[C: 25] Forgotten Memories

5K 64 4
                                    

[C: 25] Forgotten Memories


Hindi kami nagpapansinan ni Jade hanggang sa makarating kami sa Azienda. Hindi niya alam na may naalala na ako pero naguhuluhan padin ako. Sabi niya panaginip lang daw ang lahat, panaginip lang ba talaga? Hindi ba totoong ako ang Gabriella na asawa niya?
 



Nakababad lang ang mga paa ko sa pool dahil napagpasyahan nina Tito Richard- Jade's father na mag bonding daw sila. Though its just a family bonding pero dahil nandito naman daw ako at ang pangit naman kung magmumukmok lang ako ay agad pinasali na din nila ako.




Tito Richard and Jade is drilling the barbeque habang kami naman ni Tita ay naka chill lang. She's having her sun bathing at ako naman ay nandito sa pool.





Hindi parin nawala sa akin ang takot sa nakita ko dito sa swimming pool pero alam ko naman na kagaya kanina ay panaginip lang iyon. Panaginip lang ba talaga? Napabuntong hininga ako. Ano ba itong nangyayari sa akin?




Napapikit ako at inalala ang unang araw na makita ko si Harry.




Masakit ang buo kong katawan lalo na ang mukha ko. Gusto kong magsisigaw sa sakit pero tila wala akong boses.




"She's still lucky that she survive from that accident bro. Kung hindi mo siya nailigtas malamang ay hindi na siya magigising pa" marahil ang doctor ang nagsasalita ngayon.




"Pero bakit hindi pa siya gumigising?" Boses iyon ng lalaki. Hindi ko alam pero nang marinig ko iyon ay nakaramdam ako ng takot.




"She's still recovering bro kaya naman hindi pa iyan gigising" sinikap kong ibuka ang aking mga mata pero wala talaga, nilalamon ako ng pa- unti- unti ng dilim hanggang sa nakatulog na ulit ako.




Nagising ako sa mga ingay na nasa paligid ko.




"I want her. Iyon lang ang hiling ko and dont worry I wont let them find her, ilalayo ko siya sa kanila" iyon na naman ang boses ng lalaki.




"Okay but when everything comes to worst, yayanigin na naman natin ang mundo nila at ibabalik natin ang dati. Gusto ko na sa pangalawang pagkakataon ay masaktan na naman sila dahil sa sobrang pagmamahal nila sa taong iyan!" May galit sa kanyang mga salita. Gusto kong gumising para alamin kung sino ang tinutukoy nila pero kagaya noon ay nakatulog na naman ulit ako.




Sa loob ng limang buwan, nagpagaling ako hanggang sa magising na ako ng tuluyan. Mag- isa lang ako sa silid. Inilibot ko ang mga mata ko at alam kong nasa hospital ako.


Apprentice in Bed [Revised]Where stories live. Discover now