[C: 15] Keeping everything's right

6.7K 95 16
                                    


[C: 15] Keeping everything's right


Nalaman ng mga magulang namin na magkakaanak na kami at ang lalong natutuwa ay si mommy, sinabi ko na sa kanya na wala na ang plano ko dahil hindi naman pala si Gabriella ang gumawa n'yon. Pinakita ko din sa kanila ni papa video at galit nag alit siya sa mga Flores pero sinabi kong hindi sila pwedeng magpadala sa galit dahil kahit anong gawin nila kasal pa rin kami ni Nicole. Tinulungan ako ni papa upang mag file ng annulment at nang meron na ay pinermahan ko ito at pinuntahan si Nicole sa resort.


"Ano 'to?" Tanong niya sa akin ng pinakita ko sa kanya ang annulment paper, ngumisi na lamang ako, madali para sa kanya ang magmaang- maangan dahil hindi niya alam na alam ko na ang lahat.


"Annulment paper" simpleng sabi ko sa kanya.


"At bakit mo naman ako bibigyan nito?! Plano nating patayin 'yang pesteng si Gabriella at mananatili tayong kasal—" tumayo ako at agad na sinampal siya, hindi ko inakala na nagpakasal ako sa isang psycho.


"Wala na ang planong iyon, naintindihan mo?! Kami ang ikakasal at hindi tayo" marahas na hinawakan ko ang baba niya at tinignan ko siya ng matalim.


"At hinding- hindi ka gagawa ng paraan upang ibunyag ko sa lahat kung ano ang ginawa mo sa anak ko!!" nanlaki ang mga mata niya ngunit walang takot na rumi- histro doon, ngumiti siya sa akin at tinulak ako.


"Wow, just wow, ngayong alam mo na ang lahat ay iiwan mo ako?! Pwes wag kang mag- alala dahil hindi ko iyan pipirmahan. Hindi kita pakakawalan"


"Hindi pwede iyang sinasabi mo! Magkakaanak na kami at kailangan naming ikasal sa lalong madaling panahon!"


"Ah kaya naman pala atat kang makalas sa akin dahil sa lintik na anak ninyo, pwes wag kang mag- alala dahil hindi kayo kailan man magiging masaya, tandaan mo 'yan" napapailing na lamang ako at inilagay sa mesa ang annulment papers.


"Pipirmahan mo 'yan dahil kapag bumalik ako at wala pa din, mawawala ang lahat ng sa'yo" napailing na lamang ako ng tumawa siya ng malakas pero umalis na ako dahil kailangan ako ng mag- ina ko ngayon. On the way to our house ay tinawagan ko ang mga tauhan ko upang maghanda para sa gaganaping marriage proposal ko bukas kay Gabriella, kailangan ko siyang pakasalan dahil magiging isang pamilya kami.


Pagdating ko ay natutulog parin ang magiging asawa ko kaya naman tumabi ako dito at hinalikan siya sa noo, inalala ko ang lahat ng mga nangyari sa amin nitong puno pa ng galit ang isip ko.


Hindi ko man aminin alam ko naman na may nararamdaman ako sa kanya, alam ko naman na sa ilang taon ang nagdaan ay hindi ko siya iniwan, tinago ko lang siya sa puso ko dahil kailangan kong harapin ang bago kong buhay noon. Kinalimutan ko siya at humantong pa kami sa ganitong pangyayari. Na gustuhin ko siyang saktan pero ngayon itatama ko na ang lahat, hindi lang para sa magiging anak namin kundi para sa kanya na din.


Malaki ang kasalanan ko sa kanya—sa taong alam ko na mahal ko parin. Napaluha na lamang ako, I almost break her without thinking what is right. Nagpaka immature ako sa ginawa kong desisyon at hindi ko man lang inisip ang mga nangyari noong iniwan ko siya. Noong pinili kong sumama kay Nicole para lamang unahin pa siya.

Apprentice in Bed [Revised]Where stories live. Discover now