Chapter 12

2.5K 108 28
                                    

Ngayon na ang balik namin sa Manila at inaayos ko na ang mga gamit ko. Siguro ay nasa ibaba na ang iba.

Nauna nadin sila Mommy at daddy kasama si Micko dahil may aasikasuhin padaw sila. Business matters again.

Pagkatapos kong mag ayos ng mga gamit ay inilibot kong muli ang aking paningin sa buong kwarto para tignan kung may makakalimutan ako ngunit ng mapagtanto kong wala na ay bumaba na ako papunta sa lobby.

Ng makarating ako'y andoon na sila at hinihintay ako.

"Palagi kang late! Gumagawa kapa ata ng kababalaghan sa suit mo bago ka bumaba eh!" Singhal ni Nic.

"Yang bunganga mo talaga Nic pasmado. Halina kayo." Pag aya ko nalang sakanila. Inilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko makita si Andrei.

"Asan si Andrei?" Tanong ko.

"Uyyy! Pag ibig na ituuu. Si Andrei talaga ang unang hinanap hindi si Allen. Achievement yan bes. Congrats" Pag loko niya saakin.

"Nic naman eh." Sabi ko at inirapan siyang muli.

"Si Andrei nauna na daw sa Manila. May importante daw siyang gagawin. Nag mamadali siya kanina. May pinapasabi nga siya sayo eh." Ngingiti ngiting sabi naman ni Chrissmon.

"Ano yun?"

"Na mag ingat kadaw kasi mamahalin kapa daw niya...Tang ina Alli. Korni niya bastedin mo yun ah." Humagalpak pa sa tawa si Gago. Tsk! Puro kalokohan ang mag asawang to.

Maya maya pa ay dumating nadin si Allen at si Queen. Nakaakbay si Allen kay Queen habang ngingiti ngiti silang nag uusap. Perfect couple.

"Oh anjan na pala sila Allen. Let's go." Pag aya ni Von.

Tumango naman si Allen at nag simula na nga kaming mag lakad papunta sa mga nakapark naming mga sasakyan.

Ng sasakyan na dapat kami ay bigla kaming nagulantang ng sumigaw si Queen

"Ahhhh..Allen!"

Dali dali kaming lumapit sakanila at nagulat ako ng makita si Allen na nakahandusay sa buhanginan at walang malay.

"Dalhin natin siya sa ospital!" Tarantang sabi ko.

"No." Matigas na sagot ni Queen.

"Ha! Ano ka ba! Nakikita mo ba kung anong kalagayan niya!" Sigaw ko sakanya pabalik.

"Please tulungan niyo nalang akong ipasok siya sa kotse. Ako ng bahala." Sabi pa niya.

"Anong gagawin mo! Hindi mo siya dadalhin sa ospital!?"

"Stop acting like his wife you're not anymore Alliya. I'm his girlfriend. Ako ng bahala. Please."

Ng dahil sa sinabi niya ay napatigil ako. Oo nga pala hindi na pala niya ako asawa.

Pinagtulungan nilang buhatin si Allen tyaka ipinasok sa kotseng gamit nila.

"Babalitaan ko nalang kayo." Sabi niya at nagmadaling sumakay pagkatapos ay pinaharurot na ang sasakyan.

Ang iba naman ay natahimik nalang. Tahimik nalang kaming sumakay sa mga Van at tahimik din sa byahe.

Ano kaya ang nangyari kay Allen? Bakit ganon? Pagod ba kaya siya? Inaantok ba siya kaya nakatulog? Hindi ko alam. Kasi hindi na pala ako asawa.

Maya maya lang ay biglang nagvibrate ang cellphone ko. Tinignan ko ito at may mensahe galing sa isang unknown number.

Unknown:

Hi Maratha. I'm sorry kung nauna na ko. Meron kasing emergency sa bahay namin. I'm sorry. You take care okay? :)

Napangiti naman ako sa text niya.

My Ex Twin Is Now My Ex WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon