[C: 33] Ended Justice

6K 87 9
                                    

[C: 33] Ended Justice

JADE's Point of View

Agad akong tumakbo papunta sa isang mental institute na sinasabi ni mommy.

Kanina, nang matanggap ko ang tawag ay agad akong nalito. Hindi ko alam sino ang paniniwalaan pero mas nanaig ang paniniwala ko sa ina ko. Alam ko din na tama ang naging desisyon ko, kilala ko si mommy noon paman habang si Gabrie— Mrs. Cordova ay kakilala ko lang tsaka isa pa, napaka tanga ko dahil sa dinami- dami ng pinatulan ko iyong may asawa pa.

"Miss nasaan iyong room ni Gabriella Ana Marie Flores?" Tanong ko nang nakakita ako ng isang taga bantay sa may hallway. Nagtaka pa ito kaya naman ay agad ko na lamang tinawagan si mommy. Buti na lamang at agad niyang sinabi sa akin. Halos hindi na ako makahinga sa kaba. Mahal na mahal ko si Gabriella at itong katotohanan na makikita ko na siya.

"M- mommy" halos maiyak ako ng.makarating ako sa kwarto. Nilingon nila akong lahat at binigyang daan patungo sa kama nito. Nandito din ang mommy ni Gabriella at Daddy.

"P-paano niyo po siya nakita?" Wala akong pakialam kung magmukha man akong bakla dahil sa paiyak na ako.

Nang makita ko ito ay halos hindi ko na siya makilala. Sunog ang kalahati ng mukha nito pero makikita ko parin ang bakas ng aking Gabriella.

"M-mom" nilingon ko si mommy at ngumiti lamang ito. Nakaupo sila gilid habang ako naman ay malapit lamang sa kama ni Gabriella.

Nakatitig lamang ito sa akin hanggang sa umiyak ito. Kaya naman ay agad ko itong nilapitan at niyakap. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan siya sa noo.

"J-jade" nanlaki ang mga mata ko ng bigkasin nito ang pangalan ko. Nanlalaki ang aking mata na tinignan sina Mommy ngunit tumango lamang ito at ngumiti.

"Kilala mo ako?" Tanong ko dito. Tumango naman ito at agad na humilig sa aking balikat. Ganoon lang ang posisyon namin hanggat sa pumasok ang doctor at nurse upang pakainin at painom ng gamot si Gabriella.

Habang pinapakain nila si Gabriella ay agad kong nilapitan ang doctor.

"Paano po siya napunta dito?" Tanong ko dito.

"Five years ago ay may isang babae at lalaki na iniwan siya sa isang hospital. Sunog ang kanyang katawan at akala namin noon ay patay na siya ngunit nang lapitan ko siya humihinga pa siya kaya naman agad namin siyang ginamot at sa awa nang diyos ay naging successful ang operasyon ngunit na coma siya sa loob nang isang taon akala ko ay hindi na siya magising. Noong magising siya ay tulala lamang siya at laging binabanggit ang pangalang Jade kaya mula noon ay tinawag na namin siyang Jade" bumuga ako ng hangin upang mapigilan ang luha ko. Kung sana ay hinanap ko pa siya. Kung sana ay hindi ko siya pinabayaan.

"Ano pong nangyari sa pinagbubuntis niya?" Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa aming anak.

"Unfortunately ay hindi na namin nailigtas ang bata sa sinapupunan niya" napapikit ako at agad na kinalma ko ang sarili ko.

"Salamat po doc. Pero kailan po ulit siya nakaalala?"

"Noong laging nandito ay mommy niya. Siguro ay nag triger ang mga ala- ala niya dahil may isang taong malapit sa puso niya na kasama niya" tumango na lamang ako at nagpasalamat. Wala na akong dapat malaman pa dahil sapat na iyon. Iyong mabuhay siya at patuloy siya nabubuhay para sa akin. Wala man ang mumunting anghel namin ay siguro hindi pa talaga iyon para sa aming dalawa.

Hindi ko man din alam kung bakit siya nandito sa mental institute ay hindi ko nalang din iyon inalam. Ang importante ngayon ay kasama ko na siya.

"Thank you mom dahil hindi kayo tumigil sa paghahanap sa kanya" sabi ko sa mommy ni Gabriella. Tulog na ito ngayon kaya kinakausap ko si Mommy. Ang aking ina naman ay bumalik na muna sa bahay upang makapagpahinga sila ni daddy. Inilipat din namin si Gabriella sa private hospital para naman mas matutukan ang pag- aalaga sa kanya. Gusto kasi ni mommy na ipaopera siya at ibalik ang dati niyang mukha kaya lang ay agad ni Gabriella.

Apprentice in Bed [Revised]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें