[Epilogue] Once Upon A Time

21.8K 268 47
                                    

Every happy ending starts in Once Upon A Time (©from the story Once Upon A Time) ...

Kumakabog ang dibdib. Pinagpapawisan. Hinihingal. At higit sa lahat gusto nang tumulo ang mga luha ko. Kalong ko ang dalawang bata habang tumatakbo ako papasok nang hospital. Her room is on the third floor at hindi ko na kayang hintayin ang elevator lalo na't maraming tao ngayon. May naaksidente kasing bus kanina.

"D-daddy.. is mommy alright?" Hindi ko pinansin ang tanong ni Harold dahil maski ako ay hindi ko alam kung ano ang sagot. Nang makarating na ako sa second floor ay may dumaan na mga nurses kasama ang pamilya nito papuntang morgue, napalunok na lamang ako. I hope, iba ang madadatnan ko.

Narinig ko pa ang sigaw nang dalawang bata dahil sa nakita kaya naman ay agad akong tumakbo papuntang third floor at hinanap ang kwarto ni Gabriella.

Dahan- dahan akong naglakad lalo na nang makita ko ang mga nurses na pabalik- balik sa loob. Kumalas ang dalawang bata sa braso ko at ito ang naunang pumasok sa loob.

Pinagpapawisan na ako sa kaba lalo na nang marinig ko ang iyak at sigaw nang mga bata.

"Mommy!" Sabay nitong sabi... wala na akong ibang narinig no'n kundi iyak lang nang dalawa. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako gayong hindi ko kayang makita siya sa kung ano man ang kalagayan niya pero nanaig parin ang pag-asa ko na sana buhay siya.

Dahan- dahan akong pumasok sa loob. Tinapik pa ako nang doctor ni Gabriella at nang nasa pintuan na ako ay halos hindi ako makahinga. Nakatitig lamang ako sa kanya.

Hindi ako makapaniwala na sa kabang nararamdaman ko, ito na at nakikita ko na ang kalagayan niya.

"Hindi mo ba ako yayakapin?" Anito na siyang nagpaluha na naman sa akin. Right there in her bed... she's breathing... alive and its not a dream.

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Hinalikan ko siya sa noo habang ang mga luha ko ay walabg tigil sa pagtulo.

"Thank you baby... for coming back" iyak ko na siyang nagpatawa nito. Hindi ako makapaniwala... tama nga ang sinabi ni mommy.

In God's time, she wake up. In God's time, she's already in my arms- alive and smiling.

"Thank you baby... I love you" bulong ko. Humilig siya sa akin at doon dinamdam namin ang tibok nang bawat isa. Ang tibok nang puso namin na ngayon lang ulit nagkatagpo.

"Happy family na ulit tayo daddy diba?" Basag ni Henrette sa katahimikan naming lahat. Nasa kabilang side nang kama ni Gabriella ang dalawa. Nilingon ko ito at pinalapit sa akin. Sina mommy naman ay masayang nakatingin sa amin, ang mga doctor at nurses naman ay umalis na upang bigyan na muna kami nang time. Nilingon ko ang dalawa at agad na sinampa sa kama. At pinaloob namin ni Gabriella ang dalawa sa aming mga braso.

"I love you mommy... I love you daddy" sabay na bigkas nang dalawa. Hinagkan ko ang mga ito sa noo tapos ay si Gabriella naman sa labi.

"Love din kayo ni mommy at daddy" Everything is now complete... isa nalang ang kulang.

THREE hundred ninety- nine days.

"Hon?" Nilingon ko ito at hindi ko na naman maiwasang mapangiti, ilang araw nalang ang hihintayin namin para maging isang buong pamilya na kami.

"Hi baby" hinagkan ko ito at niyakap.

"Bakit ka pala nandito? Akala ko ay doon ka matutulog sa bahay nina mommy- tita"anito at niyakap ako. Nandito siya sa bahay ng mga magulang niya kasama ang mga bata habang ako naman ay doon na muna sa bahay nina mommy. Para lang kaming bumalik sa nakaraan iyong dapat bago ang araw ng kasal ay malayo kami sa isa't - isa dahil iyon ang gusto ng mga magulang namin. Na kahit may mga anak na kami ay dapat makinig kami sa kanila kaya lang ay hindi ko kayang hindi siya katabi.

Apprentice in Bed [Revised]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon