[C: 35] In God's Time

7K 84 4
                                    

[C: 35] In God's Time

Nasa harap ako ngayon ni Nicole habang idinidiskusyon nila ang kaso niya. Nandito din sa korte si Glen pero sa dalawa ay si Nicole ang pinakahirap kausapin. Tinatanong kasi nang judge kung bakit niya ito ginagawa pero inikot- ikot lang niya ang kwento.

Kanina pa kami dito at ito na ang huling hearing namin. Malakas ang embedensya namin pero gusto naming malaman kung bakit sa simula't sapol ay ito ang ginagawa niya. Ano ang nag udyok sa kanya para gawin ang ganito.

Tawa lang nang tawa si Nicole hanggang sa umiyak tapos ay tumawa na naman . Nalaman ko din na nabaliw si Nicole pagkatapos nang ginawa niya kay Gabriella.

"Hahaha! Pinatay ko ang anak nila... abortion... pero... haha binuhay pala nang gagong Glen na iyan... May konsensya pala ang gago" lahat kami ay nakikinig lamang sa pinagsasabi ni Nicole.

"Akala ko fetus na iyon ni Gabriella pero hindi pala... haha... Binuhay pala niya ang anak nang karibal niya" pagkatapos ay umiyak na naman ito. Ako naman na nakikinig ay nakakuyom ang mga kamao ko. May possibilidad na patay na sana abg mga anak ko. Hindi ko alam kung paano nila iyon ginawa pero malaki ang pasasalamat ko kay Glen dahil kahit paano ay inalagaan at prinotektahan niya ang mga anak ko. Kahit na iyon ang ginawa niya sa mahal ko ay may halaga padin sa kanya ang mga bata.

"Patawad po... patawad mommy sa lahat..." ani ni Nicole pagkatapos itong hatulan nang Judge. Nilapitan naman ako nang mommy ni Gabriella at niyakap.

Sa ngayon... Okay na ang lahat. Siya nalang ang kulang.

"Let's go?" Ani ni Daddy at inalalayan na si mommy na umiiyak pa rin. Hindi ata kinaya ang lahat nang statement na nalaman namin. Kahit naman ako.

Ikwenento lahat sa amin ni Glen ang nangyari sa building na iyon at masakit para sa akin na dinanas niya ang ganoong bagay.

Tahimik lamang kami sa sasakyan. Papunta na naman kasi kami sa kanya.

Akala ko mawawala na siya sa akin pero buti na lamang at naging matatag siya.

Ang mga anak namin ay nasa bahay nina Mommy tumitira habang ang mga magulang ni Gabriella ay doon nadin tumutuloy. Ako ang nagdesisyon no'n, atleast may kasama si mommy sa pagbabantay nang dalawa. Hindi din naman mahirap bantayan ang dalawa dahil napaka independent na nang mga ito pero kahit paano ay binabantayan ko parin. Hindi paman masyadong malapit sila sa akin ay ramdam ko na sinusubukan nila. Alam na din nang mga bata ang tungkol sa kanilang ina, umiyak nga ang anak kong babae lalo na nong makita nila ang kalagayan nang ina.

"May alam ka na bang school na papasukan nang mga bata?" Tanong ni Mommy sa akin habang naglalakad kami papunta sa hospital. Tinignan ko ito at tumango.

"Bukas po ay dadalhin ko ang mga bata doon upang ipakita sa kanila ang kanilang paaralan. Tsaka kung ayaw din nila ay may iba naman akong paaralan na tinignan" tumango na lamang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.

ONE hundred sixty days...

"Baby, it's already one hundred sixty days... kailan ka ba magigising?" Hinaplos ko ang kanyang mukha at hinalikan ang likod ng kanyang palad.

Simula nang muntik na siyang mawala sa akin ay lagi ko nang binibilang ang mga araw na nagdaan. Nailipat na siya sa isang private room dahil sa naging stable na talaga siya, pagkatapos ng nangyaring iyon ay nagising siya pagkatapos nang isang linggo kaya lang after that na coma na naman siya. Ayon sa doctor, dahil iyon sa pagod. Kaya ito, ginagawa ko nang bahay ang room niya. Hindi ko nga lang pinapupunta ang mga bata dahil ayaw kong magkasakita ang mga ito.

"Ijo, since saturday bukas pwede ka namang umuwi muna ngayon. Kami muna ang bahala dito para may oras ka na sa mga bata" ngitian ko lang ang mga ito at umiling.

Apprentice in Bed [Revised]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz