglang nawala ng makita ko sa Allen na nakaupo sa sala..

Nagulat din ata siya ng makita ako kaya siya biglang napatayo ngunit napahawak siya sa kanyang sentido at halatang sakit na sakit siya sa nararamdaman niya.

"A-Alliya." Hirap niyang banggitin ang pangalan ko.

Gusto ko mang mag alala sakanya ngunit nangingibabaw ang galit saaking puso.

"Where's my son?" Madiin kong tanong.

"H-he's s-sleeping." Sagot niya saakin habang nakahawak padin sakanyang ulo.

"Are you okay?" Tanong ko ng makitang grabe na siyang nahihirapan.

"I'm o-okay." Sabi niya. Unti unti namang naging malambot ang kanyang ekspresyon. Umupo siya at huminga ng malalim.

"Okay." Sagot ko nalang ng makitang parang maayos na siya..

Umakyat ako sa hagdan para magtungo sa aking kwarto kung nasaan ang anak ko.

Payapa siyang natutulog sa dati kong kama. Sorry anak pero magmula ngayon ay ako na ang maglalayo sayo sa walang kwenta mong ama....

inilibot ko ang aking panginin sa kwartong ito. Ang daming alala dito na gusto ko ng kalimutan.

Maya maya lang ay nahagip ko ang aking paningin sa isang lalagyan na may mga tableta. Kumunot ang aking noo ng hawakan ito? Kanino kaya ito?

Maya maya pa ay nagulat ako ng bigla nalang hablutin ng kung sinp ang hawak kong lalagyan ng mga tabletang yun.

Namumutla si Allen at agad na ibinulsa ang mga tableta.

"Sayo yun?" Malamig na tanong ko.

"Y-yes. My vitamins." Utal niyang sagot.

"Okay." Tanging sagot ko nalang sakanya at lumapit ulit sa natutulog na si Micko.

"I'm leaving." Pag papaalam niya.

"Go, leave. Kahit di kana mag paalam ay okay lang. Wala na akong pakialam." Sabi ko ng di siya tinitignan.

Narinig ko siyang suminghap bago ko narinig ang pag sara ng pinto.

This time ay wala na talaga akong pakialam.Wala na akong pakialam. Hindi na ako mangingialam.. Gago kang Allen ka! Mamatay kana sana! Damn!

--.
Sorry for the lame update. :(

My Ex Twin Is Now My Ex WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon