[C: 1] the Jade Jimenez

47.9K 456 9
                                    

[C: 1] the Jade Jimenez

Nandito na ako sa bahay na'ng unggoy na Ex boyfriend ko. Sabi niya kasi sa akin kapag hindi ako pumunta dito sa condo niya within this week ay pupuntahan niya ako kung naasang lupalop man daw ako ng mundo at ang mas masaklap pa ay kung naasan ako nagkakampo ay doon namin gagawin ang pagiging apprentice in bed ko na sinasabi niya. As if papatulan ko siya, dahil kailan man ay hindi na ako magpapa- uto sa kanya. Once is enough and twice is too much. Ayaw ko lang naman sa set up na ito pero wala akong magawa dahil alam ko naman na lahat ng ito ay may kapalit. We had a deal at dahil ayaw kong matali sa kanya gagawin ko lahat ng gusto niya, because I know sa ayaw at sa gusto ko mapapapayag niya ako. What Jade's wants, Jades get but he promise na hindi niya ako pipiliting magpakasal sa kanya dahil alam kong alam naman niya ang nangyari noon.

Habang papasok ako ng condo niya hindi ko mawari kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon, kung paano ko nakayanan ang gabing iyon. Gabing puno ng galit at sakit.

Papunta kami nang parents ko sa isang elegant restaurant, may kikitain daw kaming client—pero alam ko naman na ito na iyong gabing nadinig ko sila ni daddy. Iyong sinasabi nilang ipapasakal—este ipapakasal sa akin. Kahit na humindi ako alam ko naman na kailangan ko padin sumama, as a sign of respect na din at ayaw kong mapahiya ang parents ko. They are still important to me kaya kahit na galit ako at nasasaktan ako sa disesyon nila ay hindi ko parin sila mahihindian.

Ng makarating na kami nagpaalam na muna ako na pumunta sa ladies room dahil gusto ko na munang mag retouch para naman hindi mailing sa akin ang mga kikitain namin. Alam ko naman kasi na they are classy enough para ditto pa sa isang elegant restaurant na makikipagkita sa amin.

Pagdating ko do'n inayos ko na muna yong sarili ko at maya-maya pa lumabas na ako , I really take my time dahil para akong hindi mapakali at hindi maampat ang kaba ko sa hindi malamang dahil pero nong malapit na ako sa table namin para bang alam ko na kung bakit ako kinabahan na siyang ipinagtataka ko. May limang tao sa table namin. My Parents—a guy and a man with his wife na for sure ay nasa forty's na. Lumapit ako sa kanila ng nakangiti ngunit agad ding nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino iyong lalaki na kasama nila mommy. Parang gusto ko nalang himatayin sa nakita ko, ano ang ginagawa niya dito? Ng magtama ang mga mata naming ay ngumisi siya.

"Gabriella" nakangisi parin niyang sabi pero hindi ko na kayang magpigil, kung noon kinaya ko siyang wag saktan ay ngayon kayak o iyong gawin dahil nangangati ang kamay ko lalo na at andito siya sa harapan ko, labis akong nasaktan noon kaya hindi ako nakalaban pero ngayon sisiguraduhin ko na lalabanan ko siya kaya kinuha ko iyong wine niya at agad na sinaboy sa nakakabwesit niyang mukha.

"GABRIELLA!" Hindi ko inalintana ang sigaw ni daddy dahil doon lang nakatuon ang pansin ko sa hinayupak na lalaking ito. My parents doesn't know him because I never introduce him as my boyfriend before.

"Baby huminahon ka nga diyan at maupo ka na muna. Ikaw naman honey wag kang sumigaw aalahanin mo na kaibigan natin sila. At Gabriella baby-- sila nga pala yung kikitain nating client. We need to save their company and the only solution is to merge our company and their company kaya you two need to get engaged as soon as possible" Hindi ko alam kung bakit kailangang kami pa. Pwede namang sila ni Ate ang ikasal. Akmang magsasalita na ako ng inunahan na ako ni Daddy.

"Gabriella, Richard—Jade's father is my best friend way back in highschool at nito nga lang nakaraang buwan ay nalaman ko ang nangyari sa company nila. Someone stole their money kaya lubog sila sa utang and the only way to help them ay iyon nga. You and Jade need to marry each other." Ngumisi ako ng makita kong ngumisi din si Jade.

"Dad you must call Ate Nicole about this because as far as I remember, they're together at alam ko din naman na matagal na nilang plinaplano na magpakasal eh, so why not arrange Ate Nicole and Jade right?" bigla namang nawala ang ngiti ni Jade at tila ba mali ang sinabi ko, hindi ko siya maintindihan pero bahala siya sa buhay niya dahil wala akong pakialam sa kanya.

Apprentice in Bed [Revised]Where stories live. Discover now