Chapter 1

3.6K 119 13
                                    

It's been 2months since Allen stepped out in this house. Sobrang sakit pero wala akong ibang alam gawin kundi ang itago ito lalo na pag nakaharap ang anak ko.

2months na akong nag iisip kung bakit? Kung anong nangyari saamin? I never cheat. Lahat ng gusto niya ay ginagawa ko. I am a good wife but what happened?

He fell out of love? Anong rason wala lang? Ganon nalang yun? Gusto kong malaman. Gusto kong malaman kung bakit hindi na niya ako mahal.

"Mimi, where's my dada?" Tanong ni Micko habang pinapatulog ko siya.

Sa tinatanong niya ako kung nasaan ang daddy niya ay nahihirapan ako. Anong sasabihin ko? Na umalis ang daddy niya dahil hindi na niya ako mahal?

Minamadali niya talaga ang pakikipaghiwalay sakin and it hurts me like hell. Nakapirma na siya sa annulment papers at pirma ko nalang ang kailangan para maiprocess na ito. Hindi ko kaya. Ni hindi ko kayang buksan ang kulay brown na envelope na ibinagay niya.

"Vacation lang si dada. Babalik din siya pag nagsleep kana." Pilit akong ngumiti sa anak ko kahit na alam kong may tutulong luha sa mga mata ko.

"I'm going to sleep na mimi para good boy ako sabihin ni dada. Good night mimi. Aylabyuuu." Hinalikan ako ng anak ko at ipinik na niya ang kanyang mga mata.

Sorry anak pero baka hindi na bumalik ang daddy mo.

Suminghap ako ng malakas bago ako lumabas sa kanyang kwarto at nagtungo sa bar para uminom.

Binuksan ko ang wine at nagsimula akong maglagay saaking kopita at inisang lagok ko ito.

Nakailang baso na ako ngunit hindi ko padin malimutan ang sakit. Ang sakit sakit. Sobra!

Ilang saglit pa ay narinig ko ang sasakyan ni Allen sa may garahe. Halos takbuhin ko ang distansya papunta sa main door para pagbuksan siya gaya ng palagi kong ginagawa noon.

Bumalik siya. Binalikan niya kami.

Pagbukas ng pinto ay sumalubong saakin ang gegewang gewang na si Allen.

"Allen. Lasing ka." Sabi ko sakanya. Buti nalang at hindi pa ako masyadong natamaan ng wine.

"Pirmahan mo na yung mga papel Alli. Nag mamakaawa ako. Pirmahan mo na." Sabi niya saakin.

Ang akala ko ay bumalik siya para sabihing mahal niya parin ako. Bumalik pala siya para lang sa pirma ko at ang sakit sakit non.

Yung tipong nag mamakaawa na siya para lang makawala na saakin?

"Allen mag pahinga ka na muna sa kwarto." Sabi ko sakanya. Hinawakan ko siya para alalayan ngunit hinawa niya lang ang mga kamay ko.

"Just sign the fucking annulment papers Alliya! Para matapos na! Para pwede na kami! Para mapakasalan ko na siya!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig niyang sabihin ay may iba na siya? Did he cheat on me? Halo halong emosyon ang naramdaman ko.

Sinampal ko siya ng dahil sa galit na naramdaman ko.

"Did you. Cheat. On. Me. Allen?!" Tanong ko.

Hindi siya nakasagot sa tanong ko kaya mag asawang sampal ulit ang pinakawalan ko.

"Allen! Answer me! Did you cheat on me!"

"Yes! 6months na!" Sigaw niya.

Parang paulit ulit na sinibak ang puso ko sa sinabi niya. Halos manlabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nakaharang dito.

Ng dahil sa panlalambot ko ay napaupo ako.

"Why Allen...Why?" Halos pabulong kong sabi.

"I...I don't know." Sagot niya.

"You love her?" Tanong ko.

"Yes. I love her." Halos hindi ako nakahinga sa sagot niya.

Bakit niya ako sinasaktan ng ganito? He promised me. Sinabi niya saaking ako lang pero bakit? Bakit? I guess promises were just made to assure you but not to fulfill it.

"I...I will sign those papers but please..Just. Leave." I said and he did.

Iniwan niya akong nakaupo sa sahig at umiiyak. What happened to may Allen? I want my old Allen back.



Pagkagising ko ay sobrang sakit ng ulo ko. Naubos ko ata ang isang bote ng alak. Dagdagan mo pa ng pananakit ng mga mata ko. Namamaga ito at siguradong magtatanong nanaman si Micko.

Pinilit kong bumangon para ipaghanda ang anak ko ng umagahan. Kahit naman may mga kasambahay ako ay gusto kong ako padin ang gumawa para sa anak ko.

Nagtungo ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako para makapagluto ng umagahan.

"Ma'am mukha po kayong matamlay." Puna saakin ni Inday.

"May hangover lang." Ngumiti ako sakanya ng pilit. Alam naman lahat ng mga tao dito ang sitwasyon namin ni Allen. Minsan halata sa ekspresyon nila ang pag aalalala ngunit hindi nalang sila nag sasalita.

Pagkatapos kong magluto ay pababa ng hagdan ang anak ko kasama ang kanyang yaya. Nakasuot pa siya ng kanyang pajamang superman.

Napangiti ako ng dahil sa kanya. Atleast may Micko ako. Magiging masaya nalang ako sa piling ng anak ko.

"Goodmorning mimi." Lumapit siya saakin saka niya ako hinalikan.

"Ang tamis tamis naman ng halik ng baby ko." Sabi ko sakanya pagkatapos ay pinisil ko ang kanyang ilong.

"Mimi. Miss ko na dada." Sabi niya na siyang nagpabago ng ekspresyon ng mukha ko.

Sasagot palang sana ako ng biglang.

"Hey buddy. Miss me?" Sabi ng nakangiting si Allen.

Halos manlaki ang mata ni Micko ng makita niya ang kanyang daddy.

"dada! Miss you!" Tumakbo siya sa kanyang daddy at niyakap ito.

Lumapit si Allen sa hapag. Tinignan niya akong saglit bago ulit bumaling kay Micko.

"Dada di mo ba namiss mimi? Di mo nikikiss?" Nagpout ang anak ko sakanya.

"O-Offcourse I miss mimi." Lumapit siya saakin at hinalikan ako sa aking noo.

Yung mga halik na mamimiss ko. Yung mga halik sa noo kong alam kong hindi na saakin laan kundi sa iba na. Ang saklap talaga.

Pagkatapos naming kumain ay pinakuha ko muna si Micko kay yaya para makapag usap kami ni Allen.

"Napirmahan mo naba?" Tanong niya.

"Hindi pa." Malamig kong sgot.

"Shit! Sinabi mo ay pipirmahan mo na!"

"Pipirmahan ko pero may kondisyon ako." Matapang kong sabi sakanya.

"Okay. Para matapos na. What is it Alli?" Seryoso niyang tanong.

"For the last time Allen iparamdam mong asawa mo ko. Make love to me." I just want to feel him for the last time kasi alam kong pagkatapos nito wala na.

Huminga siya ng malalim bago sumagot.

"Sure Alliya."

My Ex Twin Is Now My Ex WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon