[C: 10] Doctor Glen

8.1K 99 2
                                    


Warning: Please ready your self sa mga mangyayari. Lahat ng naganap sa kwentong ito ay kathang- isip lamang. Walang pinagbasihan sa totoong buhay at kung meron man ay hindi sinasadyang matulad ang nangyari. Ready yourself and read at your own risk. Thanks


Napamulat ako sa mata ko ng may nagbuhos sa akin ng tubig. Masakit ang ulo ko at hindi ko pa maigalaw ang katawan ko. Dahang- dahang minulat ko ang aking mga mata at ganoon na lamang ang panlalaki nito ng makilala ko ang nakatayo sa aking harapan.


Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa dumako sa aking katawan ang aking mata. Gusto kong maiyak lalo na sa mga nakikita ko. Nakatali ang dalawa kong paa at kamay sa kama kaya hindi ko ito maigalaw.


"Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko dito, ngumisi naman siya at may kinuha na kung ano sa kanyang tabi. Ibinalik ko ang tingin ko sa paligid. Malamang ay andito kami sa isang basement dahil para itong selda ang pinagkulungan niya sa akin.


Agad akong napatingin sa kanya ng may kung anong ingay akong narinig at ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata ng makita ko ang isang latigo na hawak niya. Nahintatakutan na napatingin ako sa kanya.


"W-wag!" ngunit sa inasta kong iyon ay tila mas ginanahan siya.


"Maawa ka sa amin ng baby ko" sumiklab sa aking katawan ang matinding takot sa maari niyang gawin sa amin ng anak ko. Alam ko naman na sa mga panahong ito ay kailangan kong maging matatag at lumaban para sa anak ko. At para sa taong naghihintay sa akin.


"Alam mo bang may nalalaman akong sekreto?" Nakatingin lamang ako sa kanya habang nagsasalita siya na tila ba ay sa mga titig na iyon ay makakaiwas ako sa mga bagay na maari niyang gawin sa akin.


"Tungkol ito sa babaeng nag- ngangalang Nicole at sa kanyang kasintahang si Jade" Kulang ang salitang gulat sa aking mga narinig. Maari ngang hindi ito ang inisip ko pero alam ko naman na kaya ako nandito ay dahil sa dalawang iyon.


"Si Jade Jimenez na ama ni Baby Ash" Kung kanina ay hindi ko siya pinagtutuunan ng pansin, ngayon ay ginawa ko na. Dahil gusto kong malaman kung ano ang mga nalalaman niya.


"Five years ago, Jade Jimenez left Gabriella Ana Marie Flores upang samahan si Nicole Alcantara a.k.a Nicole Flores sa states. Bakit? Dahil iyon ang gusto ng parents nila. They want Gabriella to focused her studies kaya ginawa nila ang lahat magkalayo lang kayong dalawa. Sad right?" Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Itong mga pinagsasabi niya o itong mga nalalaman ko noon. He left me because he want to save me from her pero bakit? Bakit parang totoo ang pinagsasabi niya?


"Then three years passed and they get married dahil nagbunga ang mga gabing pinagsaluhan nila. And that's baby Ash. The Flores famly knows everything about this but-except Gabriella" Tinignan ko ang mga mata niya pero wala akong nakikita doon kundi galit at inggit.


"But of course, one time Jade caught Nicole with other man. Nag- away sila dahil nakita ni Jade si Nicole sa kama ng ibang lalaki. He even asked her kung siya ba ang totoong ama ni Baby Ash and of course siya ang ama nito pero..." Agad akong napahiyaw ng nilatigo niya ang binti ko. Baby please kapit ka lang, kaya natin 'to. Bulong ko sa isip ko. Kailangan ko itong kayanin kasi kung hindi marami akong maiiwan-No, hindi ako naniniwala sa kwento niya dahil lahat ng ito ay kasinungalingan lamang.

Apprentice in Bed [Revised]Where stories live. Discover now