[C: 34] Breathless

6.4K 94 4
                                    

[C: 34] Breathless

"M-mommy" naiiyak na tawag ko ni mommy nang nakita ko siya papasok sa emergency room. Kasalukuyan kasi nila akong ginagamot habang si Gabriella naman ay nasa operating room. Hindi ko pa natatawagan ang mga magulang niya kaya laking pasalamat ko at pumunta dito si mommy.

"Ano ba kasi ang nangyari?" Tanong nito sa akin. Tinapos na nang nurse ang paggamot sa sugat ko kaya naman at binalingan ko si Mommy at Daddy.

"M- mali po pala tayo my. Iyong babaeng sunog... hindi siya si Gabriella kundi si Nicole iyon" napasinghap si Mommy sa nadinig habang si Daddy naman ay kinuha ang telepono at tiwagan ang nga magulang ni Gabriella.

"Bakit napunta sa ganito?" Nagbuntong hininga ako at inalala ang lahat. Kaninang umaga ay masaya pa akong nagpaalam sa kanya ngunit ito pala ang mangyayari. Ang bilis nang pagbabago sa buhay kong ito.

"Hindi ko inakala mommy na iyon ang mangyayari... na hindi siya si Gabriella at iyong tunay na Gabriella ay iniwan ko sa isang taong malaki din ang utang sa aming dalawa" sabi ko pa. Naalala ko ang araw na iyon. Iyong tumawag si mommy sa oras ng laban naming dalawa pero anong ginawa ko? Binigo ko na naman ang aking Gabriella. And ngayon, nabaril pa siya at hindi ko siya naipagtanggol sa kapatid niya.

"Anak... sino ang totoong Gabriella?" Tanong ni Mommy habang nakahawak sa kamay ko. Nakikinig lang sa amin si Daddy.

"Iyong kasama natin sa Cebu mom. Siya iyon" ikwenento ko kay mommy ang lahat- lahat nang nangyari. Simula nang iwan nila kami sa Cebu hanggang sa huling araw na nagkita kami at doon sumagi sa isip ko ang mga anak ko.

"Dad... Can you please call someone at hanapin ang mga anak ko? Hindi ko alam kung saan sila dinala ni Gabriella pero ang alam ko ay wala na sila sa dating bahay nila kaya please dad. Gusto kong makita ang mga bata" hindi man alam ni Daddy ay gagawin ay sinubukan niya. Ni hindi ko alam ang buong pangalan nang dalawa, tanging Harold and Henrette lang ang alam ko.

Ilang oras pa ay dumating na ang mga magulang ni Gabriella ngunit wala pa silang alam. Ang totoong kilala nilang Gabriella ay si Nicole.

Nakaabang lamang kami sa operating room dahil hindi parin lumalabas ang doctor na nag- opera sa kanya. Hindi ko alam kung saan siya natamaan pero ramdam ko na malalim ang sugat niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa din tapos.

Nilapitan ang nang mommy ni Gabriella, umupo ito malapit sa akin.

"Hijo, ano ba ang nangyari? Bakit ba humantong sa ganito?" Napalunok ako at inalala na naman ang nangyari. Kwenento ko ang lahat- lahat sa kanya.

"Iyong akala nating Gabriella, si Nicole po iyon. Tapos 'yong totoong Gabriella... iniwan ko po... iniwan ko noong mga panahong kailangan niya ako" napaiyak ang mommy ni Gabriella at tinanong ako kung paano kami nagkita. Lahat- lahat sinabi ko, lahat nang kwento sa akin noon ni Gabriella sinabi ko. Lalong- lalo na sa mga bata.

"Nasaan na sila?" Tanong nito sa akin. Umiling lang ako, wala akong alam kung saan iniwan ni Gabriella ang dalawang bata pero sana lang... sana lang ay maayos ang kanilang kalagayan.

"H-hon... please magpapunta ka nang mga pulis sa mental institute na pinuntahan natin at tanungin mo sila kung bakit iyon ang impormasyong binigay nila sa atin. At gawin niyo ang lahat malaman lang ang katotohanan... and please, find our Grandchildren" anito pa at mahinang umiiyak sa tabi ko. Maya- maya pa ay lumabas na ang doctor kaya tumayo na kami.

"Ako po ang ina niya... kumusta po ang anak ko?" Narinig kong sabi ni Mommy. Mataman lang akong nakatitig sa doctor at nakinig nang mabuti.

"As of now, she's stable now but we still need to check her. Sa ICU siya mamalagi para masiguro natin ang kaligtasan niya. Critical kasi ang kondisyon niya at hindi pa natin alam kung okay na ba talaga. She just lost her baby and her body is tired. May malalalim siyang sugat sa likod na nagkainpeksyon. But as of now, kailangan nating hintayin kung kailan siya gigising" nangatog ang tuhod ko sa mga narinig. She lost her baby. Kasalanan ko ang lahat nang ito!

Apprentice in Bed [Revised]Where stories live. Discover now