Chapter 15

2.4K 97 16
                                    

It's been 2 weeks since you left us. Sobrang sakit pala ng ganon?

Yung tipong nawala ka nalang bigla. Wala ka manlang pasabi. Ang daya mo naman. Ang sakit sakit kasi alam kong kahit anong gawin ko ay hindi kana babalik pa. Iniwan mo na kami ng tuluyan.

Hinahalpos haplos ko ang kanyang lapida habang tumutulo ang aking mga luha.

Hanggang ngayon ay hindi padin ako makapaniwala. Hindi ko padin tanggap na wala kana.

Napatingin ako sa langit habang nag iisip. Mukhang uulan. Nakiki kampi saakin ang panahon at gusto ata akong sabayan sa aking pag iyak.

Makakaya ko kaya na wala kana? Makakaya kaya namin na wala kana?

Kailan lang ang nakapag usap pa tayong dalawa. Hindi ko alam na iyon na pala ang pinaka huli. Sana pala ay sinulit kita. Sana pala ay niyakap kita ng napakahigpit baka sakaling hindi ka nawala. Sana ay sinabi ko lahat sayo ang mga bagay na gusto kong sabihin.

Pero nasa huli nga pala ang pag sisisi. Bakit ganon? Pakiramdam ko ay galit na galit ako sa sarili ko dahil ang sarili ko lang na problema ang inisip ko na hindi ko manlang naisip kung okay ka lang ba? Kung may masakit ba sayo o ano?

Kung nasaan ka man ngayon sana ay maging masaya ka. Pipilitin kong maging masaya. Pipilitin naming maging masaya para sayo kasi alam kong ayaw mong nakikita kaming nasasaktan.

Nakikita mo ba kami jan? Nakikita mo ba ako mula dito? Mamimiss mo din kaya kami gaya ng pagkamiss namin sayo? Hindi na namin alam eh kung paano mag sisimula na wala kana.

Na sa tuwing kakausapin ka namin ay hindi kana sasagot pa. Naririnig mo ba kami? Naririnig mo ba ako? Bumalik kana sana. Please?

Hindi ko namalayang unti unti na palang bumuhos ang ulan. Ramdam ko ang lamig nag tubig na dumadaloy sa aking balat gaya ng lamig na nararamdaman ko sa kalooblooban ko.

Bigla ay may payong na tumapat saakin. Hawak ito ni Andrei na nag aalalang nakatingin saakin.

"Maratha, halika kana. Magkakasakit kana sa ginagawa mo." Pag yaya niya saakin.

"No. Dito lang ako. Hindi ako aalis dito." Sabi ko habang humihikbi.

"Isang linggo ka ng araw araw na nandito. Please naman Maratha. Halika na." Disperado na ang kanyang tono.

"No. Dito lang ako. Umalis kana!"

"Maratha! Hindi lang ikaw ang nasasaktan sa pag kawala niya! Sa kakaganyan mo ay naaapektuhan ang mga taon nakapalibot sayo! Kung ganyan ka ng ganyan na tinigil mo na ang buhay mo ay paano naman ang mga taong nagmamahal sayo! Paano na si Micko? Mga kaibigan mo! Ang mga taong umaruga sayo! Paano na.....Ako? Maratha. Let's go...Please..Hindi ko na kayang nakikita ka pang ganyan. Kahit ngayon lang. Magpahinga ka naman." Kahit na nababasa siya ng ulan ay halata ko parin sa kanyang mga mata na siya ay lumuluha.

Napaisip ako. Paano nga pala ang mga tao pang anjan para saakin?

Inabot niya ang aking kamay ay tinanggap ko naman ito. Itinayo niya ako ay inakay na papasok sa kanyang kotse.

"Ihahatid na kita sainyo." Sabi niya at pinaandar na ang kanyang sasakyan.

"Maratha, alam kong ilang beses kanang nasaktan at alam kong ito ang pinakamasakit sa lahat pero sana naman ay di tumigil dito ang buhay mo dahil nawala siya."

"I'm sorry Andrei." Nakayuko ako habang umiiyak.

"Sa condo muna pala tayo. Mag ayos ka muna doon. Masasaktan nanaman sila pag nakita kang ganito." Sabi niya.

Hindi nalang ako umimik at sinunod ko nalang siya.

Paano ba ako masasanay? Paano ako masasanay na wala na ang isa sa mga taong mahal na mahal ko?

Pagkadating namin sa basement ng building kung nasaan ang unit niya ay agad niya akong pinagbuksan at agad kaming nag tungo sa elevator para makarating sa kanyang unit.

Pakiramdam ko ay isa akong naglalakad na patay. Pakiramdam ko ay isa na akong zombie. Wala na akong ibang maramdaman kundi sakit. Naimmune na din ata ang aking katawan.

Ng makapasok kami sa kanyang unit ay agad niyang inabot ang mga damit na naiwan ko dito noong minsang natulog ako dito.

"Magshower kana Maratha. Magkakasakit kana." Sabi niya at agad na dumeretso sa kusina. Galit ba siya saakin?

Nagtungo ako sa kanyang kwarto para maligo sa kanyang banyo.

Habang naliligo ako at pumapatak ang tubig na nagmumula sa shower ay bumalik nanaman saakin ang lahat.

Sana pala ay inalagaan kita. Sana ay sa mga panahong umiinom ako ng dahil sa sakit na nararamdaman ko ay sana nasa tabi mo nalang ako. Kung sana ay sinabi mo lang. Kung sana ay hindi ko ipinakitang mahina ako sa harap mo. Sa harapan niyo ay sana hindi mo ako inisip at sana ay inisip mo nalang ang sarili mo.

Pinatay ko ang shower at lumabas ng banyo para makapagpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad akong lumabas ay nalanghap ang amoy ng chicken soup na kakaluto lang ata sa may lamesa. Biglang kumulo ang tyan ko ng dahil dito. Kahapon pa pala ako hindi kumakain.

Bigla siyang sumulpot na bagong ligo din na nanggaling sa may kabilang banyo

"Kumain kana habang mainit pa ang sabaw." Malamig niyang tugon at nilagpasan ako.

"Andrei galit ka ba saakin? I'm sorry." Sabi ko habang sinusundan siya.

"No, hindi ako galit sayo Maratha." Malamig niyang sagot.

Iniwasan niya akong muli.

"Eh bakit ganyan ka? Andrei. Galit kaba saakin?" Pag uulit ko.

"Hindi nga ako galit sayo." Sagot niyang muli.

"Eh ano Andrei?"

"Damn! Gusto mong nalaman? Hindi ako galit sayo! Galit ako sa sarili ko! Kasi hindi ko alam kung paano aalisin yang sakit na nararamdaman mo! Kahit sana kunin ko nalang lahat ng sakit eh! Para maging okay kana! Sinabi ko pa na aalagaan ko yang puso mo pero ano? Wala akong magawa." May lumandas na luha sa kanyang mga mata.

Wala akong alam gawin kundi ang yakapin siya.

"I'm sorry Andrei. I'm sorry. Susubukan ko....Kahit mahirap susubukan kong maging masaya ulit."

---

Lame update again. Sorry. :(

My Ex Twin Is Now My Ex WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon